Chapter 21

27 1 0
                                    

Buong araw lang ata akong nakahilata dito sa higaan ko at nagcellphone lang sila mama kasi sabi magpapaspa daw gusto nga akong isama pero ayaw ko dun aantukin lang ako dun eh tsaka momment na nilang dalawa yun makikisawsaw pa ba ako.

Hindi din kasi mawala sa isip ko yung nakabonggo kung lalaki or kung ano man siya basta ewan bakit ba ako naaano sa kanya ngayon ko lang naranasan ito ah. Hindi ako ito eh lalong hindi din ako ganito tsaka nakasalubong ko lang naman siya eh kaya bakit ganito nirereact ko ngayon baliw na ata ako eh.

"Neth bakit kasi nag-ABM ka?" sabi ni Grace sakin

Nandito kami ngayon sa school simula kasi nung nagmoving up kami hindi na ulit kami nagkita kaya hindi din nila alam kung ano yung kinuha kung strand sila kasing lahat nasa H.E ako lang yung naiba

"Wala lang" gusto ko kasi ako yung magmanage ng business ni daddy in the future kung papayag siya sila kuya kasi walang balak na kuhanin yung business niya ewan ko ba kung bakit pero si Kuya Kenzo dahil siya yung panganay wala siya choice pero ang gusto niya talaga is maging pilot pangarap niya yun bata pa lang siya pagpumasok ka nga sa kwarto niya ang makikita mo halos dun is puro eroplano na collection niya eh dun lang din napupunta yung mga pera niya tapos si Kuya Von naman Doctor si Kuya Adrian Arichitecture yung kinuha niyang course ngayon at lastly si Kuya Marco na hanggang ngayon hindi pa alam kung ano yung gusto pero yung kinuha niya is Civil Engineering ewan ko din kung bakit pero baka magship din siya ng ibang course once na ayawan niya.

"Yan tuloy hindi mo kami kasama" sabi naman ni Ellaine

"Baliw okay lang sabay lang din nmn break at uwi natin kaya walang problema yun sakin ano ba kayo"

"O sige na nga hatid ka na namin san ba room mo?" tanong ni Than

"Jan lang sa east wings magkalapit lang din tayo kaya wala talagang problema"

Ang cute nila concern na concern sila sakin dahil lang sa mag-isa ako.

Then nung time na nga uwian namin nag-aya ako na magmall kasi dahil ngayon na lang ulit kami nagsamang apat at syempre libre ko kakakuha ko lang din kasi ng allowance ko dahil yung pera ko naubos nung nagbakasyon kami nila Mama pero hindi naman ako nagsisi dahil dun kasi sobrang worth it niya.

Mag-iisang oras na ata kaming paikot-ikot sa loob ng mall syempre wala naman kaming ibang gagawin dito kaya nagpasya na kaming kumain na lang dahil anong oras na din pupunta pa ako ng hospital ngayon dahil hindi uuwi sila Papa ngayon.

Kakain na sana kami sa isang fast food ang kaso may nakita akong hindi kaaya-aya punyeta bakit ngayon pa.

Punyeta naman oh kung kelan masaya ako masisira na naman ba.

"Tito di ba siya yung anak nung katulong niyo? rinig ko pang sabi niya kay daddy

Unless naman kung totoo sige lang paniwalaan mo yan hanggang sa mapahiya ka na sa susunod bruha ka.

At may gana pa talaga na lapitan ako abnormal ba siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Wow sayo itong mall para umarte ka ng ganyan

"Neth sino siya kilala mo ba?" Tanong no Ellaine sakin napansin ata niya na napatigil ako dahil sa nakita ko yung dalawa hindi ko na alam kung nasan nauna kasi sila samin dahil gutom na daw sila

"Uhm yung aso lang sa bahay na tinirhan ko dati ngayon kasi pinaalis na ako eh"

"Ah mukhang aso nga" Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi niya or what eh

"What the ano sabi mo?"

"Bingi ka ba? Hindi ka ba naglilinis ng tenga gosh ang dugyot ha"

"Sir pwede po bang pakikuha na ng aso niyo nakakaabala po kasi siya eh thank you" sabi ko kay daddy wala din naman siya ng pakialam eh

"Tito wala ka man lang po bang gagawin?" Swerte mo kung meron

"Tama na yan Analyn umuwi na tayo" oh bakit hindi niya pinagtanggol

"Pero tito"

"Analyn I said umuwi na tayo pagod na ako pwede ba" ano ka ngayon

"Wag kasing tahol ng tahol napagalitan ka tuloy you deserve it bitch" pagtapos kung sabihin yun hinila ko na si Ellaine dahil mukhang hindi titigil yung babaeng yun kakatahol eh

"Bat ganun yun?"

"Wag mo na lang pansinin may sakit kasi sa utak yun eh"

"Ah ganun ba. Hanapin na natin yung dalawa"

Nung nahanap na namin yung dalawa ayun nasa loob na ng KFC.

"Bakit ang tagal niyo?" Tanong ni Grace

"May nakita kasi kaming aso kaya natagalan kami" sabi ni Ellaine natatawa ako sa kanya ang cute niya hahahahahaha

"Ano bang gusto niyo kayo na lang umorder" sabi ko sa kanila binigay ko na lang yung pera

"O sige ano bang gusto mo?" Tanong ni Than

"Kahit ano na lang bahala na kayo jan"

Pumila na silang tatlo ako na lang yung naiwan dito sa mesa namin.

Takte hindi ko akalain na masasabi ko yun sa harap pa talaga mismo ni daddy. Pero wala akong pake yun naman din yung ginusto niya eh ayaw niyang mabait ako eh bahala siyang bastusin ko siya nagsasawa na akong pakisamahan pa siya.

Pero takte kinakabahan ako baka maputulan ako ng allowance dahil sa sinabi ko.

"Anong iniisip mo jan?" Tanong ni Than kaya natingin tuloy ako dun sa pinilahan nila kanina nakapila pa yung dalawa

"Oh nakaorder na kayo?"

"Hindi pa sila na lang pinaorder ko wala kang kasama dito eh"

"Ah ganun ba"

"So ano nga yung iniisip mo jan at hindi mo namalayan na nandito na ako"

"Uhm wala yun"

"Baka naman yung sinasabi mong pogi nung nagbakasyon kayo" nakwento ko kasi sa kanila kanina yung lalaking yun sabi nga nila baka bakla daw yun eh

"Ha? Sira hindi nuh bakit ko naman iisipin yun ikaw talaga"

"Malay natin type mo pa la"

"Baliw wala akong panahon para jan"

"Okay sabi mo eh" natatawa siyang sabi parang hindi talaga siya convince sa sinabi ko

"Baliw hindi nga parang tanga naman eh"

"Bakit wala naman na akong sinabi ah"

"Bakit kasi ganyan ka kung makatingin?"

"Bakit ano ba ako kung tumingin"

"Ewan ko sayo bahala ka jan" nagcellphone na lang ako kesa tingnan pa siya nang-aasar lang din naman siya

"Oh bakit ang tahimik niyong dalawa anong nangyari?" Tanong ni Grace dala na nila yung food namin

"Wala naman parang baliw masamang manahimik" sagot ko

"Kumain na lang tayo" sabi ni Ellaine

"Mabuti pa nga para kasing baliw itong si Neth eh" ako pa talaga ngayon yung parang baliw saming dalawa eh siya kaya yun

Habang kumakain kami nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano hanggang sa natapos kami at nagstay muna kami ng kaonti bago umalis.

Tinanong ko sila kung saan yung sakayan papuntang hospital dahil nga sa hindi ko alam gusto pa nga nila akong samahan ang kaso ganito na masyado baka mapagalitan pa sila ng mga parent nila mahirap na.

"Sige alis na ako bukas na lang ulit tayo magkita bye"

"Mag-ingat ka ah text mo kami pagnakarating ka na dun" bilin pa ni Than

"Oo bye"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil hindi niya ako pinagsabihan kanina or ano eh syempre naman hindi ganun yung last na nangyari samin kaya hindi ko na inexpect pa na kakampihan niya ako dahil nga last time yung mukhang tuko na yun yung kinampihan niya.

Tired (Family Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon