Chapter 27

34 1 0
                                    

"Baliw ka talaga bakit mo ba naapakan yun?"

"Hindi ko kasi nakita kuya"

"Ewan ko sayo lagot ka talaga dun kay Adrian banned ka tuloy sa kwarto niya"

"Kuya naman nang-aasar pa"

Hanggang sa naghapunan na hindi pa din ako pinapansin ni kuya Adrian galit talaga siya sakin yung classmate niya hindi umuwi dahil nga kailangan nilang tapusin yun nanghiram na lang siya ng damit kay kuya dahil nga sa ako yung sumuot ng damit na dala niya.

"Oh Neth bakit ganyan yang mukha mo ikaw naman kasi kasalanan mo yun eh" sabi sakin ni Kuya Marco alam ko naman eh inamin ko namang kasalanan ko pero takte magdadalawang linggo na simula ng nangyari yun pero hanggang ngayon hindi pa din ako pinapansin ng kambal niya.

"Alam ko naman po eh"

"Oh nandyan na mukha good mood puntahan mo na"

Sinunod ko na lang yung sinabi niya dahil totoo namang mukhang good mood si Kuya.

"Kuya sorry na" sabi ko sa kanya at inakla ko agad yung kamay ko sa braso niya

"Neth pagod ako"

"Kuya sorry na inagahan ko pa naman yung pag-uwi ko para sayo kaya patawarin mo na ko"

"Hindi ako galit sayo kaya bitaw na"

"Eh bakit hindi mo ako pinapansin kung hindi ka galit"

"Parusa sayo dahil dun sa ginawa mo isang linggo kaming puyat ni Dave dahil sayo"

"Sorry na nga po eh"

"Oo na kaya bitaw na babaho ka niyan"

"Bakit kuya san ka ba galing?"

"Wala jan lang sige bitaw na pawis ako Neth"

Tsk nilalambing na nga nagagalit pa.

"Oh ano bati na kayo?"

"Opo"

Sa ilang linggo ko dito sa pinagtatrabahuan ko mas na pahalagahan ko yung perang meron ako dahil sobrang hirap pa lang kumita ng pera kaya pa la ganun na lang si daddy kung magtrabaho.

Dahil din sa pagpapart time ko mas lalo akong ginagabi minsan nga hindi na ako nakakatulog or sa biyahe na ako natutulog eh.

Lagi na akong pinapagalitan dahil sa ginagawa ko hindi kasi nila alam na nagtatrabaho ako.

Ang lagi ko lang dahilan is marami akong school work which is totoo naman marami talaga pero sa store ko na ginagawa lalo na pag wala masyadong bumibili.

Pero mas lalo akong nanghihina dahil halos hindi na ako makakain ng maayos at makatulog lalo na sa pag-inom ko ng mga gamot ko.

Sa school lagi na akong napupunta sa clinic dahil lagi na lang akong nahihimatay.

Hindi na din ako nakakapagpacheck-up weekly kaya mas lalong nagagalit sila Kuya sakin. Dahil hindi nila alam kung ano ba yung mga pinaggagawa ko sa buhay ko.

Pero ngayon dahil wala akong pasok at may pasok sila kuya may balak akong pumunta sa hospital para magpatingin kay Mama dahil lately mas nahihirapan na akong huminga lalong sumisikip yung dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.

"Oh Neth bakit ka nandito ngayon na lang ulit kita nakita ah" sabi nung isang nurse sakin

"Busy lang po nasan po si Mama?"

"Nandun sa room niya"

"Sige po thank you po"

Pagtapos kung magpaalam sa kanya dumiretso na agad ako sa kwarto ni Mama.

Tired (Family Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon