Chapter 16

23 1 0
                                    

"Ano bang kasing problema mo at ayaw mo pang umuwi sa inyo?" tanong ni papa sakin ilang araw na din kasi ako dito sa kanila

"Wala naman po gusto ko lang po na dito muna ako nakakaabala po ba ako sa inyo ni Mama?" kaming dalawa lang kasi yung nandito ngayon dahil namili si mama sa palengke at day off din nilang dalawa

"At kelan ka naman naging abala saming bata? Tinatanong ka lang kung anong meron sa sainyo at hindi ka nauwi"

"Wala nga po pa gusto ko lang po talaga na makasama kayo yun lang po"

Tapos ayun iniwan niyo lang ako dito sa sala nila para magsaing baka daw kasi mapagalitan kami ni mama pagdumating.

Nung natapos na kaming kumain nag-aya si papa na lumabas daw kami para pumunta ng mall.

Para talaga kaming totoong pamilya ngayon dito sa mall dahil ang dami ko ding nakikita na mag-anak na kumakain sa iba't ibang fast food chain or restaurant ang saya lang tingnan na nagsasalo-salo sila ngayon dito merong pang iba na nag-aagawan sa ulam ang cute nila sobrang sarap tingnan yung ganoon pamilya.

"Neth hindi ba at pasukan muna next week may mga gamit ka na ba?" tanong ni Mama oo nga pa la sa sobrang enjoy ko nakalimutan ko ng mag-aaral pa pala ako sheeems wag ganun Anothonneth buti na lang talaga at matagal na akong enroll kundi yari ako neto

"Uhmm opo ma bakit po?"

"Gusto mo bang bumili tayo ngayon tutal at nandito na din naman na tayo"

"Talaga po? Bibilhan niyo po ako ng mga gagamitin ko sa school?" excited kung tanong sa kanila ito kasi yung unang beses na bibilhan nila ako ng school supplies dati pa talaga sila nagsasabi sakin pero sila kuya kasi ayaw pumayag

"Oo naman matagal ko ng gustong gawin sayo iyon hindi ba"

"Sige po sige po tara na po ma, pa" sabi sa kanila tapos hinili ko parehas ko kamay nila dahil hawak nila yung magkabilaang kamay ko.

Habang namimili kaming dalawa ni mama ng gamit mas lalo akong natutuwa dahil for the first time in my life may nakasama akong magulang not totally real but I am contented with that because they treat as their real daughter. Sobrang saya lang na makasama sila na namimili ng gamit ko then tanong lang sila ng tanong kung gusto ko ba ng ganito or what i didn't expect this situation kusa na lang siyang dumating at some point I enjoy it na sana tumigil muna yung oras kahit sandali lang para naman kahit papaano mas matagal pa yung time namin together.

I think this is the most memorable scene in my life right now because nararamdaman ko na buo yung pagkatao ko dahil sa kanilang dalawa na napupunan nila yung mga needs ko na hindi mo madadaan sa mga materyal na bagay kundi yung memories mo sa taong kasama mo na hindi mo makuha sa sarili mong pamilya kundi sa ibang tao na sobrang lapit sa buhay mo. Siguro it's part of my problems in life hindi naman kasi ito ibibigay ni lord kung hindi ko kakayanin but sometimes na-iisip ko din na sumuko na lang dahil wala din naman ata akong patutunguhan kung palagi na lang akong ganito kay daddy na ang arte na masyado ng buhay ko hindi na tama.

"Neth ihahatid ka na ba namin sa inyo ngayon?" tanong ni papa nandito kami ngayon sa isang restaurant dito sa mall kumakain na ng dinner

"Bukas na lang po siguro pa pagpasok niyo ni Mama sa hospital idaan niyo na lang po ako sa bahay or papasundo na lang po ako kay tatay"

"Ikaw ang bahala"

Ito na yung last night ko ngayon sa kanila kaya magkakatabi kami ngayong tatlo na matulog ako yung nasa gitna nila ayaw ko pa nga sana dahil alam din naman naman nila na sobrang kulit ko matulog kaya naglatag na lang sila sa lapag nandito kami sa sala natutulog dahil dito lang yung malaking space. Kelan kaya ako ulit makakabalik dito dahil panigurado magiging busy na naman sila mama sa hospital neto tapos ako din dahil baka dumami na din yung mga school works ko parang ayaw ko na talaga tumakbo yung oras ngayon kasi pag nandito ako feeling ko talaga isang pamilya kami na masaya baka kasi pag-umuwi na naman ako sa amin malulungkot na naman ako ayaw ko ng makaramdam ng ganun nakakasawa na eh yung tipong yun na lang ba parati yung kailangan kung maramdaman na at the same time gusto ko ng mawala dahil sa frustration na nakukuha ko.

At the age of fourteen nararamdaman ko yung ganito na dapat chill lang muna ako dahil bata pa ako na dapat naglalaro lang ako ng kung ano-ano katulad ng ibang mga bata na ka age ko pero hindi eh. I am totally feel anxiety because of the family I have na dapat tinutulungan akong wag isipin yung kakaiba sakin sa edad kung ito marami na akong naramdaman na hindi dapat nararamdaman ng isang bata katulad ko. Na hindi dapat ako makaramdam ng inggit sa ibang tao dahil lahat naman ng bagay na gusto ko nakukuha ko but the problem is I don't really need it because the only things that I want to be feel is to have a father on my side always hindi yung siya pa yung nagpaparamdam sakin na wala akong kwentang tao na puro pasakit lang yung idinadala ko sa pamilya ni hindi nga ako kilala ng mga tao sa company niya eh dahil ang alam lang ng mga tao ay puro lalaki lang ang anak niya. One time nung may party sa bahay dahil nga sa birthday niya nun nandun lahat ng mga kaibigan, kapartner sa trabaho at mga ibang tao na hindi ko naman kilala ayun sila kuya lang ang lagi niyang ipinapakilala sa kanila samantalang ako hindi niya pinalabas ng kwarto nung araw na yun sarili mong ama itinatago ka mas okay pang marinig ko na anak ako ng isang katulong dito sa bahay kesa naman sa itago niya ako ng ganun it's his birthday after all na dapat buong pamilya niya kasama niyang magcelebrate pero ako parang sampid lang sa pamilya niya na palamunin lang mas okay pa yung ibang tao na inampon lang dahil atleast sila kilala ng ibang tao na part of the family pero ako tunay na anak itinago lang ng ganun-ganun hindi ba napakasakit nun para sa isang bata na itrato ng ganun.

Then nung time na din na yun inatake ako sa puso ng walang nakakaalam dahil halos lahat sila busy sa party buti na lang at agad akong nakainom ng gamot kung hindi baka wala na ako ngayon sa mundong ibabaw. Walang nakaalam ng nangyari na yun hanggang ngayon dahil wala na din namang kwenta pa yun.

And thankful ako dahil buhay pa ako hanggang ngayon hindi ko nga lang alam kung hanggang kelan na lang ako dito kaya araw-araw kung hinihiling na magtagal pa sana ako dahil gusto ko pang bumuo ng sarili kung pamilya na ipaparamdam ko sa kanila yung mga hindi naiparamdam ng tatay ko sakin na ayaw kung makaramdam sila ng inggit sa ibang pamilya dahil sa kulang pagmamahal na ibinibigay sa kanila ayaw kung maramdaman nila yung nararamdaman ko ngayon.

Tired (Family Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon