Chapter 5

52 4 0
                                    

Nung kinagabihan pagkatapos naming lahat kumain nagkwentuhan at nag-asaran. Ang saya lang kasi ngayong taon ko lang ito naranasan buong buhay ko na kahit papaano nagkakausap kami ni Daddy kahit na sobrang iksi lang ng sinasabi niya saakin hindi tulad kila kuya na halos ikwento niya na yung buong nangyari sa araw niya okay na sakin iyo atleast napapansin niya na ako kahit papaano.

------

"Neth wag kang magmadali hindi ka naman malalate eh maaga pa" sabi sakin ni Tatay kanina ko pa kasi siya niyayaya na umalis eh at dahil nga first day ko ngayon sa school masyado akong excited na pumasok habang si Tatay Arthur naman chill lang na umiinom ng kape para bang hindi niya ako naririnig

"Tatay naman dalian niyo na"

"Wala pa nga iyong baon mo aba areng bata ire napakaulit" sabi ni Tatay ano ba naman kasi si Nanay din ang tagal akong handaan ng pagkain kanina pa ako tapos mag-ayos halos matutuyo na nga itong buhok ko kakaantay sa kanilang dalawa eh

"Oh ito na" sabi ni Nanay sabay abot ng baon ko

"Tatay tara na nandito na pagkain ko" sabi ko at pumasok na sasakyan wala na ding nagawa si Tatay kundi ubusin na yung kape niya at iiling-iling pang pumasok sa sasakyan.

Pagkarating namin sa school konti pa lang ang mga estudyanteng nakikita kung pumapasok.

"Tatay sige na uwi ka na kaya ko na dito" sabi ko sa kanya

"Sigurado ka tandaan mo wag kang magpapabully sa mga tao dito ah" bilin niya sakin

"Opo sige na po" sabi ko at bumaba na ng sasakyan at siya naman sinenyasan ako na pumasok na sa loob kaya pumasok na din ako habang naglalakad ako hindi pa don ako makapaniwala na papasok na ako sa school na ito parang panaginip lang ang lahat ng ito.

Pagkarating ko sa classroom namin konti pa lang kaming tao doon kaya pinili ko yung upuan sa unahan ako uupo ayaw ko kasi sa likod eh hindi ko makikita kahit na may salamin ako. Nung nakaraang linggo kakapalit ko lang ng salamin tumaas na agad yung grado ng mata na yung dating 200 lang ngayon 250 na nung nakaraang taon lang ako nagpalit ng salamin eh.

"Hi" bati nung katabi ko

"Uhmm h-hello" nahihiya kung tugon hindi kasi talaga ako sanay na may kumaka-usap sakin na ibang tao ehlalo na paghindi ko talaga kilala or hindi ko close kaya hirap din talaga akong magkaroon ng kaibigan hindi lang dahil sa itsura ko kundi pati na din sa sarili ko.

"Anong pangalan mo?" tanong niya

"Anthonneth" simpleng sagot ko

"Ahmm ako naman si Grace tapos siya si Sammantha tapos yung nasa dulo ay si Ellaine" sabi niya tapos may ipinakikila niya din sakin yung mga katabi niya apat na upuan kasi sa isang row ako doon sa tabi ng bintana nakaupo. Tapos binati din nila ako

"Magkakaibigan na kayo?" tanong ko sa kanila

"Ah oo simula grade 4" sagot naman nung Ellaine

"Ah ganun pa la" sagot ko na lang

"Ikaw saang school ka galing?" tanong ni Sammantha patay hindi ko alam kung anong sasabihin ko ayaw ko naman sabihin na sa private school ako nanggaling

"Ah sa Manila kakalipat lang kasi namin dito eh" sagot sabay ngiti sana naman hindi na sila manghinala pa

"Ah ganun ba" sagot ni Sammantha

Sheems buti na lang talaga naniwala sila.

"So friends na tayong apat ah" sabi ni Ellaine at tumayo silang tatlo kaya tumayo na din ako

"Syempre naman" sagot ko

Hindi ko inaasahan na kakapasok ko pa lang dito sa school na ito may kaibigan na agad ako.

Tired (Family Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon