After naming kumain nagkwentuhan lang silang lahat habang ako nandito sa may tabing dagat sabi kasi ni kuta bukas na daw kami magswimming pero kung gusto ko daw pwede naman daw sa pool na lang ako dahil baka kung ano raw ang mangyari sakin pag naligo ako sa dagat ngayon madilim na kasi dun sa may pangpang kaya delikado talaga.
Kahit na paminsan-minsan lagi akong pumupunta sa tabing dagat dahil nga sa likod bahay namin ay dagat na kunting lakadan na lang hindi pa din ako nagsasawa na tumambay dito mas okay kasi dito tahimik hampas lang ng alon ang maririnig mo peaceful lalo na ngayong gabi I always wish na dapat ganito din kapayapa yung mundo dahil sa sitwasyon ngayon sobrang gulo eh ang hirap. Ang daming naaapi mapababae man o lalake walang pinipili eh and I experience that nabully ako sa murang edad sobrang hirap na wala kang kaibigan na masasandalan dahil halos lahat kinaiinisan ka sa hindi mo malamang dahil na pati sarili mong ama ayaw sayo.
Hindi ko namalayan na nandito na pa la sa tabi ko si Kuya Von
"Anong iniisip mo jan?" tanong niya
"Wala naman po kuya ang lamig po kasi ng hangin dito then ang tahimik pa"
"Hindi ka pa ba inaantok?"
"Hindi pa naman po kuya. Bakit po tapos na po ba kayo?"
"Uhmm oo pinuntahan lang kita dahil baka gusto mo ng pumasok sa loob"
"Pwedeng maya-maya na po kuya saglit na lang po"
"O sige balikan na lang ulit kita mamaya tulungan ko lang silang magligpit dun" paalam niya sakin pumayag na din ako tapos umalis na din siya agad
Nung pagtingala ko sa langut ang daki kung nakitang stars tapos iniisip ko si mommy yung pinakamaliwanag na binabantayan niya kami ngayon nila kuya. Lagi ko pa ding naiisip na sana hindi na lang siya nawala na sana parehas kaming nabuhay dalawa kasi alam ko din na nahirapan siya piliin ako kesa yung buhay niya. Alam ko na masakit yun para sa isang ina na hindi man lang masisilayan yung anak niya hindi ba.
"Bunso tara na matulog na tayo" tawag ni kuya sakin kaya tumabok na ako palapit sa kanya sinaway niya pa ako na dapat daw hindi ako tumatakbo lalo na at mabigat yung buhangin
"Ikaw talaga napakatigas ng ulo mo" sabi niya sakin habang nakaakbay siya sakin
"Bakit na naman po Kuya sanay naman na po ako eh remember may buhangin din po sa bahay" at ang loko ginulo lang yung buhok ko
"Baka nakakalimutan mo bata nahirapan kang huminga kanina pinapaalala ko lang sayo"
"Opo opo hindi na po mauulit"
"Maghuhugas ka ba ng katawan?"
"Opo ang lagkit ng katawan ko kuya eh"
"Sige sasabihan ko si Marco na bantayan yung labas ng CR" sabi niya sakin at pinuntahan na si kuya Marco ako naman umakyat para kumuha ng damit ko bawat palapag kasi may tigdalawang CR lahat sila nasa labas lang walang mga comfort room sa bawat kwarto.
Paglabas ko nandun na si Kuya Marco sa labas ng pintuan ng kwarto ko
"Bunso dalian mo ah inaantok na ako eh"
"Bakit po kasi kailangan pa akong bantayan kuya?"
"Magagalit si Kuya Von sakin pag iniwan kita dito kaya makinig ka na lang bilisan mo ah" pumayag na lang ako dahil halata sa mukha niyang antok na talaga siya
Wala pa atang five minutes tapos na akong maligo kasi si Kuya ang ingay dun sa labas reklamo ng reklamo na ang tagal ko daw
"Sige na kuya matulog ka na dun papasok na ako"
"Ilock mo yang pintuan mo ng maayos ah" paalala niya bago pumasok sa kwarto nila
Kaya pumasok na din ako at sinunod yung sinabi niya dahil ayaw ko naman na mapagalitan siya ng dahil sakin I love them so much because they always protecting me and they cared for me. It's not because I am their princess pero mas inuuna pa nila yung kapakanan ko kesa sa sarili nila pag may nangyari sakin sinisisi lagi nila yung mga sarili nila dahil daw sa nagpabaya sila. Kahit na wala naman talaga silang kasalanan ganyan sila kabaliw kaya ayaw na ayaw kung may nangyayaring hindi maganda sakin dahil sa ayaw ko na sila dagdagan pa ng problema.
Kinabukas nagising ako hindi dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko kundi sa katok nila Kuya sobrang ingay na akala mo may sunog eh mga baliw talaga.
"Kuya naman eh ang ingay niyo eh inaantok pa po ako" sabi ko sa kanila hindi ko na inayos yung mukha ko pagkakuha ko ng salamin ko dumeretso na agad ako sa pintuan para pagbuksan sila sobrang lakas ng katok nila my ghad
"Yuck Neth ang panget mo hahahahahahah" asar ni Kuya Adrian sakin nakapangswimming attire na silang lahat anong oras na pa la
"Kuya naman"
"Sige na mag-ayos ka na kakain na maya-maya dalian mo ah" sabi ni Kuya Kenzo at bumaba na din sila Kuya siya na lang yung naiwan siya siguro magbabantay sa may pintuan ng CR ang OA nila ah wala silang tiwala sa mga kasama namin dito mga baliw talaga.
Pagtapos kung maligo at mag-ayos sabay na kaming bumaba ni kuya Kenzo inantay niya talaga ako hanggang sa natapos ako parang baliw talaga.
"Oh Neth di ba favorite mo ito" sabi ni Kuya Bryan sakin sabay abot nung belly ng bangus paksiw kasi yung niluto nila yun lang daw muna dahil mamaya na sila magluluto ng madami isang linggo kasi kami dito ewan ko ba sa kanila at ang haba ng stay namin dito talagang malaki yung binayad nila dito porket mapepera kung saan-saan na lang ginagastos eh.
"Ate Rona hindi ka maliligo?" tanong ko sa kanya siya yung girl friend ni Kuya Jules isa din sa mga childhood friends nila Kuya tapos meron pang-apat na babae bali anim lang kaming babae dito tapos mga bente na lalaki yung sampu mga bago nilang kaibigan ilang beses ko na din silang nakita pero hindi ko talaga matandaan kung ano yung mga pangalan nila
"Maya-maya na ikaw ba?"
"Sa pool lang daw muna ako sabi nila kuya eh dahil daw baka hindi nila ako mabantayan" marunong naman akong lumangoy masyado lang talagang oa sila kuya na akala mo pag hindi nila ako binantayan malulunod ako
"Ah ganun ba sige samahan na lang kita dun mukhang nag-eenjoy pa sila dun eh" yun nga sinamahan niya sa at nagkwentuhan kami ng anu-ano na hanggang sa dumating na sila kuya nag-aya silang may jetski daw kami syempre dahil favorite ko yun pumayag agad ako dahil baka magbago pa yung isip nila mahirap na mga baliw pa naman yang mga yan daig pa yung mga baliw na makikita mong pagala-gala sa kalsada. Nagagalit pa naman yang mga yan pagsasabihan mong baliw eh totoo naman ayaw nilang maniwala tapos ngayon para silang nakawala sa hawla nila kung umasta.
"Kuya naman ang likot mo pag ako nahulog" sabi ko kay kuya Adrian sa kanya kasi ako nakaangas ayaw niya akong pagamitin dahil daw masyado daw akong mabilis magpatakbo. Yes marunong akong gumamit ng jetski dahil nga sa favorite ko yang sakyan lalo na yung speed boat bata pa lang ako nung tinuruan nila akong magpaandar simula din nun nagustohan ko ng lagi magpaandar ng jetski dahil yun lang ang madalas na ipinapagamit nila sakin kesa sa speed boat.
![](https://img.wattpad.com/cover/221749738-288-k771762.jpg)
BINABASA MO ANG
Tired (Family Series 2)
Teen Fiction[Family Series 2] Mahal ko siya pero bakit ganun ayaw niyang iparamdam sakin hindi ko alam kung mahal niya ba ako or what ang hirap. Hindi ako manghuhula para hulaan kung ano yung nararamdaman niya para sakin.