Jam pov.Tatlong buwan na ang nakalipas ng mailibing namin sina lolo. Nakapag graduate naman na kami ni allyson at iba pa. Pero ako ay pumapasok parin para sa exam namin para naman makakuha na ako ng lesensya ko.
Si ally naman ay nag tratrabaho sa companya ng daddy nya nakapag usap na silang dalawa pero pumayag lang si ally na magtrabaho doon dahil kahit ganun ang ginawa ng daddy nya ay mahal nya parin ito. Pero umuuwi sya sa bahay ng mommy nya. Hindi pa nya alam na may relasyon kami ni ally dahil ang alam ng daddy nya ay magkaibigan lang kami ni ally.
Ako naman ay nakikitira sa bahay nila riz. Hindi ko tinanggap ang tulong nang pamilya ng nanay ko. Sa patungkol sa nagsunog sa bahay namin ay hindi pa nahuhuli nahihirapan kami nila alex na malaman kong sino ito. At lagi akong nakakatangap ng mga mensahe para pagbantaan ako. Hindi ako kumikilos hanggang alam kong nasamabuting kalagayan ang mga mahal ko sa buhay.
Lahat ng mahalaga saakin ay namomonitor ko kaya naman kung may problema alam ko ito sa tulong na rin nila alex.
Andito ako ngaun sa companya nila ally andito ako sa lobby para hintayin sya.
'ringggg' "my love"
Tumatawag si ally kaya naman sinagot ko agad.
'hello love matatagalan ako dito nagkaproblema sa isang branche ng companya kaya nag memeeting kami ngaun baka hindi ako makasama' yan agad ang bungad nya saakin kaya naman napangiti na lang ako.
'oh ganun ba sayang naman. Pero okey lang mahalaga naman yang trabaho mo eh ' pinasaya ko na lang ang boses ko para hindi nya mahalatang nadismaya ako. May date sana kami ngaung gabi pero dahil sa ganito may emergency sya.
'love im so sorry babawi ako promice. But love i need to go andito na si dad'. Napabuntong hininga na lang ako hindi nya naaalala kung anong araw ngaun kaya naman na dismaya ako ng hindi nya ako binati dahil ngaung araw ay 3rd monthsary namin pero di nya naalala ganito din ang nangyari nang dalawang buwan na kami.
Lagi nyang nawawalan na sya ng oras saakin pero hindi ako nagrereklamo dahil alam ko naman na mahal nya ako. Kaya naman malaki ang tiwala ko sakanya.
Pagkatapos naming mag usap ay umalis na ako ng building tinawagan ko naman si alex para sa update ng pinapahanap ko. Pero wala parin akong nakuhang sagot.
Bigla naman tumunog ang alarm ko na hudyan na nasapanganib si rica kaya naman dali dali akong pumunta kung asan sya naroroon.
Pero aso lang pala humahabol sakanya. 'hay kala ko naman kung ano na' ang arte talaga ng babaeng ito.
'ringgg'
'hello dude asan ka bar tau' yan agad ang bungad saakin ni jeff
'okey kita na lang tau sa bar' sagot ko at pinatay ang tawag.
Hindi ko na hinintay ang sagot nya at hindi ko na pinansin si rica dahi kasama nya naman si clark ang boyfriend nya kaya hindi na ako nagpakita pa dahil hindi pa naman kami ayus.
Nang makarating na ako sa bar ay hinanap ko agad sila jeff nakita ko sila sa second floor sa may vip rooms.
'angyayaman talaga ng mga ito' bulong ko sa sarili ko. Nakita naman ako ni alyana kaya naman umakyat na ako.
"Dude himala at pumayag ka mag bar?" Pang aasar ni jeff saakin .
"Wala eh trabaho daw" malungkot na sabi ko.
"Okey lang yan jam pagpasensyahan mo na lang" sabi ni alyana. Ngumiti na lang ako sakanya.
Nagkasayahan lang kami sa bar at hindi ko namalayan na naparami na rin ang iniinum ko. Inaaya nila akong sumayaw pero di ako pumayag. Uminum na lang ako ng uminum hanggang malasing ako. Iniisip ko kung pano ba ang relasyon namin nanliliit ako sa sarili ko dahil hindi ko mabili ang mga gusto nyang bilhin.
BINABASA MO ANG
ill see you ( Lesbian )
Fanfictionjam isang tahimik bata na ang kinahihiligan lang nito ay ang mag basa nang libo ng libro .walang paki alam sakanyang paligid ang tanging iniisip lang nya ay kung papaano sya iiwas sa mga tao sakanyang paligid. pano kung isang araw nakaharap nya ang...