NAIUMI'S POV
Nagising muli ako sa panaginip na iyon. Halo halo lahat ng pakiramdam, parang nagkakarambola lahat sa utak ko. Minsan pang hiniling ko na sana ay hindi nalang iyon natapos. Doon ko nalamang kasi nararamdaman ang presence niya.
'Mommy..'
T_T!
Gising na ang diwa ko. Ramdam ko ang bilis nag tibok nang puso ko. Nakuyom ko ang mga palad at tsaka muling umiyak. Kahit ang mga palad ko ay nanlalamig. Nakahiga kong niyakap ang sariling tuhod. Nanatili akong nakapikit na para bang mas nakagagaan iyon nang pakiramdam.Nang imulat ko ang mga mata ko ay dilim ang sumalubong sa akin. Pinunasan ko ang mga luha at huminga nang malalim, gaya nang turo sa akin nang doktor ko.
Nakapatay lahat ng ilaw habang sina Kyelizine at Cleeah ay mahimbing nang natutulog sa lapag. Mabuti nalang dahil hindi ko na sila nagising. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. Bago pa man ito mag-alarm para sa pag-inom ko ng gamot ay naunahan ko na. Mahimbing na ang tulog nila para mabulahaw ko pa. Mayroong isang basong tubig katabi ng gamot kaya hindi ko na kailangan pang tumayo.
Nang muli kong silipin ang screen ko ay may nagpop na message. Marahil ay kanina pa ito pero ngayon lang pumasok.
From President Alonzo: Aabsent ka raw sabi ni Dr. Lee? Tatawag ako bukas ng umaga.
10:29 pm.
-.-!
Matapos basahin ay binalik ko na ang phone sa side table. Muli kong ipinikit ang mata pero hindi ko na kaya bumalik pa sa pagkakahimbing. Ramdam ko padin ang bigat ng katawan ko. Hindi na ako ganoon ka init pero panay parin ang pag-ubo ko.
'Paano kaya umubo ng paloob?'
>_<
Sa halip na makatulog ay napuno ng kung ano ano ang isapan ko. Halos mapatugtog ko na ata ang isang buong kanta sa utak ko malibang lamang ang utak ko. Pinipilit kong 'wag malunod, dahil mahihirapan na naman akong umahon.
Tinatamad na akong kunin ang earphone at phone dahil paniguradong lalala lang ang sakit ko.
'Sabihin na naman si Kyelizine.. KAKASELPON MO 'YAN!'
Kahit na Snake lang naman ang nilalaro ko.
-O-!
Nakatulog muli ako kahit mababaw lang. Nagising lang ako ulit nang magising na sina Cleeah at Kyelizine para magprepare sa pagpasok. Nanatili akong nakahiga habang lamig na lamig. Mabigat parin ang pakiramdam.
>_<?
"Ano kayang gagawin mamaya?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
My Untold Story
Teen FictionWhat is the untold? Naiumi Cye Jimenez, isang babaeng tinalikurang ang sariling nakaraan. A past full of longing, anger, torment, and sufferings. She used to live a life that everyone wishes for but, this is the kind of life she wished didn't have...