CLEEAH'S POV
Cleeah Len Menchate
****
-TING!-
Pagkabukas ng pinto ng elevator ay agad kong tinakbo ang hallway. Halos madapa na'ko maabot lang ang doorknob sa pinto ng classroom namin. Pero ganon na lamang ang gulat ko ng Rehearsal Hall pala ang napasok ko! Sa likurang pinto ako pumasok kaya kitang kita mula sa naglalakihang salamin ang pagmumukha ko.
"Sorry po..." usal ko. Sa sobrang pagkapahiya ay dahan dahan kong sinara ang room. "Omg... Anong floor 'to??" Bulong ko. Agad kong pinagana ang utak ko.
'Shems.. 5th floor! Why so stvpid, Cleeah!'
Tinakbo kong muli ang hagdan na nasa gilid ng building. Buti na lamang at malapit sa bahaging iyon ang room namin.
'But it wont change the fact na late ako!'
Hingal na ako ng marating ang floor namin at hanggang sa maabot ko ng knob ng pinto para buksan ito. Agad akong pumasok at pumunta sa aisle. Si Mrs. Sarmiento ang teacher ngayon. Mas okay nang malate ako sa klase nya kaysa sa next subject!
Agad ko namang nakita sa Naiumi na nakaupo sa tabi ng upuan ko. At dahil matalino ako ay mabilis kong nilaglag ang bag ko sa upuan ko para hindi halatang late ako at literal na kakarating ko lang.
"Anong oras na, ginoo at bininini?" Agad na tanong ni Mrs. Sarmiento. Filipino teacher.
"Paumanhin binibini, nahuli po ako sa iyong klase" usal ko sa saka yumuko bilang paggalang. Huli na ng mapansin kong may kasabay akong na late.
"Paumanhin po. Kumuha po ako ng Registration Form." Usal ng nakasabay ko. Kung hindi ako naglakamali ay siya ang nakasabay ko sa elevator kanina. Bigla ay nakaramdam ako ng hiya.
-'-
"Ikaw ba si Gonzalle?" Tanong naman ng guro at tumango naman ito "Ikaw, binibini?" Baling sa'kin ng guro tukoy niya pa sa sarili kong dahilan.
"Mabigat po ang daloy ng trapiko" sagot ko. Ngunit tinignan niya lamang ako.
"Mabagal... hindi mabigat." Pagtatama pa niya sa sinabi ko. Hinawakan niya ang salamin upang bigyan kami ng nankilisik na tingin.
-,-!
"Po??" Ang tanging na isagot ko. "Pota.." bulong ko pa. Nagsusulat at nakatalikod na siya kaya hindi niya 'yon narinig. Habang ang mga kaklase ko naman sa likuran ang palihim na bumubungisngis.
"Pshh.." rinig ko pang singhal ni Naiumi. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Nagtataka kung bakit siya nandito!
"Maupo na kayong dalawa." Utos ng guro. Agad naman naming sinunod.
BINABASA MO ANG
My Untold Story
Novela JuvenilWhat is the untold? Naiumi Cye Jimenez, isang babaeng tinalikurang ang sariling nakaraan. A past full of longing, anger, torment, and sufferings. She used to live a life that everyone wishes for but, this is the kind of life she wished didn't have...