MAXEN'S POV
"Maxen??"
Ganon na lamang ang gulat ko ng nakasalubong ko si Isabelle. Walang pinagbago at ganon parin siya. Halata rin sa mukha niya ang pagkagulat ng makita ako.
"I-Isabelle??" Ang tanging na usal ko at pilit na ngumiti sa kaniya.
"How are you? It's been a long time." ngiting tanong niya naman.
"Yeah.. I'm fine naman.. " sagot ko sa kaniya. "How about you? Kumusta ka na?" Balik na tanong ko naman sa kaniya.
"Eto..Maganda pa'rin... hahahahahahahahaha" natatawang sagot niya naman. Nahawa naman ako sa kaniya.
"Musta na kayo ni Xairo? Hindi ko pa siya nakikita.." paghahanap ko pa sa kaibigan ko. Pero pumait ang ngiti niya at nagtaka naman ako.
"M-Matagal na kaming wala ni Xairo.. tsaka duhh! Bata pa tayo non!" Ani niya haling nailing nang iyon ang unang itinanong ko. Bahagya nagulat pero hindi na ako nangtaka. Alam ko nang nung una palang ay may pagkaplay boy na talaga ang kaibigan ko. "Una na'ko, Xen! May pupuntahan pa kasi kami.." saka naman napansin ang lalaking kanina pa naghihintay sa kaniya na masama ang tingin sa'kin. Hindi ko naman na ito pinansin at nagpaalam na kay Isabelle.
Tinahak ko na ang daan papunta sa Loft namin. Nadatnan ko doon si Kurten na nanunuod sa TV. Hinagis ko naman sa kaniya ang paper bag na dala ko. Puros snack ang laman no'n.
"Musta 'yung quiz kanina, Max??" Tanong naman ni Kurten habang binubuksan ang isa sa mga chips.
"Basic.. " mayabang na usal ko at natawa naman siya. Hindi man ako napag-aral ay pamilyar na ako sa mga tanong. Ang school na pinasukan ko sa Iceland ay mas adavance sa curriculumn kesa dito sa Pilipinas kaya sinabi sa'kin ni mommy na mag test ako par makapasok sa Star Section. Wherein, nakapasa ako.
"Sa'kin, sakto lang. Nakapag-aral naman ako kagabi.." usal naman niya.
Marami pang kinwento si Kurten tungkol sa mga nagbago ng nawala ako. Pati ang nangyari sa pagitan ni Isabelle at Xairo ay naikwento niya rin sa'kin pero hindi lahat dahil wala rin silang ideya. Gustohin ko man na malaman ang totoong nangyari sa kanila ay wala rin idea si Kurten kung ano nga ba ang totoo.
"Alam mo ba, Xen. Sobrang nagulat talaga kami nung time na 'yon kay Xairo." Ani Kurten. Nakatututok lamang ang paningin ko sa pinapanuod na pelikula habang nakikinig. "Nagulat talaga kami nung nabalitaan naming naghiwalay sila ni Isabelle.. Nagkagulatan din kami ng time na 'yon"
"Why?? What happened?" Takang tanong ko naman.
"Tumawag si Isabelle kay Marquis non at walang humpay sa kakaiyak. Si Xairo daw bigla nalang nakipaghiwalay sa kaniya then uminom ng uminom sa bar... Hindi alam ni Isabelle 'non kung anong gagawin niya kaya tumawag na siya sa'min"
BINABASA MO ANG
My Untold Story
Teen FictionWhat is the untold? Naiumi Cye Jimenez, isang babaeng tinalikurang ang sariling nakaraan. A past full of longing, anger, torment, and sufferings. She used to live a life that everyone wishes for but, this is the kind of life she wished didn't have...