Chapter 18

32 1 0
                                    

"San niyo balak magsenior high?" tanong ni Ellaine malapit na din kasi yung moving up namin then wala pa kaming school na napipili

"Maybe dito na lang din para hindi na tayo mahirapan mag-enroll" sa totoo lang din kasi ayaw ko ng lumipat pa ng school hassle kasi eh.

Panibagong schoolmate na naman ayaw ko na mas prefer ko dito.

"Oo nga wag na tayong lumipat sa college na"

Gusto ko pa sanang gumala ang kaso maaga daw dapat nasa bahay na ako dahil may sasabihin daw si daddy as if naman na kailangan ko pang malaman yun.

"Nay ano po bang meron?"

Kanina pa ako tanong ng tanong sa kanya hindi niya man lang ako sagutin naguguluhan na nga ako eh tapos sobrang tagal pang umuwi ni daddy dapat talaga gumala muna ako eh. Walangya naman talaga oh

"Tawagin niyo na lang po ako pag nandyan na si daddy"

Saktong kakaakyat ko lang talaga sa taas narinig ko na yung pumasok na sasakyan si daddy na yun syempre nandito na din naman kasi sila kuya kanina pa.

And guess what may kasama siyang dalawang babae isang kasing edad niya then yung isa kasing edad ko lng din ata ewan wala akong pakialam bahala sila sa buhay nila kung sino man sila.

"Dad sino sila?" tanong ni Kuya Marco

"Manang nakapaghanda na po ba ng pagkain?" hindi niya man lang sinagot yung tanong ni kuya at dumeretso lang sila sa dun sa dining area nakasunod lang sa kanya yung dalawang babae

Sila kuya naman ayun naguguluhan sa nangyayari kasi ngayon lang naman nagdala si daddy ng babae sa bahay ano kayang ibig sabihin neto baka naman magiging step-mother namin yun. Pero imposible eh kaya nga siya ganito sakin dahil sa pagmamahal niya sa mommy eh kaya malabo yun.

Nagsimula na kaming kumain nandidiri pa nga yung dalawang babae eh. Nagtataka siguro bakit kasabay naming kumain yung mga katulong well part of the family sila bisita lang kayo.

"Makinig kayong lahat sa sasabihin ko dito na sila titira sa bahay natin kaya pakisamahan niyo sila ng maayos" what the fudge anong dito titira? Kalokohan na talaga ito eh.

"Huh? Bakit dad sino ba sila magpapatira ka ng hindi mo kilala nahihibang ka na ba dad?" sabi ni Kuya Kenzo sa kanya totoo naman kasi hindi namin kilala yung mga ito tapos titira pa sila dito the hell

"Siya si Tita Kimberly niyo magiging step-mother niyo din siya in the future kaya galangin niyo siya then yung anak niya naman is si Analyn ituring niyo na din na parang totoo niyo siyang kapatid nagkakaintindihan ba tayo?"

Putcha kakasabi ko lang na malabong mangyari yun eh. Mali pa la ako tang ina lang

"So tama pa la yung mga naririnig ko na ang gagwapo ng mga anak mo darling" yuck darling? Kadiri siya

"No dad hindi ako papayag" sabi ni kuya kenzo

"Ganun din ako dad" sagot din ni kuya Von yung kambal hindi din pumayag habang ako ito tahimik lang na pinapakinggan sila para namang makikinig si daddy sa kanila dahil alam naman nila na once na magdisisyon yan wala ka ng choice.

"Baka nakakalimutan kung pamamahay ko ito Kenzo kaya ako ang masusunod"

"Then fine gawin mo yung gusto mong gawin bahala ka. Tutal wala din namn kaming choice sa gusto mo din choice ko naman ang hindi na problemahin yung kompanya mo" then ayun walk out si gago

"Darling aalis na lang kami mukhang hindi okay sa mga anak mo na nandito kami eh" wow talagang hindi ako nga sampid lang eh dadagdag pa sila ng anak niya

"Hindi kayo aalis dito maiintindihan din nila ito"

"Oh baby bakit ka umiiyak?" ay putang ina ako nga hindi matawag-tawag na anak eh tapos sa anak ng ibang tao baby yung tawag punyeta lang. Ito naman din sila kuya tiningnan lang kung ano yung magiging reaksiyon ko dun sa narinig ko well strong na ako ngayon fuck you sila.

Ang drama pa ng anak niya kala mo naman talaga anong iniiyak-iyak niya jan ako nga dapat yung umiiyak hindi siya sira ulo pa lang yan eh.

"Wala lang po Tito kasi po ng dahil samin ni mommy nag-aaway kayo ng anak niyo" wow best actress dapat umpisa pa lang hindi na kayo pumunta dito mga animal.

"Wag mo ng pansinin yun hayaan muna gusto mo bang magpahinga na muna?" wow dad concern sana all si ahas ay Analyn para maging concern ka din sakin

"Sige po pipili po ako ng magiging kwarto ko muna dun" tang ina at pipili ka pa talaga ang kapal din naman ng mukha mo at itong daddt naman ayun pumayag lang lintek naman talaga hindi naman mag-antay kung anong kwarto ang ibibigay.

Punyeta ngayon na nga lang ako makakasabay sa pagkain nila ito pa yung nangyari walang hiya naman talaga.

"Tito tito may napili na po ako" excited pa si gago ano kayang napiling kwarto ng makapal na ito

"Talaga saan?"

"Yung isang room po dun na makikita mo yung dagat sa bintana" puta kwarto ko yun ah ang kapal talaga ng mukha

"Hindi pwede akin ang kwarto na yun" punyeta ano patu kwarto ko aagawin niya kapal naman ng mukha

"Tito sino po siya?"

"Oo nga darling bakit may kwarto siya sa taas wala ka namang anak na babae hindi ba?"

Ayun yung daddy hindi man lang nagsasalita puta naman talaga.

"Anak lang naman----" pinutol ko na yung sasabihin ni kuya Adrian

"Anak ng katulong bakit hindi ba ako pwedeng magkaroon ng kwarto sa itaas?"

"Neth anong pinagsasabi mo?" nagugulohan na tanong ni Kuya Von kahit sila nanay, yung kambal and si daddy naguluhan din sa sinabi ko

"Ah ganun ba pwes anak ka lang naman ng katulong ako na gagamit nun sa maids quarters ka na lang matulog" ay putang ina ginagalit talaga ako ng gagong mukhang tuko na ito

"Sir papayag ba kayo?" tanong ko kay daddy na ngayon mas lalong nagulohan sakin bahala siya sa buhay niya.

Pero akala ko sasagot siya hindi pa la umalis lang siyang hindi sinasagot ang tanong ko.

"So akin na ang kwarto na yun kuhanin mo na yung mga gamit mo para makapagpahinga na ako" at umalis na din sila nung nanay niyang higad na kapit na kapit ngayon kay daddy.

Punyeta bakit ako naiiyak lintek na luha ito oh.

"ANTHONNETH ano bang pinagsasabi mo kanina nababaliw ka na ba?" sabi ni kuya von

"Kuya naevict na ako sa bahay ni daddy yun lang ibig sabihin nun sige po kukuhanin ko na mga gamit ko dun sa kwarto. Uhm ate pwede po bang tulungan niyo akong magligpit?"

"ANTHONNETH ANO BA MAKINIG KA NAMAN. ANO BANG NANGYAYARI SAYO?" sigaw ni kuya Marco sakin

Mas lalo lang akong nanghihina ayaw ko na ayaw ko na talaga putang ina.

"Kuya hindi niyo ba naiintindihan wala na akong pag-asa narinig at nakita niyo naman kung paano siya mag-alala sa anak ng ibang tao kesa sakin ni minsan nga hindi niya ako kinamusta or kahit man lang tawagin na anak niya eh. Narinig niyo din yung sinabi nung matandang babae na wala siyang anak na babae ano tingin niya sakin wala lang sampid nga lang talaga ako sa pamilya niyo eh. Pinapadali ko na nga lang yung buhay niyo kaya please tama na kuya okay lang ako. Tara na po ate magligpit na po tayo"

"Uhm nga po pa la nay pwede po bang pakiayos ng isa sa mga guest room sa lapag na lang po ako matutulog para hindi po ako mahulog"

"Hindi ka pwede dun Neth sa tingin mo makakatulog ka dun. Hindi ka aalis sa kwarto mo kakausapin ko si dad" sabi ni Kuya Adrian

"Kuya wag na po okay lang po ako dun or kung gusto mo dun ako sa kwarto mo matulog malaki-laki din yung higaan dun"

Tired (Family Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon