001

881 30 4
                                    

[ CHOI LIA'S ]

"Lia, dali na!" nagmamadaling utos ni Aecha.

"Grabe, saglit lang! Hindi ka naman maagawan ng upuan kasi VIP ang binili mong ticket!" medyo inis na sumbat ko at nagpatuloy lang sa pag-aayos ng gamit.

Hinila niya agad ako palabas ng classroom nang matapos ako. Nainis ako dahil do'n ngunit hinayaan ko nalang siyang hilain ako dahil ilang oras nalang ay masisimula na ang show.

Lakewood University Variety Show 2020. 'Yan ang nakasulat sa stage ng venue. It's an annual tradition of the University na nakadepende naman sa'yo kung manonood ka o hindi. LWU promotes students with great talents. At isang paraan 'tong show para ma-expose o madiscover ang mga estudyanteng may kakayahan lalo na sa Arts.

Marami ang magpeperform ngayong gabi. Pero ang pinakahihintay ng lahat ay ang grupo nina Hwang Yeji. Ang IDZY. They're a group with four girls who sing and dance. Lahat sila ay kabatch ko maliban kay Yuna na mas bata sa'min ng isang taon.

"May pagkain na ba? Si Sojin, nasaan?" sunod-sunod na tanong ko kay Aecha nang makapasok na kami sa venue at naglalakad na patungo sa nakareserve na seat namin.

"Nauna na. Nakaupo na siya! Ang tagal mo kasi!" sagot niyang inirapan ko nalang.

Maingay ang venue na halatang excited ang mga estudyante. Some wore their headbands, made a lightstick and a banner, and shirts too with the groups they like on it. Siyempre, karamihan ay IDZY.

IDZY's fame is crazy. Lahat nalang yata ng nakakapanood sakanila ay nagugustuhan sila sa huli. Some became die-hard fans which mostly were boys. Lahat ay fan nila... maliban saakin. I like them but not enough to be a fan. Ito palang yata ang show na mapapanood ko sila kaya hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. I do not want to be a fan of anyone. Fangirling is a waste of time and it's too childish.

"Hoy, Lia! Manood ka! Huwag mong sayangin yung ticket na binili mo!" si Sojin nang makaupo na kami sa tabi niya.

Umirap ako. "Oo na!"

"Ayan na, magsisimula na!" hiyaw ni Aecha na inilingan ko nalang.

My two friends went wild when the lights went off at tanging mga ilaw nalang sa stage ang naiwan. Nanatili akong tahimik at kalmado. Malapit nang mairita sa mga nagsisigawan kaya kinuha ko na ang hinandang ear buds at isinuot 'yon.

Lumabas ang emcee at nagsabi na ng kung ano-anong hindi naman pinapakinggan. The crowd went wilder nang umalis na ang speaker sa stage at pumasok ang isang grupo ng estudyante. I didn't know the group but I watched and enjoyed their performance secretly.

Ilan pang grupo ang nagperform bago ang IDZY. They were the last one to perform at wala nang iingay pa sa naririnig kong sigawan ko ngayon dahil do'n.

Lalo pang umingay nang nasa stage na sila at nakaposisyon. Inalis ko ang ear bud na nasa kanang tenga ko para marinig sila ng klaro. My eyes went to Yeji, Chaeryeong, Yuna, and Ryujin who had my entire attention the whole time.

Malalim ang boses niya tuwing kumakanta at para bang kinikiliti ang tenga ko habang pinapakinggan 'yon. I heard her talk many times already but today is different. And her fierce eyes while performing, nakakaakit!

I was speechless the whole time. Hindi ko pa namalayang inalis ko na ang ear bud ko sa kaliwang tenga para marinig sila Ryujin ng mas maayos.

TRY . jinliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon