NAIUMI'S POV
Matapos masiguradong okay na si Gonzalle ay bumalik ako sa unit ko. Nilock ko ang pintuan at pinatay ang phone.
'Gusto ko munang mapag-isa.'
Halos makalimutan kong may nararamdaman pala ako. Nang dahil sa nangyari kanina ay napuno ako nang pag-alala, nang Makita ko naman si Buang ay hindi ko alam kung maiinis o maawa ba ako sa kaniya. Gusto ko pa sanang manatili sa penthouse nina Kasim para tulungan si Gonzalle. Marami rin akong gustong itanong sa kaniya, pero sa tuwing ibabalik niya sa aking ang tanong ay nag-aalinlangan na akong sumagot.
'Ayaw ko na munang saguting siya. Baka lalong dumami 'yung tanong niya. Tsk!'
Wala akong ideya sa kung paano nila nalaman ang lugar na ito. Kung bakit humantong sa puntong mananakit na sila, si Gonzalle pa, tsk. Kung ako ang sadya nila rito, bakit kilala nila si Buang at ang lolo nito.
'King ina lalong sumasakit ang ulo ko!'
Pinatay ko lahat ng ilaw at isinara ang bintana pati ang window blinds. Nilock ko rin ang pinto nang terrace. Sobrang dilim ng kwarto ko, tanging laming lamang ng aircon ang nararamdaman ko. Nasa sulok ako ng kama habang niyayakap ang sariling mga tuhod.
'Ano nang gagawin ko? Anong kailangan kong gawin? Ayaw ko nang bumalik doon. Ayaw ko nang bumalik sa taong 'yon. Gustuhin ko mang balikan ang lugar ay wala na akong magandang dahilan.'
Nilunod ko ang sarili sa sariling luha. Lahat ng iyak na pinigilan ko ng ilang araw, sinusulit ko nang ilabas ngayon. Ang sakit, ang hirap, at ang pagdurusang diranas ko sa buong buhay ko ay unti unti akong dinudurog. Habang tumatagal ay unti unti na ring sumisikip ang paghinga ko. Bumibilis ang tibok nang puso ko. Hindi na bago ang pakiramdam pero nahihirapan parin ako.
Walang oras na hindi ko naisip na sundan nalamang ang mommy ko. Gusto nang tapusin lahat ng ito, na sana hanggang dito nalang lahat ng sakit.
'Ano bang maling nagawa ko noong past life ko? Bakit pinaparusahan ako nang ganito.'
Gaya nang mga nakasanayan ko, nakatulugan ko na naman ang pag-iyak at pag-iisip. Kahit sa panaginip ay binabagabag ako ng nakaraan. Hinahabol ako at gusto akong hatakin pabalik.
Ramdam ko ang pagod at bigat ng mga mata ko nang magising ako. Hindi ko tuluyang maimulat ang mga ito. Wala namang kasing pinagkaiba, dilim parin ang nakikita ko. Pero bago pa man ako makakilos ay napuno na naman ako ng luha. Pinipigilan kong humikbi pero kusang kumakawala.
Isa lamang ang maalala ko ay sasabog na lahat nang emosyon at nagtutuloy-tuloy na hanggabg sa pinakamasakit na panggayayari. Kusang nagpplay lahat sa utak ko.
'King inang buhay 'to.'
Nang magmulat ako ay kina Mong mong at Charlie agad dumapo ang paningin ko. Ang himbing nang pagkakatulog nila, sa harap ng mukha ko pa mismo. Kahit titigan ko lang sila ay heto na naman ako at naiiyak. Naalala ko ang araw na dumating sila sa buhay ko. Araw na muntik na akong sumuko kung hindi ko lang sila nakita.
BINABASA MO ANG
My Untold Story
Genç KurguWhat is the untold? Naiumi Cye Jimenez, isang babaeng tinalikurang ang sariling nakaraan. A past full of longing, anger, torment, and sufferings. She used to live a life that everyone wishes for but, this is the kind of life she wished didn't have...