MAXEN'S POV
Pagdating ko nang parking lot ay tumungo agad ako sa kotse ko para kunin ang laptop. Dinala ko talaga ito dahil plano kong gumawa ng research sa Loft pero hindi na natuloy dahil nga inutusan ako rito.
Nang isasara ko na ang pinto ng kotse ko ay naagaw ng aking atensyon ang isang SUV na pumarada sa tabi mismo ng kotse ko. Hindi ko na sana ito papansinin nang biglang may lumabas na dalawang lalaki mula rito at agad akong hinarap.
Kaswal lamang ang mga mukha nila. Pansin ko ring halos itim ang kanilang mga suot. Hindi nalalayo ang tangkad nila sa akin, kung hindi ako nagkakamali ay late 20s ang kanilang mga edad.
"Magandang hapon, Sir.." bati sa akin ng isang lalaki. Kumunot naman ang noo ko. Hindi ko sila nagawang sagutin. Nagtatanong na tingin lamang ang ibinigay ko sa kanila. "Pasensya na sa abala. Mayroon lang sana kaming itatanong." Ani naman ng isa pang lalaki.
"What is it?" I answered.
"Dito ka ba nakatira??" Tukoy ng isang lalaki sa dormitory. Nasa gilid ng building ang bahaging ito nang parking lot.
"No.. This is girl's dormitory." Sagot ko. Iyon rin kasi ang nabasa ko sa entrance kanina. "Why did you asked?" Pang-uusisa ko. Kahinahinala silang dalawa. Walang bantay sa entrada ng parking lot, marahil ay lunchbreak ngayon kaya nakalusot sila.
"Itatanong lang sana namin kung dito parin ba nakatira si Naiumi Jimenez.."
O_O?
Bahagya akong nagulat pero hindi ko iyon ipinahalata. Inilibot ko ang paningin ko sa sasakyang dala nila. Mukhang sila lang rin dalawa ang sakay non at wala na silang iba pang kasama. Muli ko silang tinignan, naghihitay ng sagot ko.
'Kaano-ano nila si Payat??'
>_<!
"No.. I never heard of that name." Sagot ko. Tatalikod na sana ako nang biglang hawakan ng isang lalaki ang balikat ko. Hinawi ko ito agad upang muling humarap sa kanila.
"Sir,.. Kinakausap ka pa namin." Nasa tono niya ang pagtitimpi. "Kilala mo ba si Jimenez?" Diretso ang tingin niya sa akin. Nanlilisik. Nakaramdam ako ng kaunting kaba matapos makita ang baril na nakasabit sa belt nito. Nagsindi siya ng sigarilyo sa harap ko mismo.
"Hindi ko kilala ang sinasabi niyo. Stop wasting my time. Sabihin niyo na ang kailangn niyo." Galit ko nang ani.
"Si Jimenez.." usal niya. Naiinis at nauubusan na ako ng oras kausapin sila.
"Fvck.. Wala nga akong kilalang J-Jimenez, okay?"
'Hindi sila magpagkakatiwalaan. Mukhang hindi maganda ang pakay nila.'
BINABASA MO ANG
My Untold Story
Teen FictionWhat is the untold? Naiumi Cye Jimenez, isang babaeng tinalikurang ang sariling nakaraan. A past full of longing, anger, torment, and sufferings. She used to live a life that everyone wishes for but, this is the kind of life she wished didn't have...