NAIUMI'S POV
Nang makarating sa dorm ay agad na bumungad sa'kin ang akin mga alaga. Agad ko silang kinuha at niyakap na halos sakalin ko na. Agad rin akong nagluto ng paksiw para sa dalawa. Ito ang paburitong nilang ulam at wala ilsang kasing arte.
Nagsalpak ako ng earphone sa tenga, finull ang volume at sinalampak rin ang sarili sa kama. Hindi pa ako nakakapagbihis at sobrang pagod na ang tinatamad kong katawan. Nang tinignan ko ang orasan ay alas kwatro pa lamang ng hapon.
-Dubidubidu!! Bidubidu Ahhhh!!-
0_0!
Agad kong tinanggal sa tenga ko ang earphone ng magring 'yon ng NAPAKALAKAS!
Kumunot ang noo ko ng makita ang pangalan ni Cleeah!
'Wat da hek is yur problem!'
-KNOCK! KNOCK!-
-0-
"NAIUMI CYE!!!!!" Matapos ang napakalakas na katok ay walang sing lakas rin na boses ni Kyelizine ang bumulahaw sa'kin. Nakita ko pa si Mong Mong na nagtago sa ilalim ng side table dahil sa takot!
"King ina! Baket!?" Sigaw ko matapos buksan ang pinto. Nakangisi namang bumangad sa'kin ang mukha ng dalawa. "What!???"
"Hehehe.. Papasokk!" Usal ni Cleeah tulak sa'kin at pumasok habang pinatik naman ni Kyelizine ang noo ko!
"Napakaingay niyong dalawa! Natatakot mga alaga ko!!!" Sigaw ko sa dalawa.
"Hello, Charliee!!" Binuhat niya ito tsaka binalibag. Anong klaseng pag-iisip 'yan, Cleeah! Gusto ko siyang kwestuyin pero tuwang tuwa siya sa ginagawa! "Where is my, Mongie??" Hanap niya pang kay Mong Mong.
"Nasa ilalim ng table natakot sa boses ni Kyelizine!" Bulyaw ko naman. Nilapag naman ni Kyelizine ang paper bag na dala niya sa table at inilabas ang mga pagkain.
"Ang tagal mo kasing buksan 'yung pinto! Bungol ka ba?? Ha? Bungol ka??" paniya pa sa'kin.
Natakam ako sa pagkain dala nila. Halos dessert ito lahat at may dalawang klase ng ulam. Nagdecide ang dalawa na dito na magmiryenda at magdinner habang nag-aaral na rin.
"Saan galing 'tong pagkain??" Tanong ko sabay subo ng Strawberry Ice Cream Cake. Sobrang sarap ni'to. Kung sa prutas ay mangga at strawberry talaga ang paburito ko.
"Galing 'yan kay mommy. Pinadeliver niya dito kanina" sagot ni Kye.
"Are you cooking paksiw??" Usisa ni Cleeah sa luto ko. "Omg.. pwede humingi???" Tanong niya pa sa'kin. Paburito niya ulam ang paksiw lalo na kung ako ay may luto. Si Cleeah ay mahilig sa maasim na ulam habang si Kyelizine naman ay sa mga maysarsa kaya menudo ang isa sa ulam na pinadala ni tita Lynn.

BINABASA MO ANG
My Untold Story
Teen FictionWhat is the untold? Naiumi Cye Jimenez, isang babaeng tinalikurang ang sariling nakaraan. A past full of longing, anger, torment, and sufferings. She used to live a life that everyone wishes for but, this is the kind of life she wished didn't have...