Chapter 1- UNO

28 13 3
                                    

NAIUMI CYE'S POV

!>0<!

Late na naman kami ni Cleeah or should I say, ako lang. Anong oras na at hindi pa gumigising ang bruha. Nakalock pa ng pinto niya at shutdown ang phone.

"Darling! Good Morning! How's your sleep??" Bungad naman sa'kin ni tita Cally.

"Okay naman po, tita. Hindi pa po ba bumababa si Cleeah?" Tanong ko naman. Nakahanda na ang breakfast sa mesa.

"Nope. Hindi ko pa siya nakikita since yesterday. But she called me naman kagabi." Ani niya. Kumuha na'ko ng food at naunang kumain. "Ipapatawag ko nalang siya. Male-late kayo niyan." Ani niya at tumango na lamang ako. Pinagpatuloy ko na ang pagkain upang mabilis na matapos.

"Alis na po ako, Tita. Bye..." paalam ko. Hindi na kakayanin ng oras kung tatagal pa'ko. Napalingon pa ako sa hagdan pero katulong ang naroon.

Wala akong nagawa kundi magcommute dahil hindi talaga nagising ang ulikbang si Cleeah. Ang layo pa naman ng sakayan mula sa bahay nila dahil napakalaki ng village na'to.

!>_<!

'Pisti kaa!!'

To Cleeah: Hoy! Nauna na'kong pumasok. Bahala ka diyan kapag na late ka!
6:05 a.m.

Ang aga-aga ay wala na agad ako sa mood. Nakadagdag pa 'tong hindi mawala walang king inang traffic na'to.

Malayo layo sa bahay nila Cleeah ang school na pinapasukan naming makakaibigan. Lunes pa ngayon kaya malulugmok na naman ako sa traffic.

Tuwing weekend ay doon ako tumutuloy kila Cleeah o hindi kaya sa isa pa naming kaibigan na si Kyelizine. Para na rin makapagpahinga. Hindi ko sila ka-ano-ano pero simula nang maghigh school ako ay napapadalas na rin ako sa kanila at napalapit na rin sa mga pamilya nila.

limang minuto na akong late at halos madapa na'ko sa pagtakbo mahabol lamang ang papasara nang elevator.

"Kuya!" Sigaw ko pa sa nag-ooperate ng elevator. Palibhasa ay pinalalaruan ng mga bata kaya nagkaroon ng bantay.

"Relax.. hahahahahaha.." ani kuya habang ako heto hingal na hingal. "Late ka na ata" usal ni kuya. Mababait talaga ang mga empleyado dito. Maliban nalang sa mga estudyante.

"Lunes po kasi. Sobrang traffic." Ngiting usal ko naman. Parang 'di demonyo, ganon.

-TING!-

"Good Morning and Thank you, po!" Sigaw ko pa at mabilis na tumakbo papasok ng room. Pero laking gulat ko nang..

0_0?

'Ang ingay!'

"President!!!!" Sigaw agad ni Keiti.

"Anong meron, 'bat ang gulo??" Takang tanong ko naman sa kanila.

"Wala si Ma'am" sagot niya, bigla akong nanlumo sa pagmamadali. Hingal pa ako hanggang sa ngayon.

'Nangigigil ako!'

Agad ko namang bunuksan ang phone ko para tignan kung may nagtext man lang for announcements pero wala!

"Nasa Advisers Conference daw sila ngayon sa baba" usal niya. Multipurpose Hall sa 4th floor naman ang tintukoy niya. "Floating teachers lang ang may klase ngayon" usal pa ni Keiti.

Sinalampak ko na lamang ang sarili ko sa upuan. Pagod na pagod at ang haggard ko na napaka-aga palang.

'Tsk. Kelan bako huling nag-ayos?'

My Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon