MAXEN KOLT'S POV
Papasok na'ko sa campus at alam kong late na'ko. 6:45 na nang umaga at 15 mins na'kong late para sa unang klase ko. Napagpasyahan kong dumiretso nalamang sa Loft namin ng mga barkada ko. Minaneho ko ang kotse ko hanggang sa marating ang pinakadulo ng campus. Naroon ang pinakalumang building sa school na ito, naroon rin mismo ang Loft na aking tinutukoy. Inilibot ko ang paningin ko sa buong building, pansin kong marami na rin ang nagbago.
"MAXEN!?" gulat na bungad sa akin ni Marquis, kaibigan ko. Sinuyod ko ang paningin sa Loft, renovated na ito. "Pre!? You're back!!" Sigaw nitong ani na agad namang tumakbo papalapit sa'kin. Yayakapin pa ata ako ng loko. Sinamaan ko naman siya nang tingin kaya 'di na niya tinuloy.
"I know I'm back. Tch." Ani ko pa at inilapag ang gamit ko sa couch. "Musta na dito??" Tanong ko pa habang nagbubukas sa Ref. Mabuti nalamang at kompleto ang gamit dito na parang isang bahay na rin. May bedspace din sa taas.
'Di pa'ko nag-aalmusal'
>▪︎<"Eto, pre. Ganon parin naman pero marami nang nagbago. Lalo na syempre noong nawala ka. Hahahahahahahhahaha!" Sagot naman niya.
"Things changed, huh." Usal ko habang binubuksan ang paper bag ng BreadTalk na mula sa ref. "Late lang naman siguro ako ng konti" usal ko. "But I'm back" dagdag ko pa at nagsimula nang kumain.
"Pre, kailan ka pa nakabalik? Musta sa Iceland? Nag-uwi ka ba ng yelo??" Dirediretsong tanong niya na para bang posible 'yung hinihiling niyang dala ko.
"May pasalubong ako pero hindi yelo." Ani ko habang focus sa pagkain. Hindi na ako nakakain ng breakfast dahil sa pagmamadali.
"Ano, 'pre??" Excited niyang tugon.
"Sapak"
0_0! Marq.
"Grabe naman, Maxen! Ang aga aga gulo agad nasa utak mo!" Sagot naman niya at tinawanan ko lamang. "Btw, pumasok na si Kurten sa klase niya. Kaya ako eto mag-isa lang. Penge nga, pre" usal niya at agad na kumuha ng Cheese flosss.
"Ikaw, bakit ka pa nandito?" Tanong ko.
"Afternoon class pa'ko. Nagparty kami kagabi kaya late na'ko nakauwi at nasaraduhan na ng gate kaya dito na'ko natulog." Tawa niya pang usal.
"Loko ka talaga." Tawang usal ko pa. Hindi na bago 'yan sa mga kaibigan ko.
Sabay naming pinanuod ang reply ng NBA nang biglang nagvibrate ang phone ko. Ganon din ang kay Marq.
From Kurten: Max? Nakabalik ka na ba? Magkaklase tayo.
7:05 a.m."Pre, nagtext sa'kin si Kurt." Usal pa ni Marq.
"Nagtext din sa'kin. Pupunta na'ko para sa maabutan ko pa 'yung next class" ani ko pa. Agad kong kinuha ang gamit at nagpaalam na kay Marq. nilakad ko pa mula sa Loft hangang sa building namn na hindi naman kalayuan.
BINABASA MO ANG
My Untold Story
Teen FictionWhat is the untold? Naiumi Cye Jimenez, isang babaeng tinalikurang ang sariling nakaraan. A past full of longing, anger, torment, and sufferings. She used to live a life that everyone wishes for but, this is the kind of life she wished didn't have...