Chapter 22- Moron

16 3 0
                                    

NAIUMI CYE'S POV

    

>_<!                    

                 

Papalapit sa amin ang guro at seryosong nakatingin sa amin matapos makita ang paghampas ko kay Buang ng notebook!


-0-

  

"Anong problema niyong dalawa?" Tanong nang guro sa amin.

     

"W-Wala po.." sagot ni Maxen pero ang paningin ng guro ay nasa akin.

   

"Pasensiya na po." Usal ko. Pero matapos magtaas ng kilay sa aming dalawa ay tumalikod na ito. Agad kaming nagkatinginan ni Baliw at inambahan ng suntok ang isa't isa!

   

'King ina mo ka!! Pahamak ka talaga!'

   

T_T!

  

Gusto ko nang maiyak!

  

Nang kumalma ay inayos ko ang sarili ko at muli kong binalik ang hoodie ko sa binti ko. Saglit ko pang naipatong ang braso ko sa table ni Maxen pero padarang niya 'yong inalis!

   

"This is my space!" Giit niya pa sa pagmumukha ko! Kulang nalang ay umusok ang ilong niya para mukha na siyang kumukulong takure!

  

'Parang bata amp!' 

  

>0<!!!!!!

 

"Edi sayo na!" Inis kong asik sa kaniya habang nagpipigil ng boses! "Isaksak mo sa baga mo!" Dagdag ko sabay layo ng upuan ko!

  

'Kalma, Naiumi! Kalma!'

  

>>>_<<<!

  

'Ahhhhhh!!!!! Parang sasabog na ako gusto ko na lumayo sa taong 'to! Nangangati na akong manapak!'

  

Halos mapadasal nalang ako! Ito ang unang pagkakataon na nakatabi ko ang mortal kong kaaway! Ito ang unang pagkakataon na nakabangga ako ng mas matapang, mas mayabang, at mas siga pa sa akin sa school na 'to!

  

"Pag-usapan na ninyo ang magiging paksa ng inyong pananaliksik. Ipasa niyo ito sa inyong presidente at aaprobahan ko ito agad. Matapos ay ipasa na ninyo ang inyong rasyonale sa Miyekules. Maliwanag ba??"

   

"Opo!" Tugon ng lahat maliban sa amin ng katabi ko! 

  

>_<!

  

'Ano 'yung rasyonale??'

  

Matapos mag-anunsyo ay kung ano-ano pa ang sinabi ng guro sa harap. Wala akong ginawa kundi ang makinig habang nagbabasa ng notebook ni Isabelle. Pinagisishan ko na hindi ko ito binasa noon pa. Naiwan ito ni Isabelle sa RH noong nakaraan linggo pero lagi kong nakakalimutan kaya hindi ko nabalik kaagad. Mabuti nalamang at dala ko ito nung inanunsyo na mayroong research.

My Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon