Tatlong buwan na din ang nakalipas simula nung pumasok ako dito sa school na ito okay naman yung mga naging araw ako at ang dami ko na ding nakaka-usap na walang nanghuhusga sakin para na akong normal na estudyante ngayon dahil hindi ko na nararanasan yung pangbubully na dinanas ko dati.
"Neth dalian mo na at baka inaantay ka na ng Mama at Papa mo sa hospital" tawag sakin ni Nanay ngayon kasi yung monthly check up ko dahil nga sa may sakit ako sa puso kaya monthly akong may check-up tapos yung doctor ko naman mag-asawa simula bata pa lang ako Mama at Papa na tawag ko sa kanila dahil hanggang ngayon wala pa silang anak kaya ako yung itinuturing nilang anak nila. Sobrang mapagmahal sila yung pag-aaruga nila sakin hindi lang bilang doctor ko kundi bilang sariling anak na talaga. Nung unang beses nga na inatake ako sila palagi yung nakakasama ko dahil hindi ako dinadalaw ni daddy sa hospital nun pag matutulog na ako sila lagi yung nakabantay sakin lalo na pag wala silang nightship pareho lagi ko silang nakakatabi sa pagtulog tapos kinabukasan magpapaalam lang sila na uuwi muna para makapagpalit or what.
"Opo Nay patapos na po ako saglit na lang po"
Pagdating namin sa hospital binati lang ako nung mga nakakakilala sakin na mga nurse at pasyente dito dahil yung ibang mga pasyente dito matagal na din at dahil sa lagi din naman akong napunta dito lalo na tuwing wala akong ginagawa sa bahay minsan sasamahan lang ako nila Kuya o di naman ni Tatay dahil siya yung madalas kung kasama tapos si Nanay minsan lang pag wala siyang masyadong ginagawa.
"Ma, Pa namiss ko kayo" agad ko silang niyakap na dalawa
"Ikaw talagang bata ka ayos-ayusin mo yan kilos mo kababae mong tao eh" sita sakin ni Mama natawa naman sa kanya sila Kuya
"Ma naman eh"
"Saby tayong kakain ah wag ka munang umuwi dahil hinahanap ka ng mga bata dito" sabi ni Papa sakin
"Opo namiss ko na din sila eh"
Pagtapos ng check-up ko pumunta na agad ako sa room na mga pasyente na lagi kung binibisita. Ang swerte ko pa nga eh dahil kahit na may sakit ako nagagawa ko pang mag-aral samantalang sila halos dito na nakatira meron nga yung mga nakasabay ko pa nung naconfine ako eh hanggang ngayon nandito pa din sila. Sila din yung dahilan kung bakit lagi akong napunta dito para ikwento kung ano yung mga nagbago or nangyayari sa labas ng hospital tuwang-tuwa naman sila parati pag ganun kaya mas nagpupursige silang gumaling dahil daw gusto nilang makita kung ano ba talaga ang meron sa labas hindi yung lagi na lang daw sila sa kwarto nila or di kaya nagpapaikot sa loob ng hospital.
"Ate Neth!!" salubong ni Sarah sakin five years old pa lang siya may sakit na siya leukemia pero napakapositive pa din ng loob niya bago pa lang siya dito wala pang isang taon pero halos kaclose niya na lahat napakagiliw niya hindi mo nga mahahalata sa kanya na may sakit siya eh
"Oh dahan-dahan lang di ba sabi ko naman sayo na wag kang tumakbo baka mapagod ka niyan"
"Hindi naman po Ate eh sabi nga po ni Doc hindi na daw po ako katulad dati na sobrang hina" sagot niya sakin napakakulit talagang bata at pasaway pa minsan nga pagpapainumin siya ng gamot tatakasan niya pa yung nurse kaya tuloy halos mapagod na yung magulang niya kakahanap sa kanya tapos yun pa la nagtatago lang sa likod ng pinto ng CR.
Habang kumakain kami nila Papa, Mama at Kuya hindi ko mapigilang isipin na yung ngayon na kasama ko silang kumain para talaga kaming iisang pamilya. Siguro kung buhay si Mommy ganito din siguro kami ang kaso lang wala eh hindi ko mararanasan yung ganun dahil hindi ko naman tunay na pamilya sila Mama at Papa dati nga wish ko sana sila na lang yung magulang ko talaga dahil napakaalaga nila sakin hindi nila ako itinuring na pasyente nila dahil turing talaga nila sakin ay parang sarili na nilang anak
"Oh Neth kumain ka pa ito oh" sabi ni Mama at binigyan ako ng tilapia favorite ko kasi talaga ito eh lalo na pag prito tapos pag sa bangus naman kinilaw o di kaya paksiw minsan ko lang nakakain yun dahil s bahay hindi pwede yun dahil ayaw ni Daddy kaya pag sila Mama yung kasama kung kumain lagi akong busog na busog dahil paborito ko lagi yung nakakain ko ang spoiled ko nga pagdating sa kanila eh. Lagi kung winiwish na sana magkaanak na sila para naman kahit papaano malilibang sila puro na lang kasi sila trabaho eh. Baog kasi si Mama kaya hindi sila magkaanak siguro kung hindi lang ganun si Mama ang swerte ng magiging anak nila dahil meron siya mapagmahal at mapag-arugang magulang hindi tulad ng sakin na lagi akong nalulungkot dahil ni minsan hindi ako naalagaan ni Daddy. Ni hindi niya nga ako matawag na anak niya eh mahalin pa kaya ang panget lang ng buhay ko dahil may kaya nga kami sa buhay hindi naman ako kayang pahalagahan ng Daddy ko wala ding kwenta yun aanhin ko yung pera na kinikita niya kung wala siya pakialam sa anak niya hindi ba. Kung yung iba ang problema ay pera samantalang ako may pera nga wala namang halaga haysss bakit ang unfair ni lord bakit sa dami ng problemang ibibigay sakin ganito pa. May sakit na nga ako sa puso hindi pa ako mahal ng Daddy ko pero atleast maraming taong nandyan para pasayahin ako at alagaan na dapat ginagawa ng daddy pero sa ibang tao ko nakukuha.
Pag-uwi namin sa bahay agad na tinanong ni Nanay sila Kuya kung kumusta daw yung result.
"Uhm wala naman daw pong problema sa ngayon ipagpatuloy niya lang daw palagi yung pag-inom ng mga gamot niya tapos wag siya mayasdong magpagod dahil nga sa hindi kakayanin nung katawan niya" sagot ni Kuya Mark
"Opo Nay tapos po sabi ni Papa very good daw ako dahil nakikinig daw po ako at hindi ko pinabayaan yung sarili ko"
"Oo kaya ipagpatuloy mo lang yang ginagawa mo dahil baka sa susunod hindi ka na iinom ng napakaraming gamot" sabi ni Nanay
"Opo"
"O siya sige na magpalit ka na dun" sabi niya agad naman akong sumunod dahil nag-aya din sila Kuya na maglaro kami ngayon
"Kuya ang daya naman eh bakit lagi ka na lang nananalo" naglalaro kasi kami ngayon nung tekken kanina pa ako dito kahit isang beses hindi ako nanalo sa kanilang apat kanina pa nila ako kinakawawa
"Hindi naman ako nandaya ah hindi ka lang talaga magaling bleee" sabi ni Kuya Marco sakin at inasar-asar pa nila ako
"Sparing na lang kuya ayaw ko na maglaro neto" sabi ko sa kanila lahat kasi kami ay black belter na sa taekwando pero sila lumalaban sa competition samantalang ako pangself defense lang daw gustong-gusto ko din talaga sumali sa mga competition pero hindi nila ako pinapayagan dahil nga sa kondisyon ko. Bata pa lang kami pinasok na kami ni Daddy sa taekwando lesson siguro mga 3 years ata ako nun nung nag-umpisa akong magtaekwando. Masarap sa feeling pag may nakakasparing ako sa mga training namin dahil feel ko nasa competition ako palagi.
"Anong pinagsasabi mo jan hindi pwede. Hindi porket okay ka ngayon okay ka bukas kaya tigil-tigilan mo yang pag-aaya mo ng ganyan sa susunod na" sita ni Kuya Kenzo sakin sinimangutan ko na lang silang apat at ipinagpatuloy ko na yung paglalaro ko ang damot minsan lang naman eh. Naiingit kaya ako sa kanila sa tuwing nakikita ko silang nagpapractice ng taekwando lalo na pag may mga laban sila mas lalo lang akong naiingit dahil sana kung wala akong sakit nalaban na din siguro ako. Ang dami na ng mga medal nila na nakasabit sa bahay samantalang ako kahit isa wala.
"Uhm kuya gusto ko nga ice cream" sabi ko sa kanila bigla na lang kasi akong nagcrave sa hindi ko malamang dahilan
"Oh sige tara bili tayo" sabi ni Kuya Adrian agad naman akong tumayo dahil lalabas na naman kami
Pagtapos naming bumili agad kaming umuwi nagrereklamo nga siya dahil mauubos ko daw yung allowance niya dahil sa mga pinamili ko dahil ang sabi ko lang namn daw ice cream lang bibilhin ko tapos ngayon halos bilhin ko na daw yung paninda sa grocery
"Kuya naman minsan mo nga lang ako bilhan ng ganitong pagkain eh" sabi ko hindi kasi talaga nila ako pinapakain ng kung ano-ano lalo na pag junk foods
"Malalagot ako kay Kuya Kenzo at kay Manang nyan eh"
"Hindi yan kuya promise manghihingi din naman yun sila kuya tsaka hindi lang naman ang kakain neto eh kayo din naman ah"
"Oo na oo na sige na ako na magdadala neto sa loob" sabi niya agad naman akong pumasok dala yung Ice cream lang para hindi halatang yung kumuha nung mga pagkain na dala ni Kuya Adrian
BINABASA MO ANG
Tired (Family Series 2)
Teen Fiction[Family Series 2] Mahal ko siya pero bakit ganun ayaw niyang iparamdam sakin hindi ko alam kung mahal niya ba ako or what ang hirap. Hindi ako manghuhula para hulaan kung ano yung nararamdaman niya para sakin.