Chapter 25 - Colt 45

22 1 0
                                    

MAXEN'S POV

    

Sa inis ko ay hinayaan ko na lamang siyang gawin ang gusto niya. Hindi ko siya mapigilan at panay parin ang pagsalin niya ng alak sabay lagok n'on.

   

'Hindi bagay sa kaniya ang ginagawa niya!'

  

>_<!

  

Hanggang ngayon ay hindi pari bumabalik ang mga kaibigan ko. Pati sina Xairo at Isabelle ay hindi ko pa rin nahahagilap! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa babaeng ito. Ayaw ko namang iwan siya para makihalubilo sa iba dahil baka anong mangyari sa kaniya tapos ay sa akin isisi!

   

O_O!

   

"H-Hey! Umayos ka nga!" Suway ko sa kaniya matapos niyang hubarin ang sapatos saka itinaas ang dalawang paa para mag-indian seat sa upuan. Hindi ko alam kung paano siya nagkasya doon!

  

'Payatot talaga!'

  

>_<!

  

"Tch.. Pake mo ba??" Inis niyang tanong sa akin. Hindi ko alam kung nasa wisyo pa ba siya o lumilipad na ang utak dahil sa kalasingan. "Hindi ka umiinom??" Tanong niya pa sa akin. Sa tono ng pananalita niya ay nasa katinuan pa siya pero makikita sa mukha na lasing na siya.

  

"N-No.. Hindi ako umiinom." sagot ko. Nakakainis dahil hindi parin siya umaayos at parang komportable pa sa pwesto!

  

>_<!

    

"Weakk!" Sigaw niya sa mismong mukha ko dahilan para matigilan ako at inis na mapatitig sa kaniya. Naniningkit na ang mga mata niya pero naiirita ako sa ngisi niya. "Gonzalle, weak.." Usal niya pa saka muling uminom ng alak sa paraang tinungga ang bote!

  

"Pwede bang tumigil ka na!" inis nang ani ko. Hinablot ko ang bote sa kaniya dahilan para mabulunan siya.

    

Pinahid niya ang alak na naiwan sa labi niya tsaka inis na tumingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang maluluha na naman siya. "King ina mo naman ih!" ani niya pa at hinampas ako.

    

"Shut up and stop cursing me.." inis nang banta ko pero lumabi lang siya at tsaka ngumisi.

   

"Bakit ka ba kasi nandito??"

   

>_<?

  

Natigilan siya nang hawakan ko ang pulsuhan niya nang muli niyang kukunin ang alak na hawak ko. "Hindi porket hindi umiinom ang lalaki ay weak na okay?!" ani ko pa.

   

'Matapos kitang ipagtanggol kanina sasabihan mo ako ng mahina!'

   

>O<!

   

"So strong ka na niyan??"

My Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon