NAIUMI'S POV
Kasalukuyan kong kinikwento sa mga kaibigan ko ang nangyari kay Buang. Nabanggit kasi ito ni Kasimiro sa kanila nang makauwi sila kahapon pero hindi na nila ako nakausap dahil tulog ako nang makarating sila.
Kagaya nang ibang nakaalam ay natakot at nagulat rin sila. "Yumi, hindi ba parang delikado na 'yon? Paano kung bigla ay matyempuhan tayo, lalo na ikaw diyan sa labas." Bakas ang takot sa boses ni Cleeah.
"Yumi," usal ni Kye kaya napalingon ako sa kaniya. Kumakain kami ng almusal ngayon. Tuyo at itlog maalat ang ulam. "Paano kung iba pala 'yon? Paano kung hindi pala 'yon 'yung mga tauhan ng Papa mo?" ani niya. Nagtaka naman ako at napa-isip. Kahit ako ay nagtataka rin kahapon pa.
"Kasi, minsan ko nang nakaharap 'yung mga naghahanap sayo. Pero mabait sila medyo nakakatakot lang talaga kasi mukha silang goons."
'Yung kumatok sa unit ni Cleeah noong nakaraan, sigurado akong galing talaga sila sa tatay ko..'
"Hindi ko rin alam. Nagulat rin ako." Sagot ko naman.
"And paano nila nakilala si President Alonzo?" Cleeah.
"Hindi ko rin alam.. Wala na akong ideya sa mga nangyayari." Tanging naisagot ko. Kung ano ang tanong nila ay siya ring tanong ko. May paraan ako para malaman kung anon talaga ang kailangan nila. Pero natatakot ako.
'May koneksyon kaya sila sa tatay ko? Hays.'
Tinapos na namin ang pagkain at naghanda na sa pagpasok. Ininom ko ang hulo kong gamot. Wala na rin naman masakit sa akin maliban sa madalang na pag-ubo. Maayos na ang pakiramdam ko kahit hindi ako nakatulog ng maayos. Sanay naman na ata ang katawan ko sa ganon.
"Hindi ako sasabay.." usal ko pagkalabas namin ng elevator. Gulat naman silang lumingon sa akin.
"At bakit??" Nakapamewang na si Cleeah.
"Anong trip mo, Yumi? Maglalakad ka na naman?" Ani Kyelizine. Maaga pa rin naman kasi. Pero wala na akong balak na lakarin uli 'yon.
"Magcocommute ako." Sagot ko naman. "Hindi muna ako sasabay sa ngayon. Ayaw kong pati kayo mapahamak." Seryosong usal ko. Bakas naman ang alala at takot sa mukha nila.
"Paano kung ikaw ang napahamak?!" Maghihisterya na ata si Kye.
"Kaya ko ang sarili ko. Kung ako ang kailangan nila, hindi nila ako sasaktan." Paliwanag ko naman. Makabubuti na ring sa school at loob nang dorm muna kami magsasama-sama. Mahirap na kasi.
"Paano kung bigla ka nilang kunin? Sasama ka?" Malungkot na saad ni Cleeah.
"Hindi,. Mas gugustuhin ko pang mag-isa kaysa bumalik ron." Ani ko. Nasa entrance ang tingin.
BINABASA MO ANG
My Untold Story
Teen FictionWhat is the untold? Naiumi Cye Jimenez, isang babaeng tinalikurang ang sariling nakaraan. A past full of longing, anger, torment, and sufferings. She used to live a life that everyone wishes for but, this is the kind of life she wished didn't have...