NAIUMI'S POV
Prenteng nakaupo at diretso akong nakatingin sa harap. Nagkukunwari na nakikinig at naiintindihan ko ang pinagsasabi ng guro pero ang totoo ay hindi.
'Hindi ako nakatulog!'
Masakit ang ulo ko pero pinilit kong pumasok dahil nakakahiya naman na pinagpilitan talaga nila akong ipasok sa section na 'to dahil sa utak ko tapos absent agad ako sa unang Tuesday ko dito. Tatlo lamang ang subjects ngayon. Isang guro lamang ang pamilyar sa akin at kilala ako. Marahil ang ibang guro sa section na ito ay nagtuturo rin sa SHS. Ganoon sila ka advance rito. Sakit sa utak ang dala at dulot sa mga kagaya kong pambubully lang ang na master.
"Pst. Naiumi! Okay ka lang ba??" Tanong ni Kyelizine sa akin. Kanina pa siya salita ng salita pero si Cleeah lamang ang nasagot.
'Sabog na sabog na naman ako'
"Okay lang.. Inaantok lang ako.." ani ko sabay hikab. Pero ganon nalamang ang gulat ko ng diretso nang nakatingin ang ang guro sa akin nang idilat ko ang mata ko.
"Hala.. lagot ka..." bulong pa sa'kin ni Cleeah.
"Who are you, miss??" Taas kilay na tanong sa'kin ng babaeng guro. Taka ko lamang siyang tinignan. "Stand Up." Seryosong mukhang usal niya. Agad ko naman itomg sinunod. "Are you a transferee or what??"
"I'm from Sapphire po." Magalang nasagot ko. Kunware ulit hindi demonyo.
"Are you Jimenez??" Tanong nito sa'kin. Tumango lamang ako. "Sit down.. Since you are new here, I'd like you to know the only policy I have." Nakaupo na ako pero diretso paring nakatingin sa'kin ang guro. "No one is allowed to yawn."
Nanlaki ang mata ko. 'What da hek?' Gusto kong gisingin ang natutulog kong kaluluwa at sabihin sa kaniya ang masamang ang balita.
"Weird 'no??"natatawang bulong sa'kin ni Cleeah.
"Seryoso? Bawal humikab??" Namamangha kong tanong. Tumango lamang ang dalawa.
"Tuturuan kita mamaya pa'no humikab ng paloob..." natatawa pang usal ni Kyelizine. Hindi namin napigilang matawa. Sa utak ay iniimagine ko kung paano nga ba iyon.
"King ina... anong trip 'yon..."
Pinilit kong ginising ang sarili upang maiwasan ang paghikab. Pero hindi ko talaga mapigilan dahil sa antok kaya yumuyuko na lamang ako tuwing hihikab at parang maiiyak pa pagkatapos. Pinagtatawanan lamang ako ng dalawa kong katabi.
'Mga walang awa!'
-BREAKTIME!-
Gusto kong magrosaryo dahil tapos na ang kalbaryong subject para sa araw na ito. Sa pagpipigil ng antok ay mas lalo ko pa akong nakadama nito. Inaya ako ng mga kaibigan ko na bumaba pero hindi ako sumama at sinabong magpapaiwan na lamang para makaidlip kahit isang oras lang.
Hindi pa man ako na nanaginip ay may gumising na sa'kin.
BINABASA MO ANG
My Untold Story
Teen FictionWhat is the untold? Naiumi Cye Jimenez, isang babaeng tinalikurang ang sariling nakaraan. A past full of longing, anger, torment, and sufferings. She used to live a life that everyone wishes for but, this is the kind of life she wished didn't have...