NAIUMI'S POV
Nakatunganga kami ni Kyelizine ngayon habang hinihintay si Cleeah na tapusin ang ginagawa. Nag-aayos ito ng gamit at ng sarili.
"Bilisan mo Cleeah! Napaka arte!" Sigaw ko sa kaniya. Pero hindi ako nito pinansin at nagpatuloy lang sa pagbuhos ng pulbo sa mukha.
=_=!
"🎶Bakit ikaw pa ang napiliiiii! Ngayon ang puso ko ay sawiii ih ih!" Inis kong tinignan si Kyelizine ng bigla itong kumanta ng nakakaasar tsaka inayos ang buhok ko! Gusto kong pigilang matawa dahil sa kulot kulot pa ng boses niya na konti nalang ay sintunado na. "Ang cute niyo bat ganon?!" Usal niya na parang kinikilig pa.
>_
"🎶Bakit sa iyo pa nagkagusto ohhh!" Si Cleeah naman.
"🎶Parang bulang ikay naglahooo!" Sabay na sila. Pagkatapos ay humagalpak sa kakatawa!
"Magtigil kayong dalawa kung ayaw niyong sumabog." Banta ko naman sa dalawa at nag-iwas ng tingin. Nakakainis sila!
'Ginawa ko lang 'yon para sa grades!'
=_=!
"Hala!" Sigaw ni Kyelizine. Bumalik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nagulat naman ako ng hawakan ni Cleeah ang magkabilang pisngi ko gamit ang iisang kamay. Ganoon kaliit ang mukha ko.
>O
"A-Ano?!" Inis na tanong ko.
"Namumula ka..." seryosong usal ni Cleeah at binitawan ito. Sabay silang tumawa ng pagkalakas lakas. Inismiran ko nalamang sila saka nauna nang maglakad. Sumilip pa ako sa pinto ng Sapphire pero wala nang tao.
Patuloy lang sa pang-aasar ang dalawa hanggang sa sumakay kami ng elevator. Minsan ay nasasabay din ako sa pagtawa dahil sa mga sinasabi nila. Wala rin silang tigil sa kakakanta ng kinanta ko kanina!
'Nagsisisi na'ko!'
"Infairness talaga. Bagay ang tandem niyo ni Maxen sa harap... Naxen! Maxiumi!"
"Yuck." Diring usal ko.
U_u!
"Pero mas bagay pa'rin kayo ni----" hindi na natuloy si Cleeah sa sinsabi ng hinampas ko siya ng hoodie na dala ko. Nauna na akong lumabas sa elevator at tumatawa na naman silang humabol sa'kin.
"Takte tigilan niyo na ang kakaasar sa'kinn!" Sigaw ko sa dalawa na parang maaiyak na. Pero.
^0^~ silang dalawa.
'Sheeetttsss of papers!'
BINABASA MO ANG
My Untold Story
Ficção AdolescenteWhat is the untold? Naiumi Cye Jimenez, isang babaeng tinalikurang ang sariling nakaraan. A past full of longing, anger, torment, and sufferings. She used to live a life that everyone wishes for but, this is the kind of life she wished didn't have...