Miss ko na sila kuya bumalik na kasi sila sa bahay and minsan na lang sila kung bumisita sakin kasi nga busy din sila sa mga school activities nila kahit na ayaw talaga nilang umuwi pero dahil sinabi ni kuya kenzo wala na din silang nagawa gusto pa nga nipa akong isama eh pero dahil matigas yung ulo ko hindi nila ako napasunod at si Kuya Kenzo naman nandun sa manila dahil siya yung pinagmanage ng business ni Lolo dun na dati si daddy ang nagmamanage pero dahil hindi niya maiwan yung bago niya.
Ayaw sana ni kuya pero wala din naman siyang choice dahil yun din ang gusto nila Lolo dahil sa kanya lang din naman mapupunta yun. Ang gusto talaga ni Kuya is tapusin niya muna yung MBA niya bago siya magmanage pero dahil sa nangyari wala na yung mga plano niya.
"Neth nandito si Nanay Zhenny mo" tawag ni Papa bakit kaya nandito si nanay anong oras na eh
"Opo saglit lang po magpapalit lang po ako" kakauwi lang kasi namin dahil ngayon lang natapos yung shift nila buti nga at maaga ngayon eh
Paglabas ko ng kwarto agad akong nagbless kay nanay ngayon ko na lang kasi ulit siya nakita simula nung pinalayas ako sa bahay eh.
"Nay bakit po kayo nandito at sino pong kasama niyo anong oras na po eh?" sunod-sunod kung tanong sa kanya baka kasi may problema sa bahay kaya siya nandito
"Wala naman namiss lang kita ang tagal na kitang hindi nakita eh"
"Sorry po nay hindi ko po kasi alam kung pwede ba ako dun sa bahay na yun pumunta eh"
"Ano ka ba naman bahay mo yun talagang may karapatan ka"
"Eh kasi nga po di ba pinalayas na ako ni daddy kaya feeling ko pag pumunta po ako dun hindi na ako belong"
"Ikaw talagang bata ka kung anong iniisip mo matagal ka ng inaantay ng daddy mo na umuwi"
"Talaga po bakit naman po?"
"Nay ano pong gusto niyong kainin?" tanong ni Mama sa kanya
"Ay wag ka ng mag-abala Doc magpahinga ka na lang at galing ka pang trabaho"
"Sigurado po kayo? Kayo pong bahala sige po dito po muna ko"
"Neth kaya talaga ako pumunta dito ng ganitong oras dahil yung daddy mo hindi na maawat dun sa bahay"
"Po bakit daw po asan po sila kuya tsaka yung babae niya?"
"Nandun sa bahay pinapatigil yung daddy mo lasing kasi yun ng umuwi ng bahay alam mo naman yun pag lasing hindi ba" ako lang kasi yung nakakapagpatigil kay daddy once na malasing siya hindi ko din alam kung bakit pero dahil siguro sa kamukha ko ang mommy kaya sa tuwing makikita niya yung mukha ko napapatigil siya pero minsan ang hirap niya ding pigilan kasi naninira siya ng gamit pag sila kuya naman sa susuntok niya
"Pero nay alam niyo naman po kung anong meron samin ni daddy ngayon hindi po ba. Antayin niyo na lang po na makatulog siya aayos din po yun"
Hindi ko pa kasi talaga alam kung paano ko siya haharapin eh hindi naman kasi pwede na porket kailangan ko siya pupuntahan ko agad siya gusto ko din mafeel niya kung ano yung ipinaparamdam niya sakin para alam niya kung ano yung nararamdaman ko sa tuwing wala siya sa tabi ko tuwing umiiyak at nalulungkot ako.
Oo daddy ko siya pero hindi naman din ata tama na ganun yung trato niya sakin mas okay pa nga yung trato niya dun sa Analyn na yun kesa sakin na sarili niyang anak.
"Nak kaya lang siya nakakaganyan ngayon dahil namimiss ka na niya alam mo bang sa tuwing umuuwi siya ikaw lagi yung hinahanap niya tuwing gabi siya umiiyak dahil hindi niya alam kung paano ka mapapauwi ilang gabi na siyang naglalasing pero ngayon sobra na"
"Ano po bang ginagawa ng babae niya nay di ba po mas pinili niya yung mga yun kesa sakin na anak niya tapos ngayon sasabihin niyo po na ganun yung pinaggagawa niya nay hindi ko pa po kaya eh masyado pa po akong nasasaktan dun sa mga ginawa niya sakin tama na po siguro yung pagtitimpi ko sa trato niya sakin okay naman po ako dun sa hindi ako kilala ng mga tao bilang anak niya pero nay yung ganitong itinapon niya na lang ako na parang hindi niya kadugo masakit na po eh" hindi ko namalayan na umiiyak na naman ako ito na siguro yung unang iyak ko simula nung ilang linggo kung pag-iyak dahil sa pagpapalayas ni daddy.
