"Neth bakit mo ba tinago samin yun?"
"Kuya hindi ko naman talaga gustong itago yun eh"
"But still tinago mo pa din akala ko ba magkakampi tayong lahat bakit mas pinili mong wag magtiwala samin Anthonneth kapatid mo kami kaya kailangan sabihin mo samin kung ano yung mga nangyayari sayo paano na lang kung may masamang nangyari sayo tapos hindi namin alam ano kaya sa tingin mo ang mararamdaman namin"
"I'm sorry kuya hindi ko naman po talaga gustong itago sa inyo eh. Hindi ko lang po talaga alam kung paano ko sasabihin"
Umalis muna si Kuya dahil tatawagin niya daw sila Kuya Kenzo ayaw ko sana pero may choice ba ako ganun din naman ang mangyayari kahit na umiwas ako ngayon papatagalin ko pa ba syempre di na.
"Neth okay ka na ba?" tanong ni Mama pinatawag siguro sila dahil sa nangyari sakin kanina
"Okay lang naman po bakit po kayo nandito?"
"Kakarating lang namin tinawagan kami ng kuya mo kanina na at sinabing nahihirapan ka daw huminga"
"Ayos lang naman po ako ngayon nilalagnat lang ng konti pero magiging okay din naman po ako"
Pagtapos naming mag-usap chineck niya na yung temperature ko at yung heart rate.
"Sebastian matagal na kitang sinabihan na alagaan mo yung anak mo kung sana sinunod mo yung mga sinabi ko hindi mangyayari ngayon ito sa anak mo bakit ba kasi sarili mo lang lagi yung iniisip mo napakagago mo talaga" nagtaka kaming lahat dito sa kwarto kung anong nangyayari dun sa labas
"Nandito si Mamita?" gulat na tanong ni Kuya Adrian
"Paano sinabi niyo ba?" kinakabahang tanong ni Kuya Kenzo takte baka si Lola yung biglang magcollapse ngayon ayaw kasi talaga namin na malaman pa nila yung kondisyon ko kasi nung una akong sinugod sa hospital ilang araw na hindi nagising si Lola dahil na bigla siya sa pangyayari kaya simula nun hindi na namin sinasabi sa kanila kung mapupunta ba akong hospital.
"Hindi ako" sabi ni Kuya Von
"Mas lalo namang hindi ako" sagot ni kuya Marco
Tkte ang iingay ng mga ito hindi ko na marinig yung mga pinag-uusapan nila
"Dadalhin ko si Anthonneth sa Manila mas mababantayan siya dun"
"Ma hindi pwede dito lang siya ako ang ama kaya dapat sakin lang siya"
Ama hindi ko nga naramdaman na naging ama ko siya simula ng magka-isip ako eh tapos sasabihin niya yang ngayon kay Lola.
"Ama ka nga niya kaya dapat hindi mo hinayan na lumala yung sakit niya tapos ito pa may babae ka pang dinala dito sa bahay na pinaghirapan niyo ni Anastacia hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sayo nabulag ka na ba ng kabit mo at pati anak mo hindi mo mabantayan. Hindi ka ba nahihiya sa asawa mo my god Sebastian hindi kita pinalaking ganyan. Palayasin mo sila ngayon din Sebastian hindi ako natutuwa sa pinaggagawa mo sa mga anak mo hindi na kita kilala wag mong antayin na ako ang kakaladkad palabas sa mga yan nakakahiya ka"
"Kuya awatin mo na sila Lola dun baka may hindi magandang mangyari mahirap na" sabi ko sa kanila dahil hanggang ngayon mukha wala at silang balak na lumabas mga chismoso talaga eh.
Kung di ko pa sila sinabihan hindi pa nila marerealize mga tulmol talaga inuna pa yung pagiging chismoso eh.
Hindi ko alam kung bakit naging ganito yung pamilya namin kasi dati naman okay kami masaya kaming magkakapatid pero ngayon iba na ibang iba na talaga hindi mo na alam kung ano ba talagang nangyayari sa pamilyang ito eh.
Yung dating gusto ko lang na mapansin ako ni daddy kahit minsan ngayon hindi na yun yung gusto ko.
Kasi kung ito lang din pa la yung magiging kapalit nun wag na lang kahit na hindi naman talaga niya ako napapansin tsk.
BINABASA MO ANG
Tired (Family Series 2)
Teen Fiction[Family Series 2] Mahal ko siya pero bakit ganun ayaw niyang iparamdam sakin hindi ko alam kung mahal niya ba ako or what ang hirap. Hindi ako manghuhula para hulaan kung ano yung nararamdaman niya para sakin.