Chapter 23- P.O.

9 2 0
                                    

MAXEN'S POV

 

Nakita ko kung paano sipain ng studyanteng 'yon si Payat matapos nitong masubsob sa daanan.

  

'Bagay lang 'yan sayo!'

  

>0<!

  

Sobrang kumukulo ang dugo ko sa kaniya sa mga oras na ito matapos niyang sabihin kay Xairo na tinapon niya na ang unifrom ko!

  

"Maxx.." tinig ni Kurten pero bago pa man ako bumaling ay nakita kong papalabas ang isang matangkad at mukhang senior student na lalaki. Galit na galit itong nakatingin kay payat! Bahagya pa itong may iniinda sa paanan!

  

"JIMENEZ!" Galit na sigaw niya! Natigilan sa likuran ko sina Kurten at Xairo.

  

o_o?

  

'What is going on!?'

  

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang dakmain ng lalaking 'yon si Payat upang itayo. Pero mabilis na kumilos si Xairo at may pinulot kung saan. Kita ko pang inilagay ito si Xairo sa bulsa niya. Kami ni Kurten ay hindi alam ang gagawin.

  

0.0?

    

Ngunit paglingon namin kay Payat ay hawak na nito ang kwelyo ang lalaki. Nakakuyom ang mga palad niya at hindi nagdalawang isip na suntukin ang lalaki sa mismong mukha nito!

  

"What's happening?!" Naunahan na akong magsalita ni Kurten. Pero mas lalo akong nagulat ng dakmain rin ni Xairo ang kwelyo ng lalaking 'yon dahilan para bitawan ito ni Payat. Diretsong napaupo si payat sa lapag, parang hinang hina ito at tahimik na umiiyak.

  

Tinulak ni Xairo ang lalaki sa damuhan hanggag sa ma out of balanced ito at matumba!\

  

"Bakit ka nangingialam, Xai!?" Sigaw nito sa kaibigan ko.

  

"Hindi ko akalaing magagawang mong saktan si Naiumi, Ken.." kalmado pero hindi makapiniwalang usal ni Xairo.

  

'Ken!? Kenneth??'

  

- . -!

  

Puno ng tanong ang utak ko. Pero nakita ko nalamang ang sarili kong sumunod kay Kurten na alalayan si Payat pero nanatili itong nakaupo sa lapag.

  

'Fvck! Stop calling her Payat!!'

  

>>>>.....<<<<!

  

"N-Naiumi.." nag-aalala ang boses ni Kurten. Walang ginawa si Payat-- shit.. Si N-Naiumi kundi ang umiyak. Hikbi ito ng hikbi at nakayakap lamang sa sariling tuhod.

  

Wala nang tao sa paligid. Kaunting naglalaro lamang sa field dahil madilim na rin kaya walang nakapansin sa mga nangyari maliban sa amin. Pauwi na sana kami pero eto pa ang nasalubong namin.

My Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon