Nangangawit yung kamay ko. Tinatamad ako magsulat.. HAHAHAHA!
NAHIHIRAPAN AKO MAGDECIDE..
So itsssss
NAIUMI'S POV
Pagmulat ng mga mata ko ay parang nag 360 ang paligid. Para akong nag U turn. Tapos may nagsabing 'ay hindi tayo dito, doon tayo'.
'Buset'
-_-!
Nang bumangon ako ay parang gumuguhit sa sakit ang ulo ko. Pakiramdam ko ay namamanhid rin iyon. Hindi ko maiwasan literal na pukpokin ang sarili kong ulo gamit ang palad.
Pagpasok ko sa bathroom ay saka ko pamang napansin ang pantulog na suot.
'Hindi ko maalalang nagpalit ako?'
>_<!
Sinalubong ko ang sobrang lamig na tubig mula sa shower na para bang inanamnam ito. Parang manhid parin ang buong katawan ko. Sakit lamang ng ulo ko ang iniinda ko. Matapos maligo ay binuksan ko ang closet para naghanap ng uniform. Pero inis ko tinitigan ang mga uniporme ng makitang bago na lahat iyon!
'Alagang alaga talaga ako ng pamilyang ito kahit sakit lang ako sa ulo!'
>_<!
"Yumi?!" Boses ni Cleeah. Unti unti na talaga siyang nahahawa kay Kyelizine! Bukas naman ang pinto pero pinagbuksan ko pa siya. Naka robe parin ako habang siya ay naka uniform na. "Mamaya na kita tatalakan bilisan mo na! Aayusin ko uli buhok mo.."
>_<!
"Tss.. Nasaan na 'yung mga uniform ko??" Tanong ko pa. Sinumpa ko na noong biyernes na hindi na mauulit ang pagsuot ko ng bagong uniform. Ayaw ko na uli maakaagaw ng atensyon.
"Wala na" ani niya. Nagclap pa sa mukha ko. "Magic.. So 'wag mo nang tanungin kung saan."
"Cleeeeaaah!?" Banta ko. Napapadjak pa ako ng paa sa inis!
"Bakit? Si daddy ang bumili lahat niyang bago mong uniform. Kaya siya ang awayin mo not me!" Ani niya pa. Naurong ang dila ko nang malaman iyon. Hindi ako makapaniwalang nirequest nya talaga 'to lahat kay tito!
>_<!
Wala na atang papantay sa takot ko kay tito. Ang totoo niyan ay sa kaniya lang talaga ako takoto may takot na gaya nito. Kaya eto si Cleeah, ginagawa siyang panangga!
Labag na naman sa loob kong suotin ang uniform na 'yon. Panay ang hatak ko kahit tama lang naman ang sukat. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Komusta ang pakiramdam mo??" Taas kilay na tanong ni Cleeah. Nakaupo ako sa vanity chair habang binibraid niya ang buhok ko. Hindi kagaya ng ayos kahapon ay ginawa niya itong parang korona per nakalaylay ang likod. Muling siyang naglagay ng kung ano anong palamuti. Aliw na aliw talaga sila ni Kyelizine na ayusan ako.
"Medyo masakit parin ulo ko.." ani ko at lumabi. "Aray!" Angil ko nang higpitan niya ang pagkakatali!
"Nangigigil ako sayo alam mo ba 'yon!?" Bulyaw niya pa. Nagpapanggap na galit. Pinipigilan kong matawa dahil parang uusok na ang tenga niya. "Dapat hindi na kami pumayag na pumunta ka doon!"
"Pumayag ka na. Tapos na. Wala ka nang magagawa." Inosenteng usal ko. Kinuha ko na ang gamit ko at naunang bumaba. Pero parang gusto kong bumalik ng biglang dumapo sa akin ang paningin ni tito na nasa dyaryo kanina.
"G-Good Morning, tito.." nanginginig na bati ko. Kinakabahan ako dahil alam kong may kasalanan ako!
'Shit Naiumi!!'
BINABASA MO ANG
My Untold Story
Teen FictionWhat is the untold? Naiumi Cye Jimenez, isang babaeng tinalikurang ang sariling nakaraan. A past full of longing, anger, torment, and sufferings. She used to live a life that everyone wishes for but, this is the kind of life she wished didn't have...