Chapter 28- Nostalgic

7 2 0
                                    

NAIUMI'S POV

   

Nalunod ako sa chocolates na bigay ni Kyle. Pasasalamat niya iyon sa akin dahil sa pagpayag ko kagabing magperform kasama ang banda nila. Ang bouquet naman ay inagaw agad sa akin ni Cleeah saka nagpicture picture. Inaya pa nila ako kaninang magphoto shoot sa field.

  

-_-!

   

Halos maubos ko na lahat ng chocolates. Nakabukas ang bag kanina ni Buang kaya ginawa ko nang basurahan. Napakakalat rin kasi ng bag niya. Nakakairita ang ayos ng mga notebook at libro. Sakit sa mata ng ganon kaya tinakpan ko ng wrapper ng chocolates.

  

'Mabait naman ako kaya sinara ko after..'

  

^_^!

  

Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa kaniya dahil umiinit ang dugo namin sa isa't isa kapag magkaharap kami. Pero gusto ko paring magpasalamat sa kaniya para sa mga naitulong niya sa akin kaya nag-iwan ako ng isang chocolate bar. Gusto ko pa sana ubusin 'yon kaya lang mas kailangan kong suklian ang kabaitan niya kuno.

  

"Grabe ka! Naubos mo lahat 'yon?!" Ani Cleeah habang kinakalkal ang paper bag na dala ko. "Naiumi, alam mong bawal ka masobrahan non.."

  

>_<!

  

"Minsan lang naman ih.." sagot ko. Nakakaramdam na ako ng kati sa lalamunan ko. Bahagyang sumisikip na rin ang paghinga ko pero ayaw ko na munang sabihin sa kanila.

   

"Minsan? Tapos inubos mo lahat?!" Hindi na ako sumagot pa. Tumungo nalang ako kay Kyelizine na nasa Cr, agad naman siyang sumunod. "Kye oh! Inubos niya 'yung chocolates!" Sumbong niya pa!

  

>_<!

   

"What!? Naiumi? Bawal ka nga non, di ba???"


'Aawayin naman nila akoo!'

   

T_T!

  

"Minsan lang naman kasii! Tsaka nagccrave na ako sa chocolates. Ang tagal ko nang hindi nakakain." Pagdadahilan ko pa. 

   

"Bawal ka nga kasi! Kapag hindi ka na naman makahinga mamaya ha!"

   

"Kaya nga naimbento 'yung gamot, 'di ba!" Nakipagtalo na ako sa kanila. Nasa dugo ko na ata ang pagiging hard-headed!

  

>_<!

  

"Sabihin mo sa amin kapag masama ang pakiramdam mo." Kyelizine. Yeah, she's my mom. Tumango lamang ako sa kanila at ngumiti para maniwala silang okay lang ako.

   

After namin maglunch sa canteen ay bumalik na kami ng Rehearsal Hall. Hindi ko na naitago ang pag-ubo ko ng paulit ulit. Nagpapalpitate na rin ako. I really hate it when I start to enjoy things but laging may hindrance!

My Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon