Tatlong taon na pala ang nakalipas simula ng mangyari yun pero bakit parang sariwa pa din itong nararamdaman ko nung araw na yun hindi na ulit kami nag-usap ng tatay ko sa tuwing makakasama ko siyang kumain binibilisan ko na lang yung pagkain ko o di kaya mananahimik na lang ako sa tuwing nagtatanong siya ng kung ano-ano sa mga kapatid ko.
Parang dati lang kahit di niya ako tanungin magpapansin talaga ako na ganito kataas yung mga grades ko na ako yung pinakamataas na grades sa batch ko tapos ngayon parang nagsawa na ako napagod na akong mag-aksaya ng panahon na baka sakaling pansinin niya ako parang ayaw ko ng hintayin yun kasi alam kung imposible na mangyari pa yun.
Ngayong taon na ito gagraduate na ako pero hindi man lang ako makaramdam ng excitement na magtatapos na ako ng elementary pero kahit na anong gawin ko hindi ko pa din mahihigitan yung talino nila kuya dahil pag sila lagi silang pasok sa tatlong mataas na title habang ako ito laging average lang yung grades kaya siguro ayaw sakin ng tatay ko kasi kahit sa pag-aaral ang baba ko ni hindi ko naranasan na magkaroon na award sa school dahil nga sa mababa yung grades ko.
Habang lumalaki ako at nagkakaisip mas naging magulang pa sakin yung driver at yaya namin dahil sa ipinaparamdam nila sakin kaya nga mas gusto kung sila na lang yung kasabay kung kumain at maglaro eh sa kanila ko naramdaman na importante akong tao kaya mas lalo akong nagsikap na mag-aral para hindi na sila mahirapan sakin simula nung time ng pinagbuhatan ako ng kamay ng tatay ko mas lalong lumayo ang loob ko sa kanya kaya ang lagi kung nakakausap ay sila nanay Zhenny at tatay Arthur kasi sila na yung lagi kung nakakasama si tatay Arthur yung laging sumusundo at naghahatid sakin sa school habang si nanay Zhenny naman siya yung naghahanda lahat ng kailangan ko alam kung yun talaga yung trabaho nila pero hindi na sila iba sakin kasi sila na lang ang meron ako.
Pagtapos ng graduation ceremony niyaya ko na sila tatay at nanay para kumain kami sa labas dahil sila lang naman yung kasama ko ngayon dahil yung mga kapatid ko ayaw ko silang makasama.
"Nay, Tay san niyo po gustong kumain?" tanong ko sa kanila
"Aba anak kahit saan mo gusto para sayo naman itong celebration na ito eh" sagot ni Nanay
"Okay po Tay sa malapit na lang po na resto tayo pumunta para maaga ka din pong makauwi"
Habang kumakain kami napapaisip ako ang sarap pala ng ganitong pakiramdam na para kayong magkapamilya talaga kahit na hindi kayo magkadugo pwede pala iyon ano sabagay yung totoo ko ngang tatay walang pakialam sakin eh.
Ang saya lang kasi pakiramdam ko kumpleto na ako na may masaya akong pamilya habang kumakain kami ngayon dito.
"Ay Tay ito po iuwi niyo po ito sa mga anak niyo sana magustohan nila yan" sabi ko at ibinigay yung itinake out kung order para sa totoong pamilya ni tatay
"Ano kaba naman Neth dapat ikaw ang makakatanggap bakit ikaw pa yung nagbigay ikaw talaga bata ka naku"
"Wala po yun tay masaya kaya ako ngayon kasi kasama ko kayo ni nanay"
Pagdating namin sa bahay may inabot sila sakin na regalo
"Nak yan lang yung nakayanan namin huh" malungkot na sabi ni nanay
"Nanay naman eh hindi niyo naman kailangan na bigyan ako ng regalo eh sapat na sakin na nandito kayo palagi para sakin"
At niyakap ko silang dalawa ang saya talaga pag ganito yung lagi mong nararamdaman nagusto mong makuha sa tunay mong pamilya pero naibigay ng mga taong may sari-sarili ring pamilya.
Habang papunta ako sa kwarto ko nakasalubong ko si Kuya Von may dala siyang kung ano may ihahanda ata sila
"Oh Neth nandito ka na pala halika na sumama ka na sakin may pinaghanda kami para sayo" excited na sabi niya sakin pero nawala lahat yung nung nakita kung nandun din si daddy sa may garden parang yung tuwa na naramdaman ko kanina nung kasama ko sila nanay at tatay. Nang makita ko yun daddy ko na masayang nakikipag-usap sa kanila kuya na kahit kelan hindi niya pinakita yung mga ngiti na yun sakin
BINABASA MO ANG
Tired (Family Series 2)
Teen Fiction[Family Series 2] Mahal ko siya pero bakit ganun ayaw niyang iparamdam sakin hindi ko alam kung mahal niya ba ako or what ang hirap. Hindi ako manghuhula para hulaan kung ano yung nararamdaman niya para sakin.