Chapter 23

34 1 0
                                    

Pagdating namin sa bahay ang ingay nasa labas pa lang kami naririnig na namin yung sigawan nila dun.

Sakit sa ulo talaga yang si daddy pag lasing mahirap pakiusapan. Ewan ko ba jan kahit sa kanila kuya ayaw makinig sakin lang talaga na halos wala siyang pakialam. Nakakatawa lang

"Neth buti naman at pumayag kang pumunta dito" yun agad yung salubong ni Kuya Marco sakin ang bait hindi ba seryuso nga talaga yung nangyayari dito.

"Nasan ba si Daddy?"

"Ayun oh" turo niya dun sa may sala namin ayun silang lima dun nagkukumahog na patigilin ang daddy para silang mga timang lalo na yung dalawang babaeng mukhang palaka

"Bakit hindi mo sila tinutulongan kuya?"

"Nakikita mo ba ito?" turo niya sa mukha niya may sugat hindi naman ganun kalaki tama lang nasagi siguro dahil sa pag-aawat kay daddy paano ba naman kasi lumalapit alam naman nila yung ugali ng tatay nila hay naku talaga naman.

"Hahahahahahahahahha kawawa ka naman po pa la kuya sige mamaya gagamutin ko yan aasikasuhin ko na muna yung tatay niyo" at iniwan ko na muna siya dun sa may pintuan para puntahan sila kuya

"SEBASTIAN!!" sigaw ko sa pangalan niya ganun lang naman lagi yung sinasbi ko hindi ko siya tinatawag na daddy tuwing lasing siya hindi niya din naman kasi naaalala kaya okay lang.

"Ang tagal mo naman Neth ang sakit na ng katawan namin eh" reklamo ni Kuya Von

"Ayaw ko nga san pumunta kuya eh buti na lang talaga at kinumbinsi ako ni Mama kundi kawawa talaga kayo"

"Ewan ko sayo sige na ikaw na bahala jan"

"Wait lang po kuya paalisin niyo muna yang mga yan at baka hindi ako makapagpigil sa kanila ko ihagis ito" turo ko dun sa dalawang bruha na mukhang palaka

Kaya ayun pinapaalis nila kuya at ang mga gago ayaw umalis aba bahala sila sa buhay nila jan.

"Bakit mo ba kami pinapaalis anak ka lang naman ng katulong ang kapal naman din ng mukhang mong bumalik pa dito"

"Sino kaya ang makapal ang mukhang nakikitira lang hindi ba kayo ng nanay mo kaya umalis ka jan at baka hindi ako makapagpigil impakta ka"

"Neth wag mo ng patulan hayaan mo na yan" sabi ni Kuya Adrian na pilit pa ding hinihila yung babaeng ito paalis kay daddy takte tibay ng kapit ah lintang linta talaga

"Von bat ba nangingialam yan hindi naman yan part of the family" sabi nung bruhang kabit wow ako pa ang hindi part of the family ah

"Kayo din namanah hindi kayo part of the family kaya umalis na kayo jan nanggugulo lang kayo eh" burn buti nga sa inyo sa sinabi yun ni Kuya natahimik yung dalawang bruha kaya ayun umalis na din sila dun sa pagkakahawak kay daddy kaya tuluyan na ako lumapit sa kanya

"Ano ba naman yan Sebastian umupo ka nga jan"

"N-n-neth buti na lang at nandito ka na wag ka ng umalis ah" duh pinaalis mo kaya ako

"Opo hindi na po kaya tumigil ka na po kakainom jan"

"P-p-promise mo sakin na hindi ka na aalis Neth" takte bakit umiiyak siya ngayon di ba wala naman siyang pakialam sakin bakit ngayon nakikita ko siya umiiyak ang sakit parang nahihirapan akong huminga

"Sa isang kondisyon papalayasin mo na po yung mga sampid niyo dito sa bahay"

"Oo bukas din papaalisin ko na sila" akala mo talaga maaalala niya lahat yung mga nangyari ngayon eh nasabi niya lang naman yan dahil sobrang lasing siya ang baho pa naman

"Opo promise po hindi na po ako aalis pag-umalis na sila ng bahay" kaya tiningnan ko yung dalawang bruha na may ngiti sa labi ano kayo ngayon papalayasin na kayo.

