Gutom na gutom na talaga ako walangyang yan. Kaya tumayo na ako sa higaan ko para kuhanin yung mga biscuit ko buti na lang talaga at may pagkain dito pwede na ito pangtawid gutom.
"Neth tara na alis na tayo" sabi ni Kuya Von pagkapasok niya ng kwarto ko kakatapos lang siguro niyang kumain
"Ah sige po kuya ligpit ko lang po ito" sabi ko tapos isa-isa ng iniligpit yung mga kalat ko
"Bakit ang dami naman ata ng biscuit na nakain mo ang sabi ni Adrian kanina kaya ka hindi bumaba dahil busog ka pa"
"Opo nga kaso bigla po akong nagutom"
"Ilang supot ba nakain mo?"
"Uhm kanina po kasi limang balot yan then tatlo na lang ang natira ngayon bali po dalawang balot"
"Ano twenty pieces ng hi-ro yung nakain mo ganun ka kagutom bakit kasi hindi ka bumaba"
"Wala lang po kuya ayaw ko lang"
"Tara na bumababa ka na dun kumain ka ng kanin"
"Wag na po kuya busog na po ako tsaka po di ba sabi mo aalis na tayo mamayang lunch na lang po ako kakain ng kanin tsaka kakainom ko lang din po ng gamot ko" kahit na hindi pa talaga ako nakakainom wala kasi ako sa mood na uminom ng gamot dahil naiinis pa din ako kay daddy hanggang ngayon
"Sigurado ka sige tara na nag-aantay na sila dun sa baba magsabi ka na lang kung gutom ka" sabi niya tapos inalalayan niya na ako mas masakit ngayon yung paa kesa kanina siguro dahil sa pinilit ko siyang ilakad ng normal kanina
"Kuya pwede po bang buhatin mo na lang po ako ang sakit po kasi eh" agad naman niya akong pinasampa sa likod niya
"Ang tagal niyo naman kuya" sabi ni Kuya Marco tapos agad siyang lumapit samin ni kuya para alalayan akong bumaba akala ko wala na si Daddy nandun pa pala ang sabi niya maaga siyang aalis kaya niya nga ako pinagalitan eh
"Bakit buhat mo si Neth Von?" tanong ni Kuya Kenzo
"May pilay kuya nadulas kanina sa banya kaya ayan aalis kami papuntang hospital"
"Bakit hindi mo ko sinabihan"
"Akala ko kasi alam muna eh"
"Aalis na ba kayo?" tanong ni Kuya Adrian
"Oo bakit sasama kayo?" tanong ni Kuya Von sa kanya
"Hindi mo man lang ba papakainin si Anthonneth bago kayo umalis" sabi ni Kuya Kenzo
"Naku Kuya nakaubos lang naman siya ng dalawang pack ng hi-ro ganun siya kabusog kaya hindi siya bumaba kanina para kumain ng kanin kasi ng busog daw siya"
"Ang sabi mo kanina Anthonneth sakin busog ka ano yang pinagsasabi ngayon ni Kuya Von?"
"Ayaw ko lang po talaga kumain ng kanin kuya kaya ko po nasabi yun. Kuya Von tara na po alis na po tayo" sabi ko sa kanya ayaw ko na din kasing makita pa si daddy kaya nag-aya na akong umalis eh habang nag-uusap kasi sila kuya tungkol sa pagkadulas ko kanina tinitingnan ko siya kung ano yung reaksiyon niya pero wala pa rin talaga akong napala umasa lang ako na baka nag-aalala siya sakin nakuha ko lang sakit dahil sa pagexpect ko na baka concern siya.
"Alis na daw kayo bumalik kayo agad ah" bilin ni kuya Kenzo
"Malamang kuya san pa ba kami pupunta"
Nung nasa biyahe na kami papuntang hospital nag-uusap lang sila Kuya Von at Kuya Marco ng kung ano-ano.
"Anong oras pa la kayong dalawa nagising?" tanong ni Kuya Von
"Magpafive na yun kuya nagising ako dahil sa sigaw ni bunso na naginip daw kasi siya"
BINABASA MO ANG
Tired (Family Series 2)
Teen Fiction[Family Series 2] Mahal ko siya pero bakit ganun ayaw niyang iparamdam sakin hindi ko alam kung mahal niya ba ako or what ang hirap. Hindi ako manghuhula para hulaan kung ano yung nararamdaman niya para sakin.