Kinabukasan ipinaghanda nga ako ni Nanay ng maraming pagkain gaya ng bilin ko sa kanya.
"Tay di ba birthday po ni Erika ngayon daan po tayo doon paguwi ko" sabi ko kay Tatay kasi kahit na hindi kami ganoon ka close ng pamilya niya mahalaga pa din naman sakin yung nararamdaman ni Tatay eh.
"Oo naman" sagot niya
Actually ayaw talaga sakin ng pamilya niya lalo na si Erika kasi iniisip nila na inaagaw ko sa kanila yung Papa nila dahil daw sa lagi ko daw nakakasama si Tatay Arthur mas may oras pa daw siya kesa sa pamilya niya eh. Kaya nga nasasaktan ako tuwing natatagalan umuwi si Tatay eh sa tuwing magkukwento siya na paguuwi siya ng bahay nila lagi daw tulog yung mga anak niya. Nakakaingit din at the same time na sana ganito din si Daddy sakin hindi yung ganito yung ipaparamdam niya sakin na wala akong halaga para sa kanya iniisip ko nga dati na paano kung nagpalit kami ng buhay ni Erika siguro masaya ako ngayon dahil meron akong mapagmahal na magulang na hindi ko na kailangan pang manglimos ng pagmamahal ng isng ama at ina.
Pagdating namin sa school dumeretso na agad ako sa room namin para pumasok. Nandoon na din sila Ellaine at maya-maya lang din dumating na yung teacher namin at nagsimula na ng klase na recall lang din naman. Naituro na iyon sa dati kung school kaya halos ako lang ang nakakasagot sa mga tanong nung mga teacher namin tapos nung nagbreak na namin pumunta agad kami sa canteen para kumain.
"Grabe Neth matalino ka pa la" sabi ni Grace
"Oo nga Neth" sabi naman ni Than
"Ahm hindi naituro na kasi sakin dati yun kaya alam ko" sabi ko sa kanila
"Ah kaya pa la" sabi ni Ellaine
"Uhm heto oh hati ulit tayo mas madami na yan kesa kagahapon" sabi ko sa kanila sabay lahad ng pagkain ko
First time kung nasabihan ng matalino sa dati kung school kasi lagi nila akong binubully na bakit daw yung mga kuya ko ang galing-galing kahit na varsity player pa sila samantalang ako daw eh wala naman daw akong ginagawa bakit daw ang hina-hina ng ulo ko. Kanina ko lang naramdaman na may namangha sakin na kahit yung mga teacher ko sinasabihan ako na ang galing ko daw ipagpatuloy ko lang daw ito.
Pagtapos naming kumain bumalik na ulit kami sa room namin at nagkwentohan lang saglit tapos dumating na yung teacher namin.
Pagkauwian sabay-sabay ulit kaming lumabas at pinauna ko na naman silang makasakay bago ko pinapunta si Tatay sa harap ng school.
"Uhm Tatay bili tayo ng Cake jan sa may malapit na stall" sabi ko sa kanya at pumayag naman siya wala kasi akong maireregalo sa anak niya eh kaya cake na lang bibilhin ko
Pagkadating namin sa bahay nila tuwang-tuwa yung mga anak ni Tatay pero nung nakita nila ako nawala yung saya nila.
"Papa bakit nandito siya kukunin ka na naman ba niya saamin birthday pa naman ni Ate" sabi nung bunso ni Tatay
"Uhm hindi bibigyan niya lang ng Cake yung Ate mo tapos ihahatid ko na siya sa bahay nila para makabalik na ako dito" sabi ni Tatay sa anak niya tapos sumulyap siya sakin yung mata niya makikita mo na nag-aalala siya sakin dahil sa sinabi ng anak niya kaya nginitian ko na lang siya
"Akin na yan thank you ah. Umalis ka na umuwi ka na sa inyo para makabalik agad dito si Papa" sabi ni Erika at kinuha sakin yung cake
"Tara na po Tay para makabalik kayo agad" sabi ko sa kanya at nauna na akong lumabas ng bahay nila para pumasok na sa sasakyan sumunod naman agad si Tatay sakin
"Neth pagpasensiya mo na sila ah okay ka lang ba?" sabi niya sakin
"Oo naman po Tay naiintindihan ko naman po sila kung bakit ganun na lang po yung trato nila sakin hayaan niyo na lang po tara po na para makauwi na kayo" sabi ko na lang habang pinipigilan ko yung pagpatak ng luha ko dahil ayaw ko ng mag-alala pa si Tatay sakin lalo na at birthday ni Erika ngayon ayaw ko ng dahil pa sakin eh pagalitan niya pa.
Pagdating namin sa bahay sinabihan ko si Tatay na umuwi na siya dahil inaantay na siya ng pamilya niya habang ako naman hindi ko na napigilan yung pag-iyak ko kasi masyado akong nasaktan doon sa sinabi sakin ng mga anak niya na hindi ko na dapat pang indahin pero kasi hindi ko pa din maisip na ganoon na lang yung galit nila sakin kahit na hindi ko naman talaga inaagaw yung Papa nila sa kanila. Hindi ko naman kasalanan na nagta-trabaho dito si Tatay eh. Tsaka oo nanglilimos ako ng pagmamahal sa Papa nila pero hindi naman ibig sabihin nun na aagawin ko na yung Papa nila.
"Oh Rein umiiyak ka na naman galing ka na naman ba doon sa bahay ng Tatay Arthur mo?" tanong sakin ni Nanay
"Opo"
"Di ba sabi ko na naman sayo wag ka ng pumunta ulit doon hindi ka talaga madala-dala di ba nga ayaw ka nilang makita" sabi sakin ni Nanay
"Pero nanay gusto ko lang naman po sila makita eh" sabi ko sa kanya
"Oo na tahan na sa susunod wag ka ng babalik doon ah magpromise ka" sabi sakin ni Nanay lagi kasi niyang sinasabi sakin na wag na akong pumunta pa doon sa bahay nila Tatay Arthur dahil nga masasaktan lang ako pero dahil din sa matigas yung ulo ko hindi ko siya pinapakinggan.
"Opo promise po hindi na po ako pupunta ulit doon makikinig na po ako sa inyo" sabi ko sa kanya
"O siya magbihis na doon at ng makakain ka na" sabi niya sakin at pumasok na kami sa loob ng bahay siya dumeretso sa kusina habang ako naman umakyat sa kwarto ko para maglinis ng katawan.
Habang nasa hapagkainina kami tinitingnan lang ako nila Kuya
"Umiyak ka na naman ba Neth?" tanong ni Kuya Marco ayaw kasi talaga ni Kuya Marco na nakikita akong umiiyak eh
"Uhmm hindi po Kuya napuwing lang ako kanina"
"Wag kang magsisinungaling sakin Anthonneth Marie ah" sabi niya sakin na may pagbabanta na tono
"Kumain ka na lang jan Marco wag mo ng pagalitan pa yung kapatid mo" sabi ni Nanay sa kanya nakinig naman siya pero pagkatapos naming kumain nagstay muna kami sa sala
"Hindi ba sabi namin sayo Neth wag ka ng pupunta pa doon" sabi ni Kuya Von
"Kuya okay na ako napagalitan na ako ni Nanay kanina pati ba naman kayo papagalitan din ako" sabi ko sa kanila
"Kaya hindi ka natututu eh dahil lagi ka na lang pinagbibigyan eh" sabi ni Kuya Marco at nagwalk out siya
"Magsorry ka sa matampuhin na yun Neth at baka hindi ka na nun pansinin pa" sabi ni Kuya Kenzo sakin
"Opo Kuya" sabi ko at hinabol na si kuya Marco
"Kuya sorry na promise po hindi na ako babalik pa doon" sabi ko sa kanya pero hindi niya pa din ako nilingon kaya ang ginawa ko niyakap ko na lang siya
"Kuya sorry na po talaga" sabi ko sa kanya at nagpacute pa
"Yuck Neth wag ka nga gumanyan hindi bagay sayo" naiirita niyang sabi sakin kaya mas lalo pa akong nagpacute sa kanya.
"Tsk oo na basta yung promise mo ah" sabi ni kuya sakin at niyakap ako pabalik
"O sige na matulog ka na at may papasok ka pa bukas" sabi niya sakin at hinalikan ako sa noo ganoon din yung ginawa nila kuya sakin nung makalapit sila tapos hinatid nila ako sa kwarto ko
BINABASA MO ANG
Tired (Family Series 2)
Teen Fiction[Family Series 2] Mahal ko siya pero bakit ganun ayaw niyang iparamdam sakin hindi ko alam kung mahal niya ba ako or what ang hirap. Hindi ako manghuhula para hulaan kung ano yung nararamdaman niya para sakin.