"Neth umahon ka na jan gabi na" sabi ni Ate Camille girlfriend ni kuya Ryan isa din sa mga childhood friends nila kuya pito kasi talaga yung mga childgood friends nila kaso nasa states pa si Kuya Andrew kaya anim lang yung kasama namin dito sila Kuya Carlo, Kuya Luis, Kuya Andie, Kuya Jules, Kuya Bryan tapos si Kuya Ryan tapos tatlo sa kanila may mga jowa na
"Opo saglit na lang po" nandito pa din kasi ako sa may dagat kanina pa nga ako pinapaahon nila kuya pero hindi ako nakikinig sa kanila kaya pinabayaan na lang muna nila ako habang si Ate Camille naman nagpresenta na bantayan ako kaya kaming dalawa lang yung nandito yung iba kasi tumutulong sa pagluluto eh.
Maya-maya din umahon na ako dahil nakakahiya na kay ate baka nababagot na siya kaya kahit na ayaw ko pa talagang umahon ginawa ko na lang sa pool na lang ako magbababad para wala akong abala
Nung pumasok na kami sa bahay dumeretso na agad ako sa pool dahil nga sa gusto ko pang magbababad sa tubig pinapagalitan nga ako ni Kuya Ken kanina dahil ng daw sa sobra na yung babad ko sa tubig tapos sobrang kulubot na ng kamay at paa ko pero kasi ang sarap ng tubig eh kaya wala na akong pakialam dun babalik din naman sa dati yan eh.
Nung patapos na silang magluto pinaahon na talaga nila ako dahil nga grabe na daw yung pagkababad ko. Kaya sumunod na din ako hindi na nga lang muna nila ako pinagbanlaw agad dahil nga malapit na kaming kumain at hindi ako masasamahan nila kuya kaya mamaya na lang daw pagkatapos naming kumain ako magbanlaw.
"Oh Neth kumain ka ng marami ah hindi ka kumain kanina ng tanghalian" bilin ni Kuya Von
Sobrang nawili kasi ako kanina kaya hindi na ako nakakain ng tanghalian napagalitan tuloy ako dahil hindi ko nainom yung gamot ko sa tamang oras dahil hapon ko na nainom yun mga gamot ko.
"Opo kuya"
After naming kumain pinaakyat na nila ako dahil baka daw magkasakit ako kasama ko si Kuya Adrian ngayon dahil siya naman yung magbabantay sakin ito talaga yung pinakaayaw ko lalo na pag kasama yung mga bago nilang kaibigan tapos nasa iisang lugar kaming lahat lagi talaga silang nakabantay kaya nasanay na ako kahit na puro ako reklamo dahil nakakailang din aba tapos para lang silang timang dun sa labas ng pinto ng CR na nakabantay sakin akala mo aso eh pero joke lang nagmamalasakit lang sila sakin kaya mahal na mahal ko yang mga yan eh.
Pagtapos kung maligo bumaba na din si Kuya kasi nga may inuman sila at dahil hindi pa ako pwede ako lang mag-isa dito ayaw na kasi nila ako pababain eh kasi ng halos lalaki daw sila doon kaya mas okay daw na dito lang ako sa kwarto ko
"WAAAAAAAAAAAAAH!!! KUYAAAAAAA!!" naiiyak na ako dahil nagising na lang ako na hinihimas nung isa sa kaibigan nila Kuya yung braso ko
"Wag kang maingay" bulong niya sakin
Takot na takot na ako ang alam ko bago ako natulog nilock ko yung pinto kaya paano siya nakapasok dito
"KUYAAAAA---" tapos tinakpan niya na lang yung bibig ko tapos sinampal niya ako. Kuya please bilisan niyo ayaw ko ng ganito kuya
"Sumunod ka na lang sa mga gagawin ko sayo para hindi ka na masaktan pa" tapos kunti-konti niya akong binibitawan kaya naghanap na ako ng tempo para masipa ko siya ng tuluyan.
Nung binitawan niya ako saglit agad akong kumilos para sipain siya sa private part niya nung nakalayo siya sakin ng konti agad akong lumabas sa kwarto ko at kinatok sila kuya
"KUYA!! KUYA BUKSAN NIYO YUNG PINTO PLEASE!!" sigaw ako ng sigaw wala na akong pakialam kung magising pa yung iba dahil takot na takot na ako
"KUYAAAAAAAAAA!!" sigaw ko at mas malakas na at kinalabog ko yung pinto nila dahil nakatayo na yung lalaki at naglalakad na siya papunta sakin kaya kinatok ko pa ng malakas yung kwarto nila kuya at yung iba pa dahil baka pag hindi ako gumalaw mahawakan niya ulit ako at ayaw ko namang mangyari ulit iyon
Buti na lang at may nagbukas na din sa wakas ng pinto si Ate Rona.
"A-a-ate tulungan mo po ako please pagsasamantalahan ako nung lalaking yun oh" naiiyak kung sabi sa kanya agad naman niya akong pinapasok sa kwarto nila at ginising si Kuya Jules halatang mga lasing sila kaya siguro hindi nagising sila kuya dahil sa sobrang kalasingan
"Wag ka ng umiyak Neth gigisingin na ni Jules yung mga kuya mo at baka nay mangyari pa sayo kung hindi ka titigil sa pag-iyak mahihirapan ka na namang humingan niya" sabi niya sakin habang inaalo niya ako
"Ate b-b-bakit po siya ganun?"
"Akala niya siguro ikaw si Jove kaya ganun"
"Hindi po ate eh ang sabi niya po sakin kanina wag daw po akong maingay tapos sundin ko lang daw po yung mga gagawin niya sakin ate natatakot po ako baka ulitin niya po yun"
"Hindi na namin hahayaan yun kaya tahan na ang panget mo tingnan mo. Bakit ba napakatagal naman nun ni Jules sandali nga lang Neth titingnan ko lang sa labas" hindi naman ako pumayag na maiwan kaya sinundan ko na lang siya dahil natatakot pa din ako hanggang ngayon nauuhaw na nga ako pero ayaw kung kumuha si ate ng tubig at maiwan ako dito
"Uhm ate pwede po bang wag niyo ng sabihin sa kanila kuya yung mga sinabi ko sa inyo na sinabi sakin ni Kuya Jayrick baka po kasi kung ano pa yung mangyari sa kanya eh"
"Ikaw talaga bakit ba kasi ang bait mo kaya ka inaabuso eh. Oh sige pwede pag nalaman yan ng mga kapatid mo siguradong mayayari tayong dalawa"
"Putang ina Rick pinagkatiwalaan ka namin tapos ganito lang gagawin mo sa kapatid ko gago ka" rinig kung sabi ni Kuya Von sa labas tapos pagbukas ng pinto ni Ate nakita namin na binubugbog na nila si Kuya Jayrick
Habang si Kuya Jules naman inaawat sila kuya dahil kawawa na yung mukha ni Kuya Jayrick dahil sa mfa suntok nila
"HOY ANO BA YAN IMBES NA UNAHIN NIYONG KUMUSTAHIN YUNG KAPATID NIYO KUNG AYOS LANG BA SIYA MAS INUNA NIYO PA YANG BWISET NA YAN ANO BA KENZO IKAW YUNG MATANDA UMAYOS KA TINGNAN MO NGA YANG SI ANTHONNETH IYAK NG IYAK TAPOS KAYO DITO NAGRARAMBULAN" malaks na sabi ni Ate kaya nagsilabasan na din yung mga nasa ibang kwarto dahil sa ingay niya
"Oh bakit ang ingay niyo magpatulog naman kayo" sabi ni Kuya Carlo
"Ano ba yan Rona anong meron?" sabi naman ni Ate Camille
"YANG KAIBIGAN NIYO PAGSABIHAN NIYO MUNTIK LANG NAMAN NIYANG GAHASAIN SI ANTHONNETH"
"ANO?!!" sabay-sabay nila lahat na sabi kaya mas lalo pa tuloy nilang dinumog si kuya jayrick tapos sila kuya naman lumapit na sakin dahil sa hindi pa din ako tumitigil sa kakaiyak at nararamdaman ko na naman na nahihirapan na akong huminga
"Marco kumuha ka ng tubig bilisan mo" utos ni Kuya Adrian sa kanya
"Neth doon ka na lang muna sa kwarto namin halika na" sabi ni kuya Kenzo sakin atsaka niya ako binuhat
"Pero kuya patigilin niyo na po sila kawawa naman po si Kuya Jayrick"
"Pwede ba Anthonneth hayaan mo siya hindi biro yung ginawa niya sayo kaya dapat lang sa kanya yun" sabi ni Kuya Von hindi pa din siya nahihimasmasan hanggang ngayon mararamdaman mo pa din sa kanya kung gaano siya kagalit
"Pero kuya hindi naman ata tama yung ginawa niyo sa kanya sobra na iyon eh" kaya ayun pinatigil na din nila sila kuya Carlo at yung iba tapos yung mukha ni Kuya Jayrick sobrang kawawa hindi mo na halos makilala dahil sa pinaggagawa nila
"Okay na ba halikana sa loob" sabi ni Kuya Kenzo agad din naman niya akong binaba sa higaan at lumabas si Kuya adrian para daw kuhanin yung gamot ko
BINABASA MO ANG
Tired (Family Series 2)
Fiksi Remaja[Family Series 2] Mahal ko siya pero bakit ganun ayaw niyang iparamdam sakin hindi ko alam kung mahal niya ba ako or what ang hirap. Hindi ako manghuhula para hulaan kung ano yung nararamdaman niya para sakin.