Ang sarap talagang gumising na ganito kaganda ang tanawin na makikita mo. Sa kwarto ko kasi pag hinawi mo ang kurtina makikita ko yung dagat na asul na asul ang ganda kasi tapos ang payapa pa ng pakiramdam at dito din kasi makikita mo yung paglubog ng araw at sa kwarto ko lang makikita yung dagat actually kay kuya adrian talaga ang kwartong ito pero nung seven years old ako nakipagpalit ako ng room sa kanya kasi ang ganda ng view dito sa lugar na ito yung gilid kasi ng bahay namin sa tabing dagat na. Nung una ayaw pa niya pero dahil sa kapipilit ko ayun ibinigay niya na sa akin.
Ngayong araw ko balak mag-enroll dahil pagpinatagal ko pa ito baka hindi na ako tanggapin ng school na lilipatan ko. Pero hindi ko pa sinasabi sa kanila kuya at daddy yung desisyon kong lumapit sa public school. Nagbabakasali kasi ako na baka dun tumaas yung mga grades ko na bka para dun talaga ako na hindi talaga ako bagay sa private school at baka doon magkaroon na ako ng kaibigan paglumipat ako.
Ang daming what if's sa isip ko na gusto kung malaman yung mga sagot na gusto ko ng bagong experience sa buhay ko na dun ko gustong maranasan.
Pagkatapos kung magbihis bumaba na ako para kumain kasi kanina ko pa naririnig yung katok sa pinto ng kwarto ko at sana lang talaga payagan ako nila daddy at kuya sa gagawin ko pati na din si nanay.
"O Nak umupo ka na" sabi ni nanay pag ka dating ko
"Bakit bihis na bihis ka? May lakad ba ulit kayo?" tanong niya sa kanila kuya
At nagsimula na siyang kumaha ng kakainin niya
"Wala po dad ngayon po kasi ako mag-eenroll eh tsaka po mas sasabihin din po ako sana lang po wag kayong magalit" sagot ko
"Hindi pa naman araw ng enrollment sa school niyo di ba? At bakit naman ako magagalit may gagawin kabang hindi maganda?"
"Oo nga Neth wala pang-enrollment next week pa yun ah" sabi ni kuya Von
"At sabi ko pwede ka naman na sumabay samin na mag-enroll eh" pahabol pa niya
"Kasi po kuya at daddy ayaw ko na po dun mag-aral gusto ko na po sa public school dun sa Cavite"
"Ano Neth nababaliw ka na ba?" reklamo ni kuya Marco
"Ano? Bakit ka lilipat maganda naman doon ah atsaka sa dinami-dami ng school public pa talaga ang gusto mong pasukan atsaka iba yung mga makakasama mo dun baka mahirapan ka lang"
"Tama si daddy Neth iba yung environment dun at sobrang layo ng Cavite dito satin baka mahirapan ka lang at lalo na yung pasok dun ay buong araw baka hindi kayanin ng katawan mo Neth. Alam mo namang hindi pwede yun hindi ba" concern na tugon ni kuya Kenzo
"Pero kuya gusto ko dun sana naman po payagan niyo po ako kasi malay niyo po dun ako makahanap ng kaibigan ko"
"Hindi ka mag-aaral dun Anthonneth" final na sabi ni daddy sakin
"Pero dad gusto ko lang naman matry doon eh kasi baka para doon talaga ako"
"Bunso wag ng matigas yung ulo makinig ka na lang samin"
"Tama ang daddy mo nak mahihirapan ka dun kasi iba doon ibang-iba sa kinasanayan mo kaya wag mo ng ipilit na doon mag-aral"
"Pero nanay parehas lang naman na school yung papasukan ko di ba anong mali dun huh daddy, kuya bakit yung anak ni tatay Arthur sa public naman nag-aaral pero okay lang naman siya ah. Tapos si Kuya Kenzo at Kuya Von sa State University nag-aaral eh di ba public naman din yun. Bakit ayaw niyo akong payagan mag-aaral lang naman ako eh"
"Magkaiba kasi kayo Anthonneth mas maraming tao sa loob ng campus sa public at sa classroom niyo lalagpas kayo sa 40 baka hindi mo kayanin atsaka maiinit din dun"
"Tsaka yung samin wag mong ikumpara dahil matanda na kami ikaw bata pa" sabi ni Kuya Von
"Pero daddy yun yung gusto ko kung hindi niyo ako papayagan lalayas na lang ako dito"
"Anthonneth ano ba yang pinagsasabi mo ang bata-bata mo pa yan na yung iniisip mo makinig ka na lang samin pwede ba wag kang selfish dahil wala maidudulot na maganda sayo yan" galit na tugon sakin ni Nanay
"Bakit ba kasi ayaw niyo po akong payagan hindi ba pwedeng suportahan niyo na lang ako sa gusto kung gawin promise po magpapakabait na ako at susundin ko na po kayo please daddy, nanay at kuya ibigay niyo na sakin ito atsaka lagi naman akong susunduin ni tatay eh pwede ding sila kuya na lang yung sumundo sakin minsan para malaman nila kung okay lang ba ako sa school" pagmamakaawa ko sa kanila
"Dad payagan muna na wala naman ding masama kung doon siya mag-aaral ang kaso lang malayo yun bunso pwede namang dito na lang sa malapit ka lumipat ng bakit sa Cavite pa. Papayag lang ako kung dito lang din sa Batangas ka mag-eenroll nangkakaintidihan ba tayo?" sabi sakin ni kuya Kenzo
"Opo kuya dito na lang ang mag-aaral thank you talaga kuya Ken" sabi ko at tumayo ako para yakapin siya
"Pumapayag na ako pero tuparin mo yung pangako mo Anthonneth Marie dahil baka magbago yung isip ko"
"Opo daddy thank you po"
"O siya kumain na tayo at sasamahan ka namin na mag-enroll para na din makita namin yung papasukan mo" sabi ni Kuya Marco
At nagsimula na kaming kumain. Sa sobrang excited ko kaunti lang yung kinain ko
"Kuya dalian niyo na baka madami yung nag-eenroll ngayon" ang tagal kasi nilang magsikilos eh
"Tara na mga kupal" sigaw ni kuya adrian habang pababa silang ng hagdanan
"Bakit ba kasi ang tagal niyo kuya baka hindi na nila ako tanggapin pagnalate ako" reklamo ko sa kanila
"Wag kang mag-alala Neth maaga pa" sabi ni kuya Von sabay akbay sakin
"Kompleto na ba yang mga requirements mo?" tanong ni Kuya Ken
"Opo kuya kagabi ko pa po ito inayos"
"Ay kuya try kaya natin dun sa Lipa pumunta" suggest ko sa kanila
"Malayo ang Lipa satin Neth kaya hindi pwede" sagot naman ni kuya Adrian
"Sa San Juan tayo pupunta Neth maliwanag ba yun?" tugon ni kuya Ken
"Opo"
-----
Sa sobrang dami ng school na pinuntahan namin nakapili na din sila. Ang una kasi nila ginagawa ay yung pag-iikot sa loob ng campus chenicheck daw nila kung safe ba yung mga dadaanan na kung may malaking hallway habang nasa biyahe nga kami lagi kaming nagtatalo sa tuwing aalis kami sa school dahil lang sa hindi nila gusto pakiramdam ko tuloy tapos na yung enrollment dahil sa sobrang tagal nilang pumili na akala mo naman sila yung papasok doon.
"Hayss salamat naman kuya at nakapili na kayo tara na samahan niyo ako doon sa register office" sabi ko sa kanila
Buti na lang talaga hanggang hapon yung enrollment dito sa school na ito ayaw ko kasing pabalik-balik eh nagkaka-ubos oras lang kasi yun na sinasayang ko lang yung oras ko
Pagkadating namin sa register office may pinafill-upan sakin na paper at pagtapos nun sinabi sakin na babalik na lang ako sa brigada tapos nun umuwi na kami.
"Kuya nagugutom ako" sabi ko kay kuya Marco
"Bakit kasi ang konti lang ng kinain mo kanina sa bahay na tayo kumain maglulunch naman na eh. Kuya Ken magdrive thru tayo sa malapit nagugutom daw si Neth"
Pagkadating namin sa bahay kinamusta agad ni nanay kung okay daw ba yung school at maayos din ba yung mga estudyante doon.
At patapos namin kumain nag-aya sila kuya na pumunta kami sa park para daw magpicnic.
Grabe ang saya talaga na ganito kaming pamilya parang nakalimutan ko lahat ng dahil sa kanila kuya at pakiramdam ko konti-konti ko ng nararamdaman na may paki-alam na sakin si daddy na baka sa susunod maramdaman ko na din na mahal niya ako.
BINABASA MO ANG
Tired (Family Series 2)
Teen Fiction[Family Series 2] Mahal ko siya pero bakit ganun ayaw niyang iparamdam sakin hindi ko alam kung mahal niya ba ako or what ang hirap. Hindi ako manghuhula para hulaan kung ano yung nararamdaman niya para sakin.