Chapter 29

39 1 0
                                    

Pagtapos nila akong pagsabihan lahat nag-umpisa na kaming kumain ng dinner.

Takte yun pa nga lang yung nalalaman nila paano pa kaya pag sinabi ko na na kailangan ko na ng heart transplant baka hindi na nila kayanin. Napakahirap naman neto oh hindi ko alam kung kelan ko ba masasabi ito ayaw ko kasing malaman nila sa iba kahit na sila Mama lang naman ang nakakaalam mahirap na paano na lang kung may kakilala sila na makakita sakin sa hospital edi mas lalo lang akong mahihirapan hindi ba.

Kaya hindi ko talaga alam kung paani ko ipapaliwanag itong nangyayari sakin ngayon.

Mas mahirap pa atang magsabi ng ganito kesa sa nalaman kung magpapatransplant ako eh.

Kinabukasan umuwi na agad kami dahil nga may pasok pa kaming apat habang si kuya Kenzo sumama samin dahil ayaw niya pa daw magsimulang magtrabaho.

Yari ako neto siguro naman nilinis nila yung kwarto ni kuya Kenzo kagahapon.

"Anthonneth wala ka naman siguro ginawang kalokohan sa kwarto ko hindi ba"

"Anong gagawin ko dun kuya natutulog lang naman ako dun tsaka minsan lang ako maghalungkat sa damitan mo dahil ayaw kung maglinis ano"

"Siguradohin mo lang kundi mayayari ka sakin"

"As if naman may magagawa ka"

"Yan jan ka magaling porket hindi kita masaktan-saktan puro kalokohan na ginagawa mo eh kung ako kaya maghatid sundo sayo araw-araw gusto mo yun?"

"Ayaw ko po kuya ito naman hindi mabiro oh" takte naman daming panakot yun pa talaga eh tapos yung tatlong damuho tawa lang ng tawa mga ugok talaga eh.

Habang nasa biyahe kami asar lang sila ng asar sakin kahit na nakatulog ako paggising ko magsisimula na naman sila parang mga timang lang eh.

Pagpasok pa lang namin sa bahay bruha na agad yung nakita ko takte naman kakarating ko lang sila na agad makikita ko.

"Oh Kenzo welcome home bakit hindi kayo umuwi kagabi at sinama niyo pa talaga yang katulong niyo" sabi ng matandang bruha tsk

"Sinong katulong sa pagkakaalam ko mas kayo ang katulong dito" burn hahahahaha gago ka ah wag kasi sabat ng sabat hindi ka naman belong eh

"Hahahahahaha nakakatawa ka talaga anong gusto niyong kainin magpapaluto ako"

"Mukha ba akong nagpapatawa magpapaluto wow kapal naman ng mukha niyo ano may taga luto na kayo dito umalis lang ako" sabay-sabay kaming natawang apat sa sinabi ni Kuya Kenzo sa kanya tanga kasi hahahahahaha

"Kuya wag ka namang ganyan kay Mommy" yuck kuya hindi ba siya nahihiya hahahahaha

"Kelan pa kita naging kapatid?"

"Kuya wag ka namang ganyan oh kakarating mo lang eh" aba at kumapit pa sa braso ni kuya aba tigas ng mukha ah nahiya yung tigas ng pader sa mukha niya

"Jan ka na kuya akyat lang ako" paalam ko sa kanya di ko na matake yung kagaguhan ng mag-inang bruha eh

"Dito ka lang ako ang unang aakyat dun. Bitawan mo nga ako hindi tayo close"

"Jan ka na lang muna kuya magpapalit lang ako" dahilan ko pa hindi ko kasi talaga alam kung nalinis ba nila yung kwarto niya eh

"Sabing ako yung unang aakyat chicheck ko muna yung kwarto ko kung malinis ba talaga tulad ng sabi mo"

"Sabay na lang tayo ayaw kasing maniwala eh" takte naman talaga oh

"Nga pa la kuya san na ako matutulog ngayong nandito ka na ayaw ko muna sa kwarto ni Kuya Adrian dahil nandun pa yung project niya"

"Bakit ano naman kung nandun yung project niya. May ginawa ka ano?"

Tired (Family Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon