Gaya nga ng sabi ni Papa hinatid nila ako sa bahay kanina bago sila dumeretso sa hospital.
Buong araw lang ako sa kwarto ko dahil wala din naman akong ibang gagawin dahil sa tinatamad din ako lumabas lang ako para kumain the rest sa kwarto na lang wala din naman sila kuya kaya hindi ako nakukulit ng mga yun.
Then nung nagdinner na kami parang wala lang ding nangyari normal lang si daddy tahimik lang pa minsan-minsan tinatanong sila kuya ng kung ano-ano.
Habang nagbabasa ako ng mga inaaral ko sa kwarto ko pumasok si nanay dahil daw sa pinatawag ako ni daddy sa study room niya.
"Bakit po dad may problema po ba?"
Ayun hindi niya man lang ako sinagot sa halip sinulyapan niya lang ako saglit then nagpatuloy na siya sa ginagawa niya.
Pinatawag niya ba talaga ako o hindi. Mukha lang akong timang dito na inaantay siyang magsalita eh.
"Bakit mo na isipang hindi umuwi ng isang linggo?" hayss salamat nagsalita na din siya mga five minutes ata akong nakatanga lang sa harap niya.
"Wala lang po dad"
"Wala ka bang bahay at pumunta ka pa talaga sa kanila Dennis? At isang linggo ka pa talaga doon ah" alam niya pa lang wala ako dito bago yun ah dati naman walang problema sa kanya kung hindi ako umuwi ng bahay eh pabor pa nga ata sa kanya yun eh.
"Meron po kaya nga po ako nandito sa harap niyo ngayon eh. And kaya lang naman po ako nagstay dun kila papa dahil miss ko na po sila ang tagal na din po kasi nung huli akong nagstay sa bahay nila. Di ba okay lang naman po yun sa inyo dati nga po wala kayong pakialam eh ano pong nangyari ngayon at na tanong niyo po ako ng ganyan"
I know bastos yung mga sinabi ko pero sinasabi ko lang naman yung totoo eh. Bakit niya ako tatanungin ng ganyan eh wala naman siyang pakialam sakin.
"Wag ka nang bumalik ulit doon nakakaisturbo ka lang sa kanila mga busy yung mga yun wala silang panahon para alagaan ka pa"
"Gaya po nung nararamdaman niyo sa tuwing makikita niyo ako? Wag po kayong mag-alala kaya nga po ako nagstay dun kasi ayaw kung makita niyo ako eh. And beside hindi po sila kagaya niyo kaya please lang po wag kayong gumawa ng excuse dad" i don't know why i said that words but i didn't feel any guilt
"Sige po alis na po ako baka marami pa kayong ginagawa" lumabas na ako sa study tinawag niya ako pero hindi ko na siya pinakinggan baka kasi kung ano na naman yung masabi ko mag-away na naman kami ayaw ko na eh nakakapagod ng makipagtalo sa kanya dahil alam ko naman na ako lang yung masasaktan saming dalawa.
Nakakasawa na ding umiyak ng umiyak eh ayaw ko na pagod na ako.
Kinabukasan maaga akong pumasok dahil din ang aga kung nagising actually nakakatakot yung school pag-umaga promise kaya talaga sa susunod hindi na ako papasok ng ganito kaaga yung tipong six am pa yung pasok mo pero 5:15 am pa lang nasa school ka na at take note sobrang dilim pa dapat talaga nakinig ako kay Nanay eh nandyan pa kaya si Kuya Kenzo siya kasi yung naghatid sakin dahil nga ang aga kung nakapasok ginising ko pa siya ah buti na ng lang at hindi nagreklamo eh ayaw kasi talaga niya na ginigising siya tapos pag siya na yung manggigising ang galing-galing niya.
Paglabas ko ng school wala na dun si Kuya ano ba naman yan ang tagal naman dumating ng ibang student nakakatakot dito. Bakit kasi umalis agad si Kuya eh antok pa talaga siguro yun kaya umuwi agad tapos may pasok pa siya mamaya.
----
Nasa kalagitnaan na din kasi kami ng school year and marami na din kami projects, group work and so on. Busy na halos lahat ng studyante gaya ngayon nandito kami nila Grace sa canteen hindi para kumain kundi gawin yung isa sa mga project namin sa isang subject namin.
"Seryuso ka ba Neth hindi ka kakain?" tanong niya sakin kanina pa niya ako pinipilit na kumain hindi kasi siya makakain dahil sakin nahihiya daw kasi siya parang baliw lang di ba.
"Oo nga wag mo na akong alalahanin okay lang ako tatapusin ko lang ito para maipasa ko na"
"Sigurado ka talaga ah"
Ngayong taon ata na ito sobrang worst ko to the point na halos hating gabi na ako uuwi sa bahay tapos lagi akong nagpapalipas na ng gutom hindi ko na naiinom yung mga gamot ko. Lagi na akong napapagalitan hindi lang ni nanay at tatay pati na din nila kuya dahil daw sa bakit ako naging ganito actually wala naman talagang nagbago sakin ewan ko lang sa kanila bakit ang OA nila.
Nung naholdap ako wala ding nakaalam buti nga at may nakita akong classmate ko kaya napahiram niya ako ng pampamasahe ko eh hindi na kasi ako nagpapasundo kay tatay eh first time kung hindi magpasundo kaya ayun ang nangyari naholpad si tanga. Iiyak-iyak pa ako nun dahil sa katangahan ko that time pero binalewala ko na lang din nangyari na eh may magagawa pa ba ako.
"Bakit ka ba kasi nagmamadali na matapos yan eh may isang linggo pa naman bago ipasa yan"
"Ay naku ayaw ko ng maghabol pa sa deadline kaya ko namang tapusin ito ngayon kaya chill ka lang jan pwede ka ba mamaya gala tayo"
"Baliw ka ba may mga quizes tayo bukas tayo aayain mo akong lumabas ibang-iba ka na talagang babae ka dati hindi ka nga maaya-aya kung saan eh tapos ngayon ikaw na yung nag-aaya"
"Ay oo nga pa la buti pinaalala mo nawala na yun sa isip ko eh. San na ba sila Ellaine ang tagal naman ata nila"
"Porket matalino ka kinakalimutan mo na lang yung quiz ah iba ka talaga Neth. Ewan ko din baka natraffic na naman sa kung saan" umalis kasi yung dalawa kanina sabi may itatanong lang daw sa isa sa mga subject teacher namin.
Saktong uwian natapos na din namin yung project namin minadali ko din kasi sila para walang mapag-iwanan samin.
"Takte ka Neth ang panget nung gawa ko ikaw naman kasi ano bang minamadali mo lintek ka talagang babae ka" reklamo ni Nath sakin
"Okay na yun atleast tayo ang unang nagpasa narinig niyo naman si Ma'am kanina di ba may plus points tayo dahil tayo yung unang nakapagpasa tsaka maganda naman yung gawa mo eh baliw ka talaga sayo nga yung pinakamaayos eh"
Totoo yun walang halong kaplastikan kasi kahit na may pagkalalaki yan kumilos yung gawa niya pa din sobrang linis ewan ko nga din eh siguro ganun na talaga siya sa tatlong taon naming magkasama kilala na namin halos yung ugali ng isa't isa walang lamangan na nagaganap samin lahat pantay kung mahuli yung isa aantayin namin para sabay lang balance kumbaga.
"Binola mo pa ako sige na nanjan na yung jeep na sasakyan mo ingat ka"
"Sige bye!!"
As usual pagdating ko sa bahay nakaabang na agad si nanay sakin.
"Gutom ka ba anong gusto mong kainin?"
"Wala po nay sige po akyat na po ako" yun lang lagi yung sagot ko sa kanya
Simula nung araw na yun talaga hindi na kami nagkikita ni daddy pagkakain sila hindi ako sumasabay or di kaya aalis ako ng bahay para sa labas ako kakain yun lang lagi yung routine ko.
Sila kuya naman minsanan ko lang sila makita pagmakakasalubong kami sa kung saang part ng bahay parang wala lang lagi lang din kasi akong nasa kwarto ko. Si nanay laging nag-aalala sakin dahil daw sa baka hindi ko na naiinom yung gamot ko which is true dahil nawalan na din ako ng ganang inomin yung mga gamot ko.
Pakiramdam ko kasi wala ng saysay pa yun. Dahil pag oras mo na oras muna talaga wala ka ng magagawa pa dun.
BINABASA MO ANG
Tired (Family Series 2)
Teen Fiction[Family Series 2] Mahal ko siya pero bakit ganun ayaw niyang iparamdam sakin hindi ko alam kung mahal niya ba ako or what ang hirap. Hindi ako manghuhula para hulaan kung ano yung nararamdaman niya para sakin.