"Naiintindihan naman kita Neth pero kahit ngayong gabi lang kahit hindi na para sa daddy mo para sakin na lang nahihirapan na din ako sa sitwasyon niyong mag-ama"
"Sige na Neth pumayag ka na susunduin ka na lang namin bukas sa bahay niyo" hindi ko alam nakikinig pa la silang dalawa ni papa
"Pero Ma"
"Sige na tulungan mo na lang si nanay Zhenny mo. Nagpunta pa siya dito na pagkalayo-layo para lang pakiusapan ka makinig ka na lang di ba sabi mo namimiss mo na din siya dun ka na lang matulog tabi kayong dalawa"
"Tama ang mama mo Neth sige na kukunin ko lang yung gamit mo para makaalis na kayo" sabi ni Papa at pumasok na sa kwarto para kunin yung uniform ko
"Mag-ingat po kayo Nay sa biyahe. Neth wag matigas ang ulo makinig ka sa nanay maliwanag ba yun?" bilin ni Papa
"Opo" at hinalikan ko na sila sa pisngi para makaalis na din kami ni nanay kasama niya pa la yung driver ni daddy
Habang nasa biyahe kami papuntang bahay dahil malayo-layo pa dito yung bahay ni daddy nagkukwento si nanay kung ano yung mga nangyari sa bahay simula nung umalis ako.
Sobrang lungkot na daw ng bahay na yung dating maingay ngayon sobrang tahimik na sabagay kami lang naman ding magkakapatid yung nag-iingay dun.
Pero ang mas malala pa daw kinakawawa ng magnanay na yung yung mga maids namin mga walang hiya talaga ang kakapal ng mukha nakikitira na nga hindi pa umayos.
"Bakit po nay hindi niyo sinabi sa daddy yung mga pinaggagawa nung magnanay na yun para mapalayas na"
"Nahihiya kasi sila gusto kung sabihin pero mas gusto ko na okay yung loob nila na mag-open up sa daddy mo"
"Pero nay mas importante kay daddy yung mga nararamdaman nila kesa dun di ba nga po nung isang beses na may ginawa si kuya Von sa isang sa maids dati napagalitan siya kaya hindi po yun papalagpasin ng daddy"
Dati kasi si kuya Von masama yung ugali sa mga maids namin dati lalo na yung nasunog yung favorite niyang damit dahil sa hindi pa la marunong magplantsa yun ayun muntuk ng pasuin ni kuya Von ng plansta buti na lang at naawat nila Kuya. Tapos nung nalaman ni daddy ayun nagrounded siya halos dalawang buwan din yun then siya na yung gumagawa na dapat yung maids namin kaya ayun hindi na siya umulit pa natakot na kay dati kaya ngayon sobrang close niya na lahat ng maids namin sa bahay.
Ayaw kasi talaga ng daddy na inaapi yung mga maids kasi sila na nga daw yung tumutulong sa bahay para maging maayos gaganunin pa namin sila kaya din sabay-sabay kaming kumain lahat sa bahay kasi turing talaga namin sa kanila is pamilya na syempre nasa iisang bahay lang din naman kami nakatira.
Tapos pag may out of town kami kasama din sila minsan kasama pa yung pamilya nila hindi pwedeng hindi sila kasama sa tuwing may lakad kami pwera na lang kung sa family gathering talaga namin pero kung normal lang na lakad kasama talaga sila
"Oo nga pero ayaw kasi nilang sabihin kung paano ba nagsimula kaya wala din akong magagawa"
Humanda talaga yung mga hampas lupang yun mga walang dulot eh.
BINABASA MO ANG
Tired (Family Series 2)
Teen Fiction[Family Series 2] Mahal ko siya pero bakit ganun ayaw niyang iparamdam sakin hindi ko alam kung mahal niya ba ako or what ang hirap. Hindi ako manghuhula para hulaan kung ano yung nararamdaman niya para sakin.