Chapter 9

28 2 0
                                    

"Kuya san ba kasi tayo pupunta ngayon?" kanina pa kasi ako tanong ng tanong sa kanila hindi naman nila ako sinasagot lahat. Kaninang umaga ginising nila ako ng maaga kasi nga aalis daw kami sila na nga nagligpit ng mga gamit ko eh.

"Sa bataan lang" sagot ni kuya Marco sakin

"Ano namang gagawin natin dun?"

"Magswi-swimming" sagot naman ni Kuya Von

"Bakit dun pa kuya eh malapit lang naman sa bahay yung dagat may swimming pool din dun bakit lalayo pa po tayo?" anong trip nila at sobrang layo ng bataan mga friend ano

"Wala lang may maganda kasing resort dun eh try lang natin para naman hindi tayo lagi sa bahay" sagot naman ni Kuya Adrian ay ewan ko sa kanila mga baliw dinamay pa ako isang linggo pa lang kasi simula nung bakasyon nila ang lalakas ng mga tama sa utak kaya kung anu-ano na lang yung iniisip.

"Weeee wala ng ibang dahilan kuya? Baka naman sinama niyo lang ako para payagan kayo ni daddy" sabi ko sa kanila ganun kasi lagi yung ginagawa nila pag may lakad sila lalo na pag kasama yung mga kaibigan nila hindi kasi pumapayag si daddy na ako lang yung maiiwan sa bahay tapos sila kuya gagala lalo na pag malayo no choice din naman ako kahit na sabihin kung ayaw kung sumama gagawa sila ng paraan para lang makonsensiya ako mga walangya lang parang hindi nila ako kapatid.

Ako pa lokohin nila eh kilala ko naman na sila mga baliw talaga pero kahit na may mga sayad sila sa utak mahal ko pa din naman sila pero minsan talaga gusto kung itakwil sila bilang kapatid ko para kasi silang mga bata na akala mo ako yung pinakamatanda samin lalo na pag magkakasama kami katulad na lang ngayon ang kulit nila dito sa sasakyan and take note nasa gitna pa talaga ako nila kuya Von at Kuya Marco nagkukulitan sila mga timang talaga si Kuya Kenzo kasi yung nagdrive habang si Kuya Adrian naman nasa tabi niya hindi pa kasi ako pwede sa unahan dahil nga sa bata pa ako.

"Alam mo naman pa la eh wag ka ng magtanong jan Neth" sabi ni Kuya Adrian

"Matulog ka na lang muna Neth dahil malayo pa naman tayo gigisingin ka na lang namin pag magiis-stop tayo" sabi ni Kuya Kenzo

"Kuya naman sa tingin mo makakatulog ako kung yung katabi ko sobrang likot" reklamo ko pa sinaway naman ni kuya sila kuya Von tapos tumigil muna siya sa may gilid para daw magpalit kami ng pwesto ni kuya Von.

Katulad nga ng sabi nila ginising nila ako nung nagpagas tapos kumain na din kami dun sa may fast food tsaka nagto go na din para hindi na kami tumigil-tigil at syempre ng CR na din.

Nung nakarating na kami halos yung pwet ko sobrang sakit nung pagbaba ko sa sobrang tagal ko ba naman kasing nakaupo hindi ko na talaga uulitin pa ito okay lang sana kung malapit lang eh pero mga pitong oras na yung biyahe namin kahit na natulog lang ako nakakapagod pa din naman.

"Kuya wala pa po ba sila?" tanong ko gusto ko na kasing mahiga tapos mukhang wala pa ata yung mga kaibigan nila ano ba yan higang-higa na ako eh

"Malapit na daw sila pero pumasok ka na sa loob kami na lang mag-aantay" sagot ni Kuya Von sinamahan naman ako ni Kuya Marco nagrent kasi sila ng bahay sobrang laki tapos may sampung kwarto magkano kaya binayad nila dito malaki siguro kasi konti na lang sinlaki na ng bahay namin ito eh tapos ang ganda pa ng mga design sa bawat kwarto pumipili kasi ako ng kwarto na gagamitin ko dahil sabi ni Kuya ako lang daw yung mag-isa sa kwarto para daw hindi ako maistorbo tsaka kasi daw halos lahat ng kasama nila puro lalaki ilan lang daw yung babae kaya ganun kilala ko naman din yung mga kaibigan nila ang kaso hindi lang kami close nung iba yung mga childhood friends nila close ko pero yung mga bago hindi masyado.

