Chapter 12

31 1 0
                                    

"Oh inumin mo na muna ito para makatulog ka at umayos na yang puso mo napakabilis ng tibok Neth" sabi ni Kuya Kenzo sakin kaya agad ko namang ininom kami na lang yung nandito sa kwarto nila dahil pinatulog na nila yung iba dahil nga sa mga lasing din yung silang lahat at bukas na lang daw sila mag-uusap tungkol sa nangyari ngayon

"Ayos na ba yung pakiramdam mo?" tanong ni kuya Marco sakin

"Uhm opo kuya" sagot ko na lang kahit na halata pa rin talaga sakin yung kaba dahil sa nanginginig pa din hanggang ngayon yung mga kamay ko. Ayaw ko na din kasing mag-alala pa sila sakin dahil alam kung sisisihin na naman nila yung mga sarili nila dahil sa hindi nila ako nagbantayan ng maayos na inuna pa nila yung bisyo nila kesa sa sakin ayaw ko naman na lagi na lang silang ganyan

"Sigurado ka ba?" tanong naman ni Kuya Adrian tumungo na lang ako bilang sagot ko hindi ko alam kung makakatulog ba ako ngayon feeling ko natruama na ako dahil sa nangyari sakin

"Sinabihan ko na kasi kayo kanina na wag kayong masyadong magpakalasing tingnan niyo yung nangyari ngayon" sigaw ni Kuya Kenzo sa kanila

"Kuya hindi niyo naman kasalanan eh wag mo na po silang pagalitan baka po nakalimutan ko lang isarado yung pinto ng kwarto ko kaya siya nakapasok" pero sigurado talaga ako na nilock ko yun eh or siguro talaga hindi ko nalock dahil sa sobrang antok ko kasi may lock siya sa loob na dun mo lang talaga mabubuksan

"Sige na magpahinga ka na uuwi din tayo agad bukas" sabi ulit ni Kuya Kenzo

"Dito ka na lang sa higaan namin ni Marco Neth sa lapag na lang kami. Kuya kukunin lang namin yung mattress dun sa kwarto niya para may mahigaan kaming dalawa ni Marco" paalam ni kuya adrian tapos inaya niya na si kuya Marco na kuhanin nilang dalawa yung mattress

Ilang ilang oras na din ata ako paikot-ikot dito sa higaan pero hindi pa din ako makatulog dahil sa tuwing ipipikit ko yung mga mata ko naaalala ko yung nangyari kanina sila kuya naman ayun mga tulog na mga pagod at lasing talaga sila kaya nakatulog agad ayaw pa nga nilang matulog kanina dahil daw baka sa hindi ako makatulog sabi ko na lang sa kanila na makakatulog din naman ako maya-naya pero hanggang ngayon anong oras na ba pagtingin ko sa relo ko nakita kung magaalas kwartro na ng madaling araw malalagot ako neto eh.

Alas onse na nang tanghali pero ako ito gising pa din samantalang sila kuya kakagising lang habang ako ito hindi ko na alam kung anong itsura ko siguro sobrang laki na ng eyebag ko malaki na nga pinalaki pa lalo.

"Nakatulog ka ba Anthonneth?" tanong ni kuya Kenzo pagkakit niya sakin bakit ganun kahit kakagising lang nila ang gwapo pa din nila samantalang ako kahit anong oras mukha impaktang lilipad na bakit parang ang unfair naman iisa lang naman yung pinaggalingan naming lima pero bakit ako lang ata yung naiiba. Dahil sila mukhang mga anghel kahit na kakagising lang lalo na pagtulog samantalang ako ito wala na ngang tulog bangag pa mukhang ako pa nga yung may hangover kesa sa kanila.

"Uhmm hindi nga po eh"

"ANO?!! sana ginising mo na lang kami para ipagtimpla ka namin ng gatas" sabi ni kuya Marco

"Oo nga Neth bakit hindi mo kami ginising nandito lang naman kami nakahiga oh kalabitin mo lang kami bakit hindi mo ginawa baliw ka talagang bata ka" sabi ni Kuya Von

"Kasi po kuya sa tuwing pipikit ako naaalala ko yung nangyari kagabi eh kaya kahit anong gawin kung pagtulog ayaw pa din po eh. Tsaka alam ko naman na sobrang pagod kayo tapos lasing pa paano ko kayo gigisingin eh yung mga mukha niyo kanina habang natutulog halatang pagod kayo"

"Pero kahit na pwede namang sa sasakyan kami matulog eh si kuya Kenzo lang naman ang magdadrive hindi naman kaming apat" sagot ni Kuya Adrian

"Nagugutom ka na ba?" tanong ni Kuya Kenzo

Tired (Family Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon