Tatlong linggo na lang pasukan na naman pero hindi pa din ako makatulog ng maayos dahil sa lagi na lang akong na nanaginip ng ganun hindi siya mawala-wala lagi nga akong pinipilit nila kuya na punta na kami sa psychiatrist pero ayaw ko talaga dahil baka pag nalaman yun ni daddy mapapagalitan lang niya ako ayaw ko na naman lagi niya akong pagalitan.
Hindi na din sila kuya lumalabas kasama yung mga kaibigan niya hindi tulad dati na halos sa isang linggo tatlong beses or higit pa sila umaalis simula nung nangyari sakin yun hindi na sila sumasama sa gala nila dito lang sila parati sa bahay minsan naman pumupunta lang sila kuya Luis dito sa bahay pero yung mga bago nilang kaibigan hindi ko nakikitang pumunta dito sa bahay. Wala na din akong balita dun kay kuya Jayrick simula nung umuwi kami galing bataan.
Tapos hanggang ngayon magkakatabi pa din kaming natutulog na lima dahil nga sa kondisyon ko nagtataka na nga sila Nanay pati yung ibang katulong sa bahay dahil hindi naman kasi talaga namin gawain yun magkakapatid. Si daddy naman as usual wala pa ding pakialam okay na din yun para hindi na magsinungaling sila kuya nang dahil lang sakin.
"Neth anong gusto mong kainin?" tanong ni kuya Kenzo bibili daw kasi sila sa mall hindi ko alam kung ano.
"Kahit ano na lang po kuya wala akong maisip na pagkain"
"Sumama ka na lang kasi para makapili ka" sabi ni Kuya Marco kanina pa sila ganyan eh sa tinatamad nga kasi ako eh wala din naman akong gagawin dun magpapagod lang ako
"Ayaw ko kuya kayo na lang wala naman din po akong gagawin dun eh"
"Bahala ka"
Pag-alis nila umakyat muna sa kwarto ko para magpalit ng pangswimming kanina ko pa kasi talaga gustong magswimming kaso sila kuya ayaw akong payagan ito din ang dahil kaya ayaw kung sumama sa kanila na pumunta sa mall
"Pinagbawalan ka ng mga kuya mo maligo Neth hindi ba" sabi nung isang sa mga kasama namin dito sa bahay
"Hayaan niyo na po sila ate jan lang naman po ako sa pool eh"
"Baka pagalitan ka ng mga yun pag nakauwi na sila"
"Wala na naman na po silang magagawa nandun na po ako eh"
"Ikaw talaga sige na dun ka muna maglilinis lang ako saglit ano bng gusto mong kainin"
"Wala naman po ate tsaka po sabi naman po nila kuya bibilhan nila ako eh"
Ang tagal naman nila kuya magta-tatlong oras na sila dun ah ano kaya yung mga binili nila.
"Neth umahon ka na jan" sabi ni Nanay
"Opo nay"
Pagkaanhon ko inabotan niya agad ako ng tuwalya tapos yung damit ko na pamalit kaya pumunta na ako dun sa may banyo namin dito malapit sa pool dahil ayaw ko ng magkalat pa dun sa loob.
Grabe naman sila kuya natapos na ako lahat-lahat magbihis at magpatuyo ng buhok wala pa din sila hanggang ngayon baka napaano na yung mga yun dun sobrang tagal naman kasi nila.
"Nay bakit ang tagal po nila kuya? Ano po ba yung binili nila?"
"Abay hindi ko alam wala naman silang sinabi kung anong bibilhin nila doon"
Bahala na nga sila nagugutom na ako eh napakatagal kasi eh.
"Oh nandyan na ata sila salubongin mo na" sabi ni nanay nung may narinig kaming tunog ng sasakyan.
Kaya agad akong tumakbo palabas dahil baka sila kuya na yun.
"KUYAAA--!" sigaw ko pa pero hindi pa la sila yun dahil si daddy pa la kaya agad akong napatigil nung nakita ko siyang lumabas ng kotse.
"Bakit po ang aga niyo Dad?" tanong ko pero tiningnan niya lang ako at hindi sinagot dire-diretso lang siyang pumasok sa loob ng bahay na parang hangin lang ako na dumaan lang saglit tapos wala na.
"Oh bakit nakasimangot ka? Napagalitan ka ba?"
"Uhm hindi po nay. Sige po akyat na po ako inantok po kasi ako bigla eh sa kakaantay kila kuya"
Pagpasok ko sa kwarto ko agad na naman tumulo yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Okay naman ako kanina eh pero bakit ganito ako ngayon umiiyak para namang hindi pa ako nasanay kay daddy eh lagi niya namang ginagawa sakin yun minsan niya lang ako kung kausapin. Mas okay pa nga ata siguro kung lagi ko siyang galitin eh para naman kahit paano may kwenta itong istorya kung ito hindi ba napakakawawa ko naman kasi ang hirap ng maging mabait na anak sa kanya kung ganito lang din pa la yung makukuha kung trato ng sarili kung ama bakit yung ibang tao nakikita yung halaga ko siya hindi eh.
Kung hindi lang talaga siguro ako matatag baka matagal ko na siyang sinukuan dahil sa ginagawa niya sakin para talagang hindi niya ako anak eh buti pa sila kuya nakakasama si daddy samantalang ako sa hapag kainan lang minsan hindi pa katulad ngayon ayaw ko na namang sumabay sa kanila kumain dahil napahiya na naman ako sa daddy.
Sa kakaiyak ko hindi ko namalayan na nakatulog na pa la ako. Nagising na lang ako kinabukasan na ginising ni nanay dahil nga ngayong araw din yung check up ko madalas na din kasi akong inaatake eh dahil din sa hindi ako nakakatulog ng maayos lately and then I always felt nervous everytime na pumapasok sa isip ko yung nangyari sakin.
"Bumangon ka na jan Neth naghihintay na Papa at Mama mo dun sa hospital sayo anong oras na oh"
"Sino pong maghahatid sakin nanay?"
"Aba malamang ang mga kuya mo. Bakit may problema ba nagtatampo ka ba dahil kahapon?"
"Wala lang po nay sige na po bumaba na po kayo ako na po dito mamaya na lang po ako kakain"
"Sige ano bang gusto mong kainin?"
"Kahit ano na lang po"
"Sigurado ka wala ka talagang gustong kainin?"
"Opo nay sige na po baba na po kayo baka po inaantay na po nila kayo dun" baka kasi hindi pa sila kumakain eh ayaw ko lang na magalit si daddy kung sakali man. Ayaw ko ding muna sumabay sa kanila nagtatampo lang din kasi ako sa kanila kuya dahil nga sa sobrang tagal nila kagahapon dumating then hindi man lang nila ako ginising nung dumating sila nag-antay pa man din ako.
Nung nakababa na ako nandoon na silang lahat sa may sala namin kakatapos lang siguro nilang kumain.
"Neth kumain ka na para makaalis na kayo" sabi ni nanay kaya pumunta na ako sa kusina namin para kumain ipagluluto pa sana nila ako pero dahil sa may tira pa namang pagkain sa mesa yun na lang din yung kinain ko dahil ayaw ko namang makaabala pa sa kanila dahil may iba pa din silang gagawin.
"Mama pwede po bang dito muna ako?" kakatapos lang kasi ng check-up ko
"Oo naman bakit hindi"
"Pwede po bang kayo na lang ang magsabi sa kanila kuya na dito muna ako ma?"
"Bakit nag-away ba kayo?"
"Hindi po ayaw ko lang po lumabas baka po kasi hindi sila pumayag eh"
"O siya sige dito ka na muna lalabas lang ako saglit"
Balak ko din kasi na sa kanila Mama ako matutulog ngayon kagaya ng dating ginagawa ko hindi ko na din kasi sila nakakasama eh kaya din may dala akong damit dahil wala silang night shift ngayon so uuwi sila dun sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
Tired (Family Series 2)
Teen Fiction[Family Series 2] Mahal ko siya pero bakit ganun ayaw niyang iparamdam sakin hindi ko alam kung mahal niya ba ako or what ang hirap. Hindi ako manghuhula para hulaan kung ano yung nararamdaman niya para sakin.