Bakasyon na bakasyon wala akong ibang magawa ito ata yung bakasyon ko na hindi kami ng out of town nila kuya pakiramdam ko tuloy kasalanan ko kung bakit nadamay pa sila sa away namin ni daddy alam kung masakit din sa kanila na galit sila kay daddy lalo na sa kambal dahil ayaw nilang close na close nila ni daddy at parati silang naglalaro ng kung ano-ano sa tuwing hindi busy si daddy sa trabaho niya pero ngayon habang pinapanood ko silang dalawa ngayon na naglalaro ng video games parang may kulang kasi hindi ako sanay na nakikita silang ganito na kahit tuwang-tuwa sila ngayon alam ko pa ring gusto nilang sumali si daddy pero hindi nila magawa kasi nga galit sila ng dahil na naman sakin i felt like pinaghihiwalay ko silang lahat kay daddy.
Bakit naman kasi sa simpleng hiling ko hindi niya maibigay sakin eh anak naman niya ako hindi ba? Mahirap ba talagang ibigay yung pagmamahal na yun? Na kahit isang beses lang tanggapin at mahalin niya naman ako.
"Neth gusto mong sumama samin?" sabi ni kuya Kenzo
"Saan kuya?"
"Laguna"
"Anong namang gagawin niyo dun?"
"Wag ng maraming tanong Neth syempre mamasyal tayo sa amusement park ng makapagsaya naman tayo at bonding na din nating lima"
"Oo na kuya sasama na magbibihis lang ako"
-------
Ito ata yung unang beses na sumaya ako ng ganito at ngayon lang din kami nagkasama ng ganito ng mga kuya ko dahil dati mas gusto ko na lumayo na lang sa kanila para di na sila madamay pa sa away namin ni daddy pero ganun pa din pala kahit na malayo yung loob ko sa kanila madadamay at madadamay pa din sila.
"Neth san mo pa gusto sumakay?"
"Kuya try natin dun sa roller coaster" excited kong tugon
"Sige tara na"
Ang saya pala dito ngayon lang kasi ako nakapunta sa ganitong lugar dahil school bahay lang naman palagi yung routine ko pag walang pasok di nan din ako lumalabas kasi wala naman akong kaibigan na pwedeng makalaro wala kasing gustong lumapit sakin at lagi pa nila akong binubully na kesyo hindi daw ako tunay na anak ng daddy ko na ampon lang daw ako kasi lagi nilang nakikita na sa tuwing pinapatawag yung mga parents namin tuwing meeting sa school si Nanay Zhenny o di kaya sila kuya lagi yung pumupunta samantalang yung daddy ko hindi pumupunta pero pag sa kanila kuya pag pinatawag siya laging aiyang present kaya lagi akong nabubully sa school kahit na lagi silang pinagsasabihan nila kuya hindi pa din sila tumitigil kaya parang nakasanayan ko na lahat ng yun kaya wala akong kaibigan o kahit na ano.
"Kuya sa susunod balik ulit tayo ah"
"Syempre naman bunso" sagot ni kuya Adrian
"Neth pumili ka dun ng stuff toy kukunin ko para sayo" ssbi ni kuya James habang itinuturo yung laro na may prize na stuff toys
"Sige kuya"
Enjoy na enjoy ako ngayong araw na ito parang nung nga nakaraan linggo lang sobrang down ko pero ngayon nawala lahat thanks to them kasi pinasaya nila ako ngayon
"Neth ito na yung panglast na stuff toys" sabay abot sakin ng pang-apat ko ng stuff toys dahil daw kasi gusto nilang lahat sila mabigyan ako ng ganito sana lang araw-araw kaming ganito pero alam kung imposible yun kasi once na umuwi kami hindi na ulit kami magiging ganito kasaya.
"Thank you talaga sa inyo kuya" sabi ko sa kanila sabay yakap ang sarap din yung yakap na pinaramdam nila sakin damang-dama ko na mahal na mahal nila ako na parang napakaimportante ako sa kanila na hindi nila hahayaang may mangyari sakin.
"Ngayon lang nangyari itong ganito sating lima ito yung unang beses na magkasama tayo at sana gusto ko pang ulitin ito pero nasa sayo lang yung sagot Neth kung mararanasan pa namin ito" sabi ni kuya
BINABASA MO ANG
Tired (Family Series 2)
Teen Fiction[Family Series 2] Mahal ko siya pero bakit ganun ayaw niyang iparamdam sakin hindi ko alam kung mahal niya ba ako or what ang hirap. Hindi ako manghuhula para hulaan kung ano yung nararamdaman niya para sakin.