Prologue

201 6 1
                                    

Nine years old pa lang ako pero alam ko ng may mali sa pakikitungo sakin ni daddy dahil kahit kelan wala akong naramdaman na anak niya ako hindi tulad ng mga daddy ng mga classmate ko na hinahatid sundo sila.

Sa bata kung ito pakiramdam ko ang tanda ko dahil sa mga nangyayari sakin yung mga nasa isip ko lagi ko na lang ginagawa para lang mapansin ng tatay ko.

Kasalanan ko bang ako yun bakit hindi niya matanggap na ganito ako masakit din para sakin yun kasi anak ako pero bakit hindi niya ako mapatawad? Ginawa ko naman lahat pero bakit ganito? Para pa rin akong hindi nag-eexist sa mundo niya.

"Dad please ilang taon na bakit hindi mo pa din matanggap? Nakakapagod ng intindihin ka dahil lagi mo na lang ako binabalewala anak mo pero bakit ganito ka sakin? Sana ako na lang yung nawala bakit ba kasi ipilit niyo pang-iligtas ako kung ganito lang din naman yung ipaparamdam niyo sakin"

Ilang taon na akong nanghihingi na kahit isang beses lang iparamdam niya sakin na anak niya ako pero kahit anong gawin ko ganun pa din eh wala pa rin akong kwenta pagdating sa kanya lagi na lang yung mga kapatid ko yung pinapaburan niya kaya ang layo ng loob ko sa mga kapatid ko kahit na pinipilit nila akong alagaan sa tuwing nagkakasakit ako o kung may mangyari man na maganda o hindi nandyan pa din sila pero yung lagi yung hinahanap hindi man lang ako pinapahalagahan.

Masakit din sa part ko na ganito yung sarili kung tatay sakin minsan iniisip ko pano kaya kung mamatay ako na ilang beses ko na ding tinangka dahil napapaisip ako na baka kinabukasan maramdaman ko na naanak niya ako pero wala eh sa hospital lang din parati ang kinahahantungan ko dahil sa mga pinaggagawa ko para ngang bahay ko na yung hospital kesa sa bahay ng tatay ko eh at sa tuwing nangyayari yun lagi niya na lang sinasabi sakin na puro problema lang yung dala ko sa buhay niya sa tuwing naririnig ko yung parang namanhid na yung puso ko dahil sa lagi ko na lang yun naririnig.

"Ano na naman bang problema mo?" malumanay na sagot niya yan na lang ba lagi kung maririnig sa tuwing sinasabihan ko siya ng ganito

"Dad ano ba ganito na lang ba mangyayari sa buhay ko aanhin ko yung pera mo kung yung hanap ko hindi mo maibigay-bigay hindi pera mo ang kailangan ko Dad ikaw ang kailangan ko yung pagmamahal na kahit kelan hindi mo pinaparamdam sakin" sigaw mo sa kanya

Pero pagkatapos nun hindi ko inaasahan na gagawin niya yun dahil kahit na hindi niya pinaparamdam sakin na mahal niya ko pero niminsan hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay

"Ngayon alam ko na yung sagot Dad sa mga tanong ko simula ngayon hindi ko na hihingin na iparamdam niyo sakin yun" at tinalikuran ko na siya

"Anthonneth hindi ko sinasadya"

"Tama na Dad nakakasawa na din eh sabihin natin na hindi mo nga sinadya yun nadala ka lang sa nararamdaman mo dahil sa mga pinagsasabi ko okay lang yun Dad hindi naman masakit yun eh"

Sa edad kung ito alam kung mas matured na akong mag-isip kesa sa mga kaedad ko dahil sila hindi nila nararanasan itong nararamdaman ko kasi sila mahal na mahal sila ng magulang nila samantalang ako wala akong maramdaman.

Mayaman nga yung magulang ko pero hindi naman yun yung kailangan ko eh mas gugustohin ko pa siguro na mahirap lang pero ramdam ko na mahal ako ng magulang ko.

Pagkapasok ko ng kwarto ko nagsunod-sunod na yung pagpatak ng mga luha ko akala ko wala ng luhang lalabas sa mga mata ko pero mali ako dahil marami pa siguro ang lalabas dito sa mga mata kung ito kahit na araw-araw akong umiiyak simula nung naramdaman kung iba yung pakikitungo ng tatay ko sakin.

I always remind myself na makakaya ko din ito dahil balang araw makikita niya din yung halaga ko na mararamdaman ko din na mahal niya ako. I hope na pagdumating yung araw na yun hindi pa huli ang lahat dahil gusto ko once na mangyari yun siguro ako na ang pinakamasayang tao sa mundo dahil naiparamdam niya na sakin ang matagal ko ng gustong mangyari

Tired (Family Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon