NAIUMI'S POV
'What a nighmare...'
×_×
Sariwa parin sa isip ko lahat ng laman ng panaginip ko. Kilabot parin ang dulot sa'kin ng kakaibang naranasan ko kanina. Mula sa panaginip ay nagising ako. Nakamulat ang mga mata ko pero hindi ko maigalaw ang ano mang parte ng katawan ko. Kahit pagbigkas ng anong salita ay hindi ko magawa. Iba't ibang itim na imahe rin ang limilitaw sa harap ko.
'Hays, Naiumi Cye!'
><
Dahil sa naalala ay nangilabot ang balahibo ko habang naglalakad. 5:30 palang umalis na ako ng dorm kaya madilim pa. Tinext ko naman si Cleeah nang makalayo ako. Mayroon nang kakaunting mga jeep pero nagdecide nalamang akong maglakad.
🎶Say something I'm giving up on you.
I'll be the one if you want me too.
Pakiramdam ko ang lungkot lungkot ng pagkatao ko. Hindi lang dahil sa kanta kundi ako mismo, ang mismo iyong malungkot. Pinakalma ko ang sarili at pinatay ang kanta ng akmang tatawid na'ko. Pero ganon na lang ang gulat ko ng bigla kong natanaw ang isang kotse na parang wala balak na huminto! Muntik pa akong masagasaan!
!_!
"Hoy!" Bulyaw ko sa driver ng kotse ng huminto ito sa harap ko. Mukhang mamahalin ang naturang kotse, hindi, hindi mukha dahil mahal talaga! Binaba ng driver ang salamin ng bintana at tumambad sa'kin ang nilalang na ang pangalan ay Maxen. Mabuti nalang at nasa gilid pa'ko ng daan. National Road pa naman ito! "Takte ang aga aga ha.." ani ko sabay labas ng phone ko mula sa bulsa. Pinukpok ko ito ng tatlong beses sa nguso ng kotse niya dahilan para magkadent ito.
"What are you doing!?" Dali dali siyang lumabas sa kotse.
"Opps... Sarrey" maarte usal ko at tuluyan nang tumawid bago pa maging berde ang ilaw ng stoplight.
'Ang aga naman ata non?! Buang talaga!'
Lumipas pa ang kinse minutos bago ako tuluyang makarating sa school. Nakaramdam ako ng pagod sa talampakan ko sabay ang inis dahil napakalayo ng nilakad ko!
'Buset'
>_
"Ang aga mo ahh.. Good Morning!" Bati sa'kin ni manong guard. Bumati rin ako at swinipe ang ID ko.
Dumiretso ako sa mini garden na nasa tapat lang ng IT dept. Doon ako nagpahinga sa ilalim ng puno. Inilapag ko sa isang bench ang bag ko tsaka umupo sa damuhan. Tanaw mula rito ang pagkalawak lawak na field. Nasa kabilang dulo naman ang beach volleyball court. Kita rin ito muna sa classroom namin. Dahil sa pagod sa paglalakad ay nakaidlip ako. Okay naman na sana pero.
BINABASA MO ANG
My Untold Story
Fiksi RemajaWhat is the untold? Naiumi Cye Jimenez, isang babaeng tinalikurang ang sariling nakaraan. A past full of longing, anger, torment, and sufferings. She used to live a life that everyone wishes for but, this is the kind of life she wished didn't have...