"Kuya akyat niyo na po susunod na lang po ako iinom lang"

"Sige bilisan mo ah" parang mga timang eh

"Opo iinom lang po ako"

"Opps san kayo pupunta?" may balak pa atang sumunod sa daddy

"Pinapalayas na kayo hindi ba dapat umpisahan niyo ng magbalot ng gamit niyo ngayon kasi bukas na bukas papalayasin na kayo narinig niyo naman siguro hindi ba. Ay wala nga pa la kayong babalutin kasi wala naman talaga kayong gamit dito eh"

"Ikaw bata ka namumuro na ako jan sa bibig mo ah sino ka ba at nangingialam ka"

"Well di ba nga anak ako ng katulong at baka din akala niyo hindi ko alam yung pinaggagawa niyo dito sa mga maids namin ah ang kapal din naman ng mukha niyo"

"Sino kayang makapal ang mukha pinalayas na bumalik pa dito" sabi ng siraulong Analyn

"Sino nga kaya ang makapal ang mukha sating dalawa. Wag kayong aakyat sa kwarto ni Sir ngayong gabi mga hampas lupa"

Iniwan ko na sila dun dahil baka ano pangkagaguhan ang sabihin nila.

Pag-akyat ko tulog na si daddy buti naman may pasok pa ako bukas eh.

"San ka matutulog ngayon wala kang kwarto?" tanong ni Kuya Adrian

"Kahit san po kuya pwedeng sa kwarto mo"

"Tabi tayo? Pwede naman"

"Hoy anong kayo lang dapat lahat tayo apat na nga lang tayo eh" singit ni kuya Marco ingitero talaga

"Hindi pwede magtatabi kami ni Nanay ngayon kaya Kambal kayo muna ang magtabi ngayong gabi next time na ulit tayo magtabi-tabi"

"Daya naman Neth eh"

"Oh baka nakakalimutan niyong si Nanay ang nagpauwi sakin dito hindi kayo ah"

"Oo na oo na matulog ka tatawagin ko na lang si Manang para sayo mahal na prinsesa" sarkastik na sabi ni Kuya Marco napaka talaga niyan tinawanan ko na lang siya dahil sa asal niya.

Takte ngayon ko lang siya nakita na umiiyak sa sakit pa lang makita na yung tatay mo umiyak sa harap mo kasalanan niya din naman kasi eh.

Ang sakit pa lang makita yung tatay mo na umiyak sa harap mo mas prefer ko pa ata na wag niya akong pansinin kesa yung ganitong makikita ko siyang umiiyak eh sobrang sakit neto para sakin.

Bat parang ang bilis naman ata ni nanay na umakyat ang sabi niya kanina may gagawin lang daw siya mauna na akong matulog.

Kaya pa la mabilis dahil hindi pa la si Nanay kundi si Kuya Marco

"Oh kuya nasan si Nanay?"

"Ayaw ka daw niyang katabi ngayon dahil maaga pa siya bukas para ipaghanda ka ng pagkain"

"Talaga ba kuya or baka nagpaawa ka lang kay nanay na kayo ang tatabi sakin ngayon"

"Uhm hindi ah"

"Sigurado ka?"

"Oo na sige na ikaw naman kasi eh"

"Hahahahahaha Oo na po saglit lang maglilinis lang po ako ng katawan"

At lumabas na din siya ng kwarto ako naman nangalkal sa damitan ni Kuya Adrian ng mga damit ko halos lahat kasi ng kwarto nila may damit ako pero yung ginagawa nila sa pinakasulok nila nilalagay kaya ang hirap hanapin lalo na dito sa damitan ni kuya na parang binagyo sa sobrang gulo ako yung naaawa sa mga maids eh dahil sa isang linggo ata dalawang beses kung linisin yung mga damitan nilang tatlo.

"Neth naman bakit yan yung sinuot mo?" reklamo ni kuya Adrian hindi ko kasi mahanap yung tshirt ko kaya yung kanya na lang yung kinuha ko tapos yung kinuha ko pa isa sa ibinigay ng crush niya kaya tagalan maiinis siya.

"Kasi naman kuya yung mga damit ko hindi ko mahanap sobrang gulo kaya ng damitan mo nakakahiya naman kasi sayo hindi ba"

"Pero ang dami ko namang damit jan bakit yan pa talaga"

"Sorry na po kuya ngayon lang naman eh"

"Oo na matulog ka na maaga ka pa bukas"

"Okay po good night po kuya thank you" tsaka hinalikan ko sila isa-isa sa pisngi sayang nga lang at wala si Kuya Kenzo ngayon.

Tired (Family Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon