Natapos ko ang pagiging freshmen at sophomore ko sa pagiging home school actually hindi talaga home school dahil sa hospital ako napasok pero umuwi ako katulad ng uwi ko na parang normal lang para hindi mahalata nila kuya.
Pero kahit na nagpapagaling ako parang hindi na kinukuha ng katawan ko yung gamot dahil pakiramdam ko mas lalo akong nanghihina kahit na halos nakaupo lang ako or nakahiga buong araw minsan lang ako lumabas sa kwarto ko pag may story telling yung mga batang pasyente.
Gusto kung sabihin kila kuya pero natatakot ako ayaw kung madisappoint sila sa mga sarili nila dahil wala naman silang kasalanan ako lang naman lahat ang may gawa neto sa sarili ko alam kung hindi ko kakayanin pero pinilit ko pa din kaya ito na yung consequence na nakuha ko.
Lahat talaga ng bagay may hangganan kaya ang magagawa ko na lang ngayon is yung mas magkaroon pa ng time with them.
Tulad ngayon papunta kaming Manila dahil ngayon ang uwi ni Kuya Kenzo susunduin namin siya tutal weekends naman at pwedeng sa bahay nila lola muna kami magstay dahil hindi sila nakapunta samin dalawang taon na for christmas and new year.
Tuwing pasko at bagong taon kasi talaga sa bahay kaming buong mag-anak nagcecelebrate kahit na hindi naman talaga namin ka close yung mga kamag-anak namin sa daddy side actually both sides hindi ko nga alam kung bakit eh kahit na taon taon naman kaming nagkikita-kita siguro kasi iba yung kinalakihan namin.
Kaya lang naman talaga kami nagkaroon ng bahay sa batangas because of my mom dahil taga dito siya and ayaw niyang lumipat sa manila dahil daw sa magulo at hindi sariwa ang hangin based on my brother's story lagi kasi nila akong kinukwentohan dati tungkol kay mommy dahil nga wala naman talaga akong alaala sa kanya.
Na nagkakilala lang daw silang dalawa sa isang school event tapos simula daw nun naging close silang dalawa hanggang sa naging sila pareho nilang first ang isa't isa sa lahat ng bagay ang romantic lang kasi kahit na maraming struggle sa relationship nila naging matatag pa din sila para silang may kaya sa buhay ang kaso lang mas may kaya ang pamilya ni daddy kesa kay mommy nung una daw hindi naging maganda yung relationship nila sa parehong magulang pero kalaunan natanggap na din nila lolo at lola.
Pero ang nakakalungkot lang nawala si mommy na si daddy lang ang minahal pero ngayon ang daddy may ibang babae na.
Naiingit ako dahil buti pa yung mga sampid nakaramdam ng pagmamahal niya samantalang ako hindi na sarili niyang anak.
Pero thankful pa din naman ako dahil mahal ako ng mga kapatid at grandparents ko kahit na yung parents ni mommy matagal ng wala.
Tapos simula nung dumating yung mga bruha sa bahay hindi na namin nakakasama si daddy na pumunta sa puntid ni mommy tuwing death anniversary niya, birthday or kahit na anong okasyon wala na puro na lang yung mga sampid niya ang inaatupag niya.
"Neth hindi ka ba nagugutom?" tanong ni Kuya Von siya kasi yung driver tapos katabi niya si Kuya Marco habang yung katabi ko naman tulog puyat siguro dahil sa project na ginagawa niya.
Hindi ko alam kung anong ginagawa niya basta alam ko may project siya kaya hindi na muna ako napasok sa kwarto niya na trauma na ata ako dahil dun sa nangyari saking kahihiyan kaya sa tuwing may mga importante silang mga school work hindi talaga ako napasok sa mga kwarto nila dahil natatakot ako na baka masira ko na naman ulit eh mahirap na mas okay ng safe.
"Hindi naman po kuya kayo po ba?"
"Si Marco kasi nag-aayang kumain eh gusto mo ba?"
"Syempre naman kuya pagkain na yun eh. Kelan ba ako tumangi pag pagkain ang usapan"
"Told you kuya hindi yan magpapahuli pag sa kainan kahit nga kakakain lang nyan basta pag niyaya mo sasama eh ang takaw takaw kaya nyang babaeng yan saka na siguro titigil yan pag naging dambuhala na eh" sabi ni kuya Marco sa kanya
"Kuya naman eh sexy pa din naman ako ah"
"Sexy ka jan ang taba mo na kaya"
"Che ang panget mo kasi kaya wala nagkakagusto sayo dahil jan sa bunganga mo na parang sa babae eh ang ingay"
"Ang dami kayang may gusto sakin sobrang haba nga ng pila eh kaso sayang lang hindi ko sila gusto"
"Baka naman lalaki yung gusto mo kaya ayaw mo sa kanila hahahahahha" dahil sa sinabi ko natawa na din si Kuya Von
"Oo nga Marco bakla ka ba? Sabihin mo na tanggap pa naman namin kahit na ganun ka eh"
"Yuck kuya hindi ako ganun baliw ka ba"
"So bakit nga kasi wala pa kayong babae na dinadala sa bahay mga bakla ata kayong apat eh"
"Di ko pa priority yan sa ngayon wala pa akong budget para sa mga ganyan" sabi ni Kuya Von aba angas ah
"Ikaw kuya bakit wala pa?" tanong ko kay Kuya Marco
"Dahil mas gusto ko na ikaw muna yung babae sa buhay ko saka na yung iba. Dahil ikaw nga hindi ko maalagaan ng maayos maghahanap pa ako ng iba magpapractice muna ako sayo para pagdating ng tamang time alam ko na"
"Aba loko ka ah gagawin mo pa akong tester mo kuya"
"Hindi naman gusto ko kasi yung taong makakaintindi at maiintidihan ko"
"Ewan ko sayo babawiin mo din yan"
Pagdating namin sa airport agad naming nakita si Kuya Kenzo na kakalabas lang buti na lang at sakto lang yung dating namin ang tagal kasing kumain ni kuya Marco kanina eh.
"Kuya anong pasalubong mo?"
"Kakarating ko lang Neth yan agad tinanong mo hindi mo man lang ako niyakap pasalubong agad hinanap mo ang sakit ah"
"Syempre kuya hindi nuh"
"Sus kanina pa kaya niyan kuya bukang bibig kung ano yung pasalubong mo sa kanya" sabi ni Kuya Marco takte talaga netong damuhong ito
"See totoo nga"
"Wag kang maniwala jan kuya siya lang yun"
"Nagtatalo pa kayo lahat naman kayo yun talaga ang inaantay"
"Yun na bingo mo kuya so ano nga" sabi ni kuya Von
"Mamaya na pagdating sa bahay"
Habang nasa biyahe nagkwentohan lang kaming lima hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila Lola.
"Mamita namiss po kita" salubong ko sa kanya pagkapasok ko ng sala nila
"Anthonneth wag kang tumakbo" sigaw nila Kuya tsk OA
"Bakit hindi ka pa din ba magaling apo?"
"Uhm naku Mamita mas lalong lumala yung sakit nyan mas mabilis ng mapagod" sumbong pa ni Kuya Marco ang daldal talaga sarap putulan ng dila eh
"Opo Mamita sobrang tigas pa ng ulo hindi na nakikinig samin kahit sa doctor niya hindi nakikinig" sumbong pa ng isang damuho takte talaga
Yung mga kapatid ko lang talaga yung may bungangang ganito na daig pa yung babae sa sobrang ingay tapos napakasumbongero pa.
"Totoo ba yun Anthonneth bakit hindi ko alam yun?" tanong pa ni Kuya Kenzo tsk talaga naman
"Opo kuya"
"Hindi ka pa din nakikinig hanggang ngayon nakakapagpacheck-up ka pa ba?"
"Hindi na po Kuya"
"Ano?! Tapos kayong tatlo anong ginawa niyo pinabayaan niyo lang?"
"Kenzo wag mo ng pagalitan kakarating mo lang nagagalit ka na agad magpahinga ka na muna mamaya na natin pag-usapan yan" sheems buti na lang at nasave kami ni Lolo
Pero syempre wala pa din akong kawala sa sermon dahil si kuya tuloy-tuloy pa din habang yung tatlong ugok nag-isa-isa nagsialisan mga tukmol talaga.
BINABASA MO ANG
Tired (Family Series 2)
Teen Fiction[Family Series 2] Mahal ko siya pero bakit ganun ayaw niyang iparamdam sakin hindi ko alam kung mahal niya ba ako or what ang hirap. Hindi ako manghuhula para hulaan kung ano yung nararamdaman niya para sakin.