Dahil weekend ngayon at may check-up ako halos linggo-linggo na kasi ako kung magpacheck-up ang OA kasi ng mga kapatid ko akala mo kung makareact mamatay na ako eh.
At as usuall parati pa din kaming nasasagutan ng sampid ng daddy ewan ko ba ang tagal palayasin eh nakakairita na.
Nakakasawa kayang makakita ng bruha na may pinaghalong tuko at palaka hindi ko maintindihan kung bakit ganun yung mga mukha nila halatang kakaiba sila lang yung makikita mong may ganung itsura eh tapos yung ugali parang pinulot lang sa basura or sa kanal basta hindi maintindihan sobrang dumi mas malinis pa yung CR namin sa school kesa sa kanila eh.
"Hoy Neth tara na ano bang iniisio mo jan?" sabi ni Kuya Von sakin siya lang yung kasama ko ngayon dahil si Kuya Adrian susunduin yun classmate niya dahil may gagawin daw silang project ewan ko si Kuya Marco naman tinatamad daw.
"Wala po kuya kain muna tayo ah"
"Oo na basta libre mo"
"Kuya naman wala akong pera"
"Paanong wala eh halos wala ngang bawas yung laman ng card mo eh"
"Paano mo nalaman yun? Kinuha mo na naman yung card ko kuya naman"
Lagi kasi niyang kinukuha yung card ko actually sila lahat mga damuho eh. Lagi nilang chenicheck kung may pera pa ba ako o wala pag wala bibigyan nila ako malas lang kung meron dahil kukuhanan nila ganyan sila kabait na kapatid sakin.
"Chineck ko lang pero hindi ko binawasan"
"Mabuti naman kung ganun"
"San ba tayo kakain?"
"Ay kuya gusto ko ng goto"
"O sige may alam ako para jan"
Nang nakarating na kami sa sinasabi ni kuya na kainan ng goto takte napakalayo pero sabi naman niya worth it daw kasi sobrang sarap.
Then yung place niya parang bahay lang pero restaurant ang ganda nga ng pagkakagawa eh.
"Ano pa bang gusto mo?"
"Kahit ano na lang kuya kung anong gusto mong idagdag"
Yun umorder na siya ng kung ano.
"Kuya bat ang dami ng inorder mo di natin mauubos yun" sabi ko sa kanya paano ba naman ang daming inorder dalawa lang naman kaming kakain
"Edi itake out natin para makakain din yung kambal pati na din yung mga maids" sabagay may point siya
"Bibigyan mo sila ng tira natin nahihibang ka na ba"
"Syempre oorder pa tayo pero tatansyahin lang natin kasi baka maraming matira napaka mo naman"
"Oo na po tsk"
Ilang saglit lang dumating na yung order namin na goto, bulalo, bopis daw sabi ni kuya, then kalderetang baka
"Nga pa la kuya kelan ka kumain dito?"
"Ha? Ano hindi pa ako nakakain dito ngayon pa lang"
"Wew maniwala sayo paano mo nalaman ito?"
"Oo nga sinabi lang nila Bryan sakin itong lugar na ito"
"Sus dinamay mo pa talaga sila kuya Bryan baka babae yung dinala mo dito ayaw pang umamin" paano ba naman kasi hanggang ngayon wala pa akong naririnig sa kanilang apat na may babae silang nililigawan eh ang tatanda na nila
"Ewan ko sayo kumain ka na lang jan ang dami mong dada eh"
"Sus ayaw mo lang mabuking eh"
Ang loko sinamaan lang ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Tired (Family Series 2)
Teen Fiction[Family Series 2] Mahal ko siya pero bakit ganun ayaw niyang iparamdam sakin hindi ko alam kung mahal niya ba ako or what ang hirap. Hindi ako manghuhula para hulaan kung ano yung nararamdaman niya para sakin.