"Neth gising na papasok ka pa"
"Neth hoy gising na"
Ang aga naman mangbulabog ng mga ito eh
"Anong oras na po ba kuya?"
"5 am"
"Kuya naman ang aga pa eh" six kasi talaga yung gising ko tuwing may pasok parang timang naman kasi sila kuya ko
"Ay sorry ah ikaw na nga ginising ikaw pa galit" sabi ni kuya Von
"Kasi naman po ang aga pa eh inaantok pa po ako" takte paano ba naman kasi twelve na ako kami nakatulog nun
"Bakit nasa baba na si Kuya Marco?"
"Nagtanong ka pa talaga syempre dahil sayo tingnan mo nga ikaw kagabi nasa gitna ka ngayon nasa gilid ka na tsaka hindi lang naman siya yung nahulog kaming din ni Adrian grabe ka talaga Neth" kaya pa la maaga silang nagising eh
"Sorry na po kuya lipat niyo na lang dito si Kuya" pagsabi ko nun tumayo na ako sa higaan para icheck yung phone ko simula kagabi ko pa kasi hindi ito natitingnan baka lowbat na.
May message galing kay Than bakit kaya kagabi pa ito ah.
Than:
Neth wala daw tayo pasok bukas dahil may seminar yung mga teacher.Takte naman gumising pa ako ng maaga tapos wala naman pa lang pasok.
"Oh bakit nakasimangot ka jan?" tanong ni Kuya Adrian
"Kasi naman po kuya wala daw po kaming pasok"
"Oh eh di matulog ka na lang ulit sabi mo inaantok ka pa di ba kami na ako na magsasabi kay manang na wala kang pasok"
"Sige po kuya text ko lang po si Mama para hindi na po sila pumunta dito"
Kaya tenext ko na din sila mama si kuya bumaba na para sabihin kay nanay na wala akong pasok nagreply naman agad si Mama na okay lang at dito muna ako mamayang gabi na nila ako susunduin.
Pagtapos ko siyang replayan natulog na din ako si Kuya Von bumalik na sa kwarto niya habang si Kuya Adrian nandun sa kwarto ni Kuya Marco.
Ginising kami ni Nanay para kumain na ng agahan dahil may pasok pa sila kuya ayaw nga sana nilang pumasok ngayon dahil nga sa wala akong pasok pero hindi naman pwede yun.
Nasa hapag na kaming lahat kasama yung mga sampid niya.
"Neth himala at hindi ako nahulog ngayon"
"Ano ba naman yan kuya kumakain tayo eh"
"Bakit nagtatanong lang ako kung bakit hindi ako nahulog eh" ayun yung dalawang ugok tawa ng tawa
"Kung alam mo lang Marco hahahahahaha" sabi ni Kuya Von sa kanya
"Yah Marco nahulog ka inakyat ka lang ulit namin dahil ang himbing ng tulog mo"
"Kaya pa la ang sakit ng katawan akala ko hindi ako nahulog"
"Ewan ko sayo kuya sabi ko naman kasi sa inyo wag kayong tatabi sakin eh ayaw niyong makinig tapos ngayon nagrereklamo kayo"
"Sino bang nagrereklamo ikaw ba Kuya Von?"
"Anong ako nanahimik nga lang ako dito eh baka si Adrian"
"Hindi kaya gusto ko nga laging katabi yan eh ang sarap kayang mahulog"
"Ewan ko sa inyo"
"Ang landi naman" narinig kung sabi nung bruha anong malandi dun hahahahaha tanga ba siya
"Uhm Sir nakalimutan niyo na po ba yung sabi niyo kagabi?" syempre nakalimutan niya siya pa ba
"Pwede ba tumahimik ka na lang bata ka"
BINABASA MO ANG
Tired (Family Series 2)
Teen Fiction[Family Series 2] Mahal ko siya pero bakit ganun ayaw niyang iparamdam sakin hindi ko alam kung mahal niya ba ako or what ang hirap. Hindi ako manghuhula para hulaan kung ano yung nararamdaman niya para sakin.