"Kuya dito na lang ako ang ganda ng view dito eh" sabi ko sa third floor yung napili kung kwarto tapos may balcony yun talaga yung hinahanap ko basta maganda yung view dun ako wala akong pakialam kung maliit yung space basta yung view maganda okay na sakin. Actually maganda naman halos lahat nung kwarto kaya kahit san pwede mong piliin dahil hindi madidisappoint pero kasi sa case ko view yung hanap ko.

"O sige dito na lang kami nila kuya sa tabi mong kwarto. Sige na magpahinga ka na muna jan kukunin ko lang yung mga gamit natin" sabi niya sumunod naman ako agad at bumaba na din si kuya

Pumunta naman ako dun sa may balcony ang ganda talaga dito sulit yung pagod ko sa biyahe beach resort kasi itong pinuntahan namin tapos halos kami lang yung tao dito ang lalayo kasi nung ibang mga bahay may privacy ka talaga dito tapos sobrang ganda pa.

Pagbalik ni kuya dala niya na nga yung mga gamit namin kasama na din nila yung mga kaibigan nila ibinigay ni kuya sakin yung gamit ko tapos umalis na din agad tatawagin na lang daw nila ako pagkakain na okay lang naman yun sakin walang kaso yun pero ang boring kasi eh nakakasawa ng magcellphone kaya bumaba na lang din ako nung nakita ako ni Kuya Luis yung kaibigan nila Kuya agad niya akong binati ganun din yung iba nilang kaibigan.

"Neth kumusta yung unang taon mo dun sa school na pinasukan mo okay naman ba?" tanong ni Kuya Jules nung nakalapit na siya sakin at inakbayan niya ako kinilig naman ang malandi crush ko talaga si kuya Jules grade five pa lang ata ako nun gusto ko na siya sorbang bait niya kasi tapos ang caring niya pa pero turing lang talaga niya sakin kapatid lang okay lang naman yun dahil crush ko lang naman siya paghanga lang ganun.

Ngayon na lang kasi ulit kami ng kita hindi na kasi sila pumupunta ng bahay hindi katulad dati na halos sa bahay na sila nakatira ganun talaga siguro pag nasa college na

"Okay naman po kuya ang saya nga po dun eh hindi katulad sa dati ang boring lagi pa akong nabubully"

"Bat parang hindi ka naman lumaki Neth ganun pa din yung height mo" asar ni Kuya Carlo akala mo naman napakatangkad niya eh siya nga itong pinakamaliit sa kanilang magkakaibigan eh tapos aasarin niya lang ako na hindi lumaki aba naman

"Sino kaya satin yung hindi lumaki kuya? Hahahahahahahaha" balik ko sa kanya at binelatan ko siya kaya ayun kiniliti ako nung mukong habang sila kuya naman ay yung mga kaibigan nila nagtatawanan

"Kuya tama na ayaw ko hindi na ako makahinga" reklamo ko nung nahihirapan na akong huminga agad naman siyang tumigil at sila kuya agad din akong nilapitan

"Ayos ka lang Neth?" tanong ni Kuya Adrian tumungo naman agad ako dahil ayos lang naman talaga ako at umayos na din naman yung paghinga ko

"Sigurado ka?" tanong naman ni Kuya Kenzo ang kulit naman eh sabing okay lang ako eh

"Opo kuya penge na lang po ng tubig" sabi ko agad din naman nila akong binigyan ng tubig nung mas umokay na yung pakiramdam ko pinaakyat na ako ni kuya Kenzo sa kwarto ko tatawagin na lang daw nila ako pagtapos na silang magluto ng kakainin namin.

Habang si kuya Carlo naman sorry ng sorry sakin parang baliw lang sinabi ng okay na ako hindi niya naman kasalanan yun eh. Ayaw akong pakinggang hanggang sa nakarating na kami sa kwarto ko hindi pa din siya tumitigil sa kakasorry niya kaya ang ending nagpromise siya sakin na bibilhan niya ako ng pagkain pagbumisita siya sa bahay.

Tired (Family Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon