Chapter 4

61 3 0
                                    

Netong mga nakaraan na araw sobrang saya ko kasi hindi na ulit kami nagtatalo ng daddy gumagaan na din yung pakiramdam ko dahil mas nagiging close kami ni daddy.

Tama nga yung sabi ni nanay na hindi ko dapat sukuan si daddy siguro kung sumuko ako wala na sigurong pag-asa na maging okay kami. Buti na lang talaga at nandyan palagi sila kuya para maging maayos itong pamilya namin at si daddy ang dami na nyang time samin kasi maaga na siya laging umuuwi at lagi kaming pumupunta kung saan-saan para lang magbonding ang saya sobra.

"Neth gising ka na ba?" rinig kung sabi ni kuya Marco sa labas ng pinto ng kwarto

"Opo kuya bakit po?"tanong ko habang naglalakad papunta sa pinto para buksan ito

"Tatanungin ko lang sana kung gusto mong sumama na bumili ng mga gamit para sa pasukan pero kung ayaw mo kami na lang bibili ng mga gagamitin mo" tanong niya isang linggo na lang kasi pasukan ko na ang aga pala ng start ng klase sa public school

"Sasama po ako kuya"

"Seryuso ka Neth?"gulat na tanong ni kuya

"Opo kuya gusto ko na ako naman yung mamimili ng gagamitin ko"

"Okay sige" tugon niya at umalis na

Nagtataka siguro siya kung bakit ko naisip na sumama sa pagbili ng school supplies hindi kasi talaga ako sumasama tuwing bibili ng mga gagamitin ko kaya siguro ganun na lang yung reaksyon niya kanina. Naisip ko lang naman kasi na gusto ko talaga na ako na yung pipili ng mga gagamitin ko sa school kasi nga di ba lumipat na ako ng school tsaka gusto ko yung simple na lang yung bibilhin ko pag sila kuya kasi puro ang mahal lagi nun binibiling gamit eh kaya ngayon sasama na ako para naman makasabay ako sa mga classmate ko sa bago kung school sa mga gamit nila. Gusto ko kasing hindi nila malaman na may kaya kami sa buhay kasi kadalasan sa mga napapanood ko pagmayaman ka tapos yung mga kasama mo hindi mo kalevel mawawalan ka ng chance na magkaroon ng kaibigan eh ayaw ko naman na mangyari yun dahil mas gusto ko na magkaroon ako ng kaibigan hindi tulad doon sa dati kung school na kahit isa wala akong naging kaibigan. Ang hirap kasi pag wala kang kaibigan para ka lang talagang hindi nag-eexist pag sa school mag-isa ka lang na kakain habang yung ibang nakapaligid sayo sobrang sayang nagkukulitan sa table nila samantalang ikaw bored na bored dahil wala kang maka-usap, wala kang masabihan ng mga gusto mong ikwento or magpasabihan ng mga secret mo. Yung tipong pag nahulog ka sa dagat walang magsasave sayo kasi wala kang mahihinga ng tulong dahil iisa lang ang pwede na lang iligtas kundi yung mga kaibigan nila.

Pagkadating namin sa mall nagdadalawang isip pa ako kung ano yung mga bibilhin ko dahil hindi ko talaga alam kung ano pa yung mga kakailanganin ko sa school baka kasi pagbumili ako ng kung ano-ano lang baka hindi ko din magagamit.

At nung natapos na kaming mamili yung mga napili ko lang is yung mga notebook, ballpen at mga papel lang hindi na ako bumili ng bag kasi okay pa naman yung mga luma kung bag doon sa bahay kahit na pinipilit ako nila kuya na bumili ng bago hindi talaga ako nagpatinag dahil baka mailang pa yung magiging classmate ko sakin kung bumili ako ng bag na branded baka hindi pa nila ako lapitan. Atleast yung luma kung bag kahit na branded mag maidadahilan ako kasi kita mo talaga luma na kaya hindi na ako panghihinalaan na may kaya sa buhay.

Nung brigada kasi namin kahit na simple lang yung suot ko pinagtitinginan pa din ako naiisip ko nga nun na baka alam nila na hindi mumurahin yung damit ko. Kasi bakit naman nila ako pagtitinginan hindi naman ako maganda para pag-aksayahan ng panahon or di kaya alam nilang transferee pero ang sabi naman nung magiging teacher ko lahat daw ng freshman dito sa school is transferee kaya hindi ako mahihirapang magpakalowkey kasi pinaki-usapan ko siya nung una na pwedeng wag ng ipagkalat na may kaya sa buhay yung pamilya ko na samin na lang yung tungkol dun then pumayag naman din siya sa request ko thankful pa nga ako ng dahil dun eh kaya nung nakita ko ulit siya binigyan ko siya ng maliit lang naman na bagay dahil dun sa request ko tapos yun yung sabi niya sakin pero daw yung iba halos iisang school lang daw yung pinanggalingan.

Tired (Family Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon