Chapter 25

37 1 0
                                    

Simula nung araw na yun lagi na akong inaataka dinadala sa hospital minsan umaabot ng buwan pero buti na lang at nakagraduate pa din ako ng senior high kahit na ganun yung nangyari sakin ayaw na nga nila Mama tsaka kuya akong papasukin ng school pero hindi pwede yun kung kelan malapit na akong grumaduate tsaka pa ako maghohome school.

Napalayo na din yung loob ko sa mga kaibigan ko dahil sa nangyari sakin ayaw ko kasing mag-alala pa sila eh kaya mas minabuti ko na lang na lumayo ako lang din kasi yung mahihirapan sa huli lalo at palala ng palala yung nararamdaman ko.

Imbes na sa Batangas State University ako nag-enroll mas pinili kung sa UP Los Baños dahil ayaw kung makasama yung sampid ni daddy sa isang university baka mag-away lang kami sa tuwing magkakasalubong yung landas namin. Nung una ayaw nila Kuya dahil malayo samin pero kalaunan pumayag na din dahil nga sa bruhang yun gusto ko silang makasama pero mas makakabuti sakin na lumayo sa babaeng yun kahit na sa iisang bahay lang kami.

Umuwi na kasi ako dahil sabi ni Mama mas makakabuting umuwi ako ng bahay dahil mas may magbabantay sakin kasi sila busy sa trabaho nila at ayaw ko na ding mapagod pa sila lalo ng dahil sa pagbabantay sakin.

Si Kuya Kenzo nasa ibang bansa na para ituloy yung plano niyang mag-aral ng MBA niya.

I am freshmen now ilang buwan na din ang lumipas gaya ng plano ko BSBA ang kinuha ko gaya ng kay Kuya Kenzo.

Nung una nahirapan akong pumasok dahil ang sobrang layo ng school ko sa bahay namin halos mahigit dalawang oras yung biyahe ko lalo na pag maaga yung pasok ko aalis ako ng bahay mga 5 or 4 depende pa yan kung traffic naaawa nga ako kay tatay dahil ang layo na ng binabiyahe niya tapos ang aga niya pa laging gumigising tapos uuwi siya gabing-gabi na hindi pa kasi ako sanay magcommute kaya siya muna nung una kasi naligaw ako.

"Sebastian hindi ka ba naaawa sa anak mo? Kelan ka ba titigil nahihirapan na ako para kay Anthonneth" rinig kung sabi ni Nanay si daddy yung kausap niya bakit parang ang aga niya naman atang nagising

"Pabayaan mo na muna ako desisyon ko ito"

"Desisyon mong saktan yung anak mo? Alam mo bang bumibigay na yung puso niya sa sobrang dming dinadala hindi mo nga siguro din alam na muntik ng gahasain yang anak mo eh at ilang beses ng naholdap yan nakapaglakad pa nga yan ng sobrang layo dahil wala siyang pera at isa pa hindi mo alam na naghahanap yan ng part time dahil yung binibigay mo hindi na niya ginagalaw"

Nagulat ako sa mga sinabi ni nanay dahil wala naman akong pinagsabihan sa mga nangyayari sakin lalong lalo na sa paghahanap ko ng part time.

Yung binibigay kasing allowance ni daddy hindi ko na ginagalaw parang kasi utang ko na sa kanyan yun eh dahil wala na siyang pakialam nung grumaduate nga ako silang tatlo lang ng sampid niya ang nagcelebrate ako yung valedictorian oh tapos wala man lang akong natanggap galing sa kanya ay meron pa la sakit sa puso. Samantalang yung sampid niyang tanga-tanga niregaluhan niya pa ng latest na cellphone the heck di ba.

Sila na happy family mga walang dulot eh.

"Nay aalis na po ako" bumababa na lang ako ng tuluyan dahil ayaw ko ng marinig pa yung sasabihin ng tatay ko.

"Kanina ka pa ba jan?"

"Hindi po nay kakababa ko lang po"

"Aalis ka na hindi ka na kakain? Wala pa naman si Arthur tsaka maaga pa"

"Babaonin ko na lang po nasabihan ko na po si Tatay na magcocommute ako ngayon"

"Hindi ba hindi mo pa alam yung sakayan?"

"May kasabay naman po ako yung isa sa classmate ko natulog kasi siya sa bahay ng tita niya sa may bayan lang naman po yun"

"Oh sige sandali lang at ilalagay ko sa tupperware yung pagkain mo"

Tired (Family Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon