Punyeta naiiyak ako sarili kung kwarto kukuhanin lang ng hampas lupang tuko na yun.
"Ano ba naman yan inaantok na ako oh hindi pa ba kayo tapos jan" pag hindi talaga ako makapagpigil dito sa lintek na ito makakatikim ito sakin ngayon
"Mukhang hindi mo magagamit ngayon itong kwarto KO madam marami pangkailangang linisin oh nakikita mo ba"
"Hindi pwede kailangan matapos niyo na yan ngayon din"
"Wow demanding feeling bahay sa inyo ito nakikitira ka lang din naman lakas mong makautos ah. Wala ba kayong bahay at nakikisiksik kayo ng nanay mo dito kapal ng mukha"
Ayun ang walang hiya sinugod ako anong akala niya siya lang ang marunong eh mukha naman siya unggoy. Ang kapal ng mukha di ba siy pa yung mah karapatang manugod eh nakikitira lang naman sila ng nanay. Hampas lupa ba sila bakit dito pa sila makikitira wala ba silang bahay or wala silang pangbayad ng rent ghad nakikisiksik pa dito eh.
"Mam tama na po yan baka paano pa po kayo" sabi ng isa sa katulong namin at pilit kaming inaawat
Hanggang sa nasipa ko yung mukhang tuko kaya siya napabitaw punyeta yung buhok ko.
Susugod pa ulit sana siya nung biglang nagsalita si daddy kaya ayun nagdrama na naman si tuko.
"Anong nangyari dito?" tatanong pa talaga obvious naman siguro nakita niya na nga na susugudin ako nung sampid niya eh o my bad ako nga pa la yung sampid.
"Tito sinipa po ako niyan" aba ang galing pavictim ang tuko
"Bakit po kayo nakatingin sakin Sir? Hindi niyo po ba ako papalayasin nasipa ko po yung anak niyo lalayas na lang po ba ako ng kusa or what sabihin niyo na po tutal nakaayos naman na yung iba kung gamit or should i say wala pa la dapat akong aayusin dahil wala naman akong mga gamit talaga"
"Tama po siya Tito palayasin niyo na lang po siya" aba ginatulan pa
"Ate sa inyo na lang po yan hindi naman po akin yan eh pakitago na lang po ng mga pictures ko. Babalikan ko na lang po sa susunod kung makakabalik pa ako" at umalis na ako bitbit ko lang yung binili nila Mama sakin.
Nandun pa kaya sila sa hospital ngayon? Sana naman ang layo kasi ng bahay nila dito samin samantalang yung hospital malayo-layo lang ng kaonti.
"Ma nasa hospital pa po ba kayo?" bungad ko agad dahil ayaw ko ng magtagal pa dito at may pasok pa ako bukas
"Nandito pa bakit may problema ka ba?"
"Uhm pwede po bang sunduin niyo ako ngayon sa bahay pinalayas po kasi ako eh or kung busy po kayo antayin niyo na lang po ako jan kay kuya na lang po ako magpapahatid kung okay lang po"
"Anong pinalayas? Sige magpahatid ka na lang magpasyente pa ako ngayon eh"
"Sige po ma i love you po"
"I love you too bye na antayin kita dito ah"
Pagkatapos nung tawag agad akong pumunta sa kwarto ni kuya kenzo buti na lang at nandito siya akala ko kasi tuluyan na siyang lumayas kanina eh.
"Kuya hatid mo po ako sa hospital"
"Bakit anong problema? Nahihirapan kabang huminga?" hinihingal pa kasi ako dahil tumakbo ako paakyat
"Hindi po kuya pinalayas po kasi ako ni daddy eh kaya kila Mama po muna ako mag-sstay"
"Bakit anong nangyari anthonneth? Bakit ka pinalayas ano bang ginawa mo?"
"Sinipa ko yung anak nung babaeng yun then tinanong ko siya kung papalayasin niya na ba ako hindi man lang siya sumagot so sa isip-isip ko it means yes kaya ngayon aalis na ako. Dalian mo na kuya may pasok pa po ako bukas tsaka nag-aantay na po si Mama sakin dun"
"Sigurado ka ba talaga jan?"
"Opo nga. Tsaka bakit nakalabas itong mga gamit mo kuya lalayas ka na din ba?" nakakalat kasi yung mga damit niya sa higaan niya then may malaking bag pang nakalabas. Hindi naman siya makalat sa mga gamit niya okay pa yung si Kuya Von at yung kambal talagang makalat yung mga yun pero si kuya Kenzo hindi eh sobrang organize nung mga gamit niya
"Hindi naman ako lalayas pero dun muna ako kila Bryan"
Hindi niya pa din siguro matanggap sino din ba kasing tao ang matatanggap agad yun ni ako nga pinalayas na eh mas pinili pa ni daddy yung mga yun kesa samin na anak niya or kahit para sa kanila kuya lang eh dahil wala lang naman talaga ako para sa kanya.
"Tulungan mo na lang ako dito para makaalis na tayo"
Bakit kaya niya nagawa yun wala na ba talaga kaming kwenta para sa kanya hindi niya ba naisip kung anong mararamdaman namin bilang anak niya or kung anak pa ba talaga ang turing niya samin.
Sobrang sakit eh hindi po pa alam kung anong reason niya bakit ganito siya sakin then may dumagdag na naman at worst nagawa niya akong palayasin sa kwarto ko hindi lang pa la sa kwarto kundi sa mismong bahay na. Mas importante pa ata yung mga lintang yun sa kanya eh.
"Oh bakit ka umiiyak?" tanong ni kuya kaya kinapa ko yung mukha at sheeems hindi ko man lang namalayan na tumulo na yung luha ko.
"Uhm wala po kuya hindi lang po talaga ako makapaniwala na gagawin ni daddy ito kasi hindi po ba mahal na mahal niya si mommy then now may ibang babae na siyang dinala dito"
"Wag mo na lang intindihin yun kahit ako hindi ko din alam kung ano ba yung nangyayari sa kanya"
"Pero kuya hindi ka nga niya pinakinggan kanina eh. Mas importante pa sa kanya yung mga yun siguro nga isa-isa na nila tayong paaalisin dito eh"
"Hayaan muna once na hindi pa napapaalis yang mga yan hindi ako babalik dito kaya ikaw pabayaan mo na lang muna si daddy marerealize niya din kung ano yung ginawa niya. Kaya sa ngayon dun ka muna sa bahay ni Doctora kasi mukhang hindi ka magiging safe pag dito ka nanatili"
"Eh paano ka kuya papasok ka pa ding ba sa company ni daddy?"
"Hindi muna saka na pag umokay na ako"
Naaawa ako sa kanila kuya kasi hindi naman kasi talaga sila ganito nila daddy eh pag magkakasama nga sila para lang silang magkakapatid eh. Tapos ngayon ganito yung nangyayari sa kanila kasi sakin okay lang naman pero pag sa kanila na iba eh yung feeling sobrang panget na talaga ng pamilya na meron kami.
Sa sitwasyon namin ngayon mas lalo akong naiingit sa ibang pamilya.
Lagi na lang ba akong makakaramdam ng ganito gusto ko lang naman na maging okay kami ni daddy pero bakit parang ang worst na ng mga nangyayari samin hindi ba talaga kami pwede maging masaya as a family. Sobrang hirap ng ganito eh padami ng padami yung mga problema na dumadating sakin nung mga nakaraang taon muntik na akong marape then now ito yung mangyayari sa family ko.
I always felt na hindi ko deserve na maging masaya dahil sa mga nangyayari sakin minsan nga naiisip ko bakit sakin nangyayari ito may sakit na nga ako sa puso tapos wala pa akong totoong nanay na mag-aalaga sakin then ito pa yung mangyayari sakin parang sobra na masyado itong sakit na nararamdaman ko hindi ko na kinakaya malapit na akong bumigay sa totoo lang.
Ni minsan nga hindi ko naranasn yung mga ginagawa nung mga ibang bata eh kahit yakap ni daddy hindi ko pa nararamdaman tapos ngayon makikita ko siyang ganun yung trato sa ibang tao sobra na talaga eh hindi na biro yung ganito masakit na talaga siya sobrang sakit
BINABASA MO ANG
Tired (Family Series 2)
Novela Juvenil[Family Series 2] Mahal ko siya pero bakit ganun ayaw niyang iparamdam sakin hindi ko alam kung mahal niya ba ako or what ang hirap. Hindi ako manghuhula para hulaan kung ano yung nararamdaman niya para sakin.