Chapter 34-Let's talk

2 0 0
                                    

MAXEN'S POV

>_<!

Kasalukuyan kaming nasa elevator. Papunta na kami ni Kurten sa Loft para doon maglunch.

Kailangan kong hintayin si Make, sasabay kami kay papa pauwi dahil hindi ko dala ang kotse ko. Pinagbawalan naman muna ako ni Mommy na magdrive dahil sa nagyari sa akin. Kahapon ay nagulat siya nang makita ang mga sugat ko mukha. Nagalit silang dalawa ni Mama kaya tinawagan nila ang pinakamalapit na Police Station sa dormitory na iyon at pinaimbestiga agad ang nangyari.

Mabuti nalang dahil hindi Malala ang mga pasang natamo ko kaya natakpan pa nang mga band aids. Binabaran ko rin nang yelo ang mukha ko para mabilis humilom. Ang nasa tagiliran ko naman ay hindi ko na masyadong ramdam ang sakit maliban nalang nang masagi ni Payat kanina.

'Nakapa-clumsy niya, tch. Lagi rin siyang tulala at wala sa sarili. Napakababaw rin nang luha niya.'

>_<!

Papasok na sana kami nang building nang mahagip nang paningin ko ang daanan na nasa gilid nang lumang building. "Una ka na, Kurt. May titignan lang ako." Ani ko.

"Sige, Pre.. Najijinggle na ako ehh..Bilisan mo ha!" sagot niya naman. Nang mauna si Kurten ay tinunton ko na ang daan.

Medyo masukal ang parteng ito nang campus. Pero simentado naman na ang daan. Puros puno na ang bahaging ito, noon ay madalas kaming maglaro dito dahil may maliit na garden at gazebo. Meron din dating outside basketball court rito pero abandonado na lahat ng 'yon ngayon. Tangin mga barracks na lamang ng mga construction workers ang natatanaw ko. Muli kong inilibot ang paningin ko sa lugar. Sa likod ng mga barracks ay tanaw rin ang lumang gate ng campus o mas tinatawag na Gate 2. Dati kasing main building ang gusaling ito. Madalas kaming tumakas roon para magcutting noong nasa elementary pa lamang kami. Wala pa ang Loft nang mga panahon na iyon. Natatandaan ko pang gubat na ang parting iyon, doon kami madalas na naglalaro.

Hindi pa man tuluyang nakakalapit ay kita ko na rin ang likod ng Loft. Kung saan ko narinig sina Tiare, Kenneth at mga kasamahan pa nila.

Magpapatuloy pa sana ako sa paglalakad nang may pansin akong isang card nanatabunan nang mga tuyong dahon. Pinulot ko ito, isang Library Card. Kulay bughaw, walang larawan nang may-ari, tanging logo lamang nang school na nasa upper left ang naroon. Nasa pinakataas ang pangalan nang school habang nasa pinakagitna naman ay ang pangalan nang may-ari. 'Tiare Jaena S. Monteverde' sa taas non ay ang pirma niya habang sa ibaba naman ay nakaprint ang pangalan ng mismong card at ang SN.

"Hijo, anong ginagawa mo rito??" gulat akong napalingon sa likuran ko. Isang matandang babae, naka-unifrom siya na pang janitress. Inilagay ko muna sa bulsa ang card saka tuluyang humarap sa kaniya.

"W-Wala po.. Napadaan lang.." sagot ko naman. Pilit pa kong napangiti at napakamot nang ulo.

"Ganon ba,.. Oh siya, 'Wag kang magtatagal rito. Maraming mga elemento sa paligid. Mahirap na at baka mapagbiskitahan ka, napakagwapo mo pa naman." Ani niya. Natulala naman ako at hindi alam ang gagawin. Alam ko ang mga elementong tinutukoy niya. Pakiramdam ko tuloy ay parang may nanunuod sa akin mula sa mga puno! Creepy!

>>_<<!!

Walang ano-ano ay biglang dumilim ang langit at umihip ang malakas na hangin, tapos ay biglang umulan! "Jusko! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Halika, hijo, sumilong ka na muna." Mabilis kaming tumakbo papalapit sa isang barracks na nasa pinakalikuran. "Pumasok ka sa loob, hijo. Baka maanggihan ka diyan.." anyaya pa ng ale. Nakasilong lamang ako sa labas.

"Hindi na po.. Mawawala na rin naman po 'yung ulan." Nahihiyang tanggi ko naman. May ilang barracks pa ang magkakatabi sa part na ito. Habang nakatayo sa silong ay isa-isa naman sinampay nang aling na iyon ang mga damit na kinuha niya kung saan.

My Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon