NAIUMI CYE'S POV
-0-
Tumayo ako at pumunta sa harap na pintuan. Nakalock din 'yon. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil hindi ko manlang na check kanina kung nakuha ko na ung susi sa padlock sa labas. But sobrang nabobother ako sa nangyayari.
'Sinong gagawa nito?! Multo!?'
Nainis ako sa naisip. Kahit alam kong hindi totoo ang mga ganoong klase ng elemento ay nakakaramdam parin ako ng takot at pangingilabot.
"What's going on?! Bakit hindi mabuksan 'yung pinto??" Galit na tanong sa'kin ni Buang."It's not even locked!" Dagdag niya pa. Patuloy ako sa pag-iisip kung sino ang gumawa nito sa'min or baka sa'kin lang. Halos maisa-isa ko na lahat ng pangalang simula nang mangbully ako dito.
'Sige isipin mo! Sino 'don!?'
Tinarayan ko lamang si Buang at nag-iwas ng tingin. Kung hindi ko siya ang kasama rito ay iisipin kong kagagawan niya 'to. "Ano ba kasing ginagawa mo dito, ha?" Tanong ko pa sa kaniya.
"I-It's none of your business, okay?" Masungit niya namang tugon.
"Okay..." sagot ko saka binuksan ang isang biscuit na nasa lapag lang. Nakasalampak lang ako sa sahig habang nakaharap sa bintana. Tanaw ang labas at magtatakipsilim na. Hindi naman mapakali itong kasama ko.
"Maghihitay nalang tayo dito ng kinabukasan??" Inis niyang tanong pero hindi ko siya pinansin. "Is this a joke? I'm stuck here with you. Pathetic!"
"Malay mo puntahan ka dito ng mga kaibigan mo."
"Kurten didn't know na pumunta ako dito. Fvck!"
"Shunga ka pala eh..."
"Gusto ko nang umalis dito bago pa 'ko makasakit ng babae." Seryoso at galit na usal niya. Hindi ko siya tinitignan pero natatawa ako sa kaniya. Parang abnormal kasi. Sabagay, halos lahat ng ng lalaking nakabangga ko ay mga abnormal talaga.
"Babae ako and ilang beses mo na rin akong sinaktan." Kaswal na usal ko pero nakatingin sa kawalan. Ramdam ko naman ang titig niya sa'kin. Pakiramdam ko tuloy ay iba ang interpretasyon niya sa sinabi ko! "Wag mo 'kong tignan." Banta ko. "Wala akong barya.." dagdag ko pa. Nang salubingin ko ang tingin niya at galit na naman ito.
"H-Humihingi ba ako ng barya!?"
"Mukha ka kasing nanlilimos! Hahahahahahahaha"
"Nanlilimos?!"
"Ng pake.."
Sumama lalo ang mukha niya pero inismiran ko lang siya at pumasok sa locker room. Bubuksan ko sana ang ilaw pero hindi 'yon bumukas. Sobra akong nanlulumo. Iniisip ko nang matutulog talaga kami dito at maghihitay ng saklolo kinabukasan.
BINABASA MO ANG
My Untold Story
Teen FictionWhat is the untold? Naiumi Cye Jimenez, isang babaeng tinalikurang ang sariling nakaraan. A past full of longing, anger, torment, and sufferings. She used to live a life that everyone wishes for but, this is the kind of life she wished didn't have...