MAXEN'S POV
Discussion. Discussion.
-Breaktime!-
Naging mabilis ang oras habang ako ay unti unti na ring nakakasabay sa discussions. Unti unti na ring nakakapag-adjust. Pati ang oras dito at sa Iceland ay iba kaya minsan ay nagugulat ako pero nag-aadjust na rin. Nagdecide kami ni Kurten na lumabas ng campus dahil mahaba naman ang breaktime. Mabuti nalang at malapit sa Notre ang isa sa mga malalaking mall dito sa Manila.
"Kotse 'yon ni Xairo ah." Nilingon ko ang sa tinutukoy ni Kurten. Pero hindi ako sigurado dahil hindi ko pa nakikita ang kotse niya simula ng bumalik ako.
"Saan??" Tanong ko naman. Biglang may dumaan na isang Rolls-Royce na kotse. Agad 'yong tinuro ni Kurten. Agaw pansin din ito, kahit ako ay napamangha rito. Tangin kotse lamang naming dalawa ang nangingibabaw sa daan, kapwa luxury car kasi.
"Sundan mo, Max.." utos ni Kurten. Kotse ko ang gamit dahil hindi pa pwede magmaneho si Kurt. Sinundan ko naman ang kotse ni Xairo hanggang sa makarating kami sa 3rd floor. Nang lumabas ay sinalubong ni Kurten si Xairo.
"'Pre! Wala kayong pasok-- Isabelle???" Mula sa kotse ay bumaba rin si Isabelle na nakashades at iba ang ayos ng buhok. Naka-uniform rin ang dalawa kaya siguradong galing rin sila ng Campus.
"Maxen? Kurt? What are you doing here??" Takang tanong naman niya sa'min.
"Malamang kakain.. Breaktime namin ngayon.. Hi, Isabelle! M-Musta?" Utal pang tanong ni Kurten. Agad namang ngumiti sa kaniya ito. Nakakapagtakang magkasama ang dalawa pero sanay naman akong makita ang sila. Kung hindi ko nga alam ang balita ay iisipin kong sila parin.
"Hi! I'm okay naman. Hi, Max. Nice to see you again." baling naman nito sa'kin. Tumugon naman ako.
"So.. Let's eat together. Saan niyo gusto kumain? My treat." Ani Xairo. Nag-suggest naman si Kurten na sa Zark's Burger na lamang. Sumangayon na rin ako.
Nang maglakad na kami papasok ng mall ay magkahawak kamay sina Xairo at Isabelle na pinagtaka ko naman. Nagtinginan kami ni Kurten na nakasunod sa kanila but we just ignored it.
'Akala ko ba hiwalay na sila?'
Nang makarating ay umorder agad kami at saka muling nagkamustahan. Si Kurten naman ay walang ginawa kundi tanungin ang dalawa. Lagi rin niyang sinusumbat kay Xairo ang madalang nitong pagdalaw sa Loft. Kahit ako ay may ilang mga tanong din dahil sa pagtataka.
"Kayo ba ulit??" Chismoso na namang tanong ni Kurten. Natawa naman ang dalawa. "'Wag niyo akong tawanan! Etong si Xairo, simula mag grade 11 ay hindi na nagpapakita sa'min."
"Shut up, dude. Kakain lang sana kami sa labas. Wala rin kasi 'yung teacher namin. And sobrang busy na talaga pag Senior High ka na. ABM pa naman kami kaya tutok talaga sa studies." Paliwanag naman ni Xairo.
BINABASA MO ANG
My Untold Story
Teen FictionWhat is the untold? Naiumi Cye Jimenez, isang babaeng tinalikurang ang sariling nakaraan. A past full of longing, anger, torment, and sufferings. She used to live a life that everyone wishes for but, this is the kind of life she wished didn